Chapter 17.1
Nakaupo sila Tita Zita at Yasmin sa isang bench sa may hardin.
" Anong nangyari Yasmin? Akala ko ba.." tanong ni Tita Zita at nagtataka sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Xian.
" Ano ba ang nangyari?"
" Patawad tita.." sagot ni Yasmin.
Hinawakan ni tita Zita ang kamay ni Yasmin na nasa kanyang balakang habang nakaupo. Napatingin si Yamsin sa kamay ni tita Zita.
"Ano ba ang problema ninyo? Bakit ganito ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tita.
Hindi makasagot si Yasmin sa mga tanong." Akala ko ba na mahal ninyo ang isa't isa.. Bakit mo hahayaang makasal si Xian sa babaeng iyon? Di ba nangako kayo na bubuo ng pamilya? Akala ko ba na ang pagbabalik ninyo rito ay para maayos ang lahat. Hindi ko akalain na ganito ang mababalitaan ko at maaabutan. Kung alam ko lang, eh, ipinakasal na kita sa kanya roon!"
Napatingin bigla si Yasmin sa mukha ni Tita Zita.
" Tita.." pabulong na sabi ni Yasmin.
" Alam kong may pinagdadaanan kayong dalawa pero sana hindi kayo susuko sa isa't isa. Dapat magkasama kayo sa laban na ito!" payo ni tita Zita.
" Sorry po pero may dahilan kong bakit nangyayari ito," paliwanag ni Yasmin na agad yumuko ang ulo." Ano ba ang dahilan? Katanggap tanggap ba ang dahilang iyan na hindi na kayo magsasama at hahayaan nalang ninyo ang pagmamahalan ninyo?"
Wala nang mukhang ihaharap si Yasmin kay Tita Zita.iwas tingin na ito at di makatingin sa kanya.
" Pag -usapan ninyo ito. Huwag ninyong hayaang manaig ang hindi dapat. Huwag ninyong balewalain ang inyong nararamdaman sa isa't isa. Mahal ninyo ang isa't isa at saksi kaming lahat. Nasasaktan kami habang nakikita kayong nasasaktan!"
Napapaluha si Yasmin pero hindi niya ito pinahalata. Pilit niyang hindi maluha pero ang mga luha niya ay di niya mapigilan.
" Hija, ano ba ang gumugulo sa iyo?" mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Yasmin.
" Kasi tita.. "
" tumingin ka sa akin.."
Dahan -dahang lumingon si Yasmin paharap kay tita Zita." Sabihin mo sa akin kung ano ang problema baka pwede kitang tulungan at mapayuhan. Habang maaga pa ay matama ang hindi dapat!"
Nakatingin si Yasmin kay tita Zita na tumutulo na ang luha. Habang nakatingin si Tita Zita ay naaawa naman siya kay Yasmin na bakas sa mukha ang lungkot.
Tita Zita comforted her. She smiled while ready to listen to her.
" Makikinig ako sa iyo.."
" kasi ganito po iyon.. Ako po ang nagsabi kay Xian na ituloy ang kasal niya kay Marga. I hurt him. Pinilit ko po siyang magpakasal at bumalik kay Marga."
" Bakit mo naman ginawa iyon?"
" Kasi.. "
Dumating ang isa sa assistant photographer, " Miss Yasmin, narito lang po pala kayo. Hinahanap kayo sa itaas."
" po?"
" Halina kayo at magsisimula na roon ang photoshoot."
" Ganoon ba!" napatayo si Yasmin.
" Yasmin!" reaction ni Tita Zita na nabitin sa sasabihin ni Yasmin.
" Sorry tita.." sabi ni Yasmin na paalis sa lugar na kinauupuan ni Tita Zita. " mauna na po ako."
Naiwan si tita Zita roon.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...