Chapter 18.1 (warning: slight spg)
Nagmamadaling bumangon si Xian para hanapin si Yasmin. Wala na sa tabi niya si Yamsin pagkagising niya. Naka-shorts lamang na puti si Xian at naka -sando." Yasmin!" sigaw nito. Kinakabahan ito baka tuluyan ng umalis si Yasmin pabalik sa kanila. Baka katulad ng dati ay pabigla-bigla ang pag-alis nito na walang pasabi.
Natataranta na ito sa kahahanap sa dalaga. Pumunta siya sa living room pero wla siya roon. Wala siya sa kusina kaya pumasok na rin siya sa comfort room pero wala rin siya roon.
Napapahilamos nalang siya ng mukha at bakas sa mukhna ang pag - aalala. Malalim ang iniisip nito.
" Yasmin!!"
Naisipan niyang tingnan ang mga gamit niya sa kwarto katulad ng damit at mga papeles. Binuksan niya ang kabinet at naroon pa ang mga damit ni Yasmin.
" Narito pa ang mga gamit niya!"
Binuksan niya anh drower at nakita niya ang ibang papeles niya at ticket.
" Hindi pa pala siya umalis!" Gumaan ang pakiramdam ng binata.
Tiningnan niya ang oras ng flight ng return ticket nito at ang nakasulat ay " 4:00AM!"
Napalingon si Xian sa malaking orasan na nasa kwarto at ito'y 6:30 Am na.
" Ibig sabihin ba nito.." bulong niya sa sarili.May narinig siyang ingay sa may pinto ng living room. Mukhang may bumukas. Agad agad siyang nagtungo roon at nabigla siya.
Napahinto si Xian ng makita si Yasmin na papasok sa loob ng bahay." Yasmin--"
Napatingin rin si Yasmin at binati ang binata,
" Good morning!"
Isinara na niya ang pinto pero hindi inilock. May dala dalang isang supot ng pinamili niya sa palengke.
" Gising ka na pala! Gutom ka na ba? Ipagluluto kita!" nakangiting sabi nito.
Hindi na napigilan ni Xian ang sarili na hindi puntahan si Yasmin. Agad niyang pinuntahan ang dalaga at hinawakan ang mga pisngi nito.
Nagulat si Yasmin sa ginawa ni Xian. Sinunggaban ng pabiglang halik ni Xian si Yasmin kaya nabigla siya. Hindi inaasahan niya na hahalikan siya ni Xian sa mga oras na iyon. Nabitawan ng dalaga ang kanyang dalang supot. Nakapikit ang mga mata ni Xian habang nakadilat naman ang kay Yasmin. Ang lakas ng kabog ng puso niya na para bang sasabog." Xian--"
Hiniwalay na ni Xian ang kanyang labi sa labi ni Yasmin at idinilat na niya ang kanyang mga mata. Nakatitig pa rin si Yasmin at nagtataka sa ginawa ng binata.
" Nag - alala ako! Akala ko umalis ka na. Akala ko mawawala ka na naman! Akala ko iiwan mo na ako."
" Xian--"
Yasmin touch the face of Xian by her right hand. He seems like a little boy na naiwan sa isang lugar. Bakas ang takot at kaba." Hindi kita iiwan. Mananatili ako rito kasama ka at ang baby natin."
Napangiti si Xian. Napanatag na ito.
Hinalikan ni Xian ang noo ni Yasmin kaya napayuko ito ng saglit. Pagkatapos, hinawakan ulit ni Xian ang pisngi ni Yasmin para mahalikan. Sa pagkakataong ito ay nakapikit na ang mga mata nila.They kissed intimately.
Yasmin hugged Xian at naglalakad sila habang naghahalikan. Until they reached sa may couch.
Dahan dahang inihiga ni Xian si Yasmin sa couch at nagpatuloy ang paghahalikan nilang dalawa. Napapapulupot sa may batok ni Xian ang mga braso ni Yasmin.

BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...