Napatakip ng mata si Yasmin ng lumabas sa kwarto si Arthur. Pagkatapos ay agad tumalikod ang dalaga sa binata." bastos mo talaga!" naiinis na sabi ni Yasmin.
Naka black boxer shorts lamang si Arthur na nakatayo sa may likuran ni Yasmin. Talagang mapapansin mo ang bundok nito sa pagitan ng mga hita. Fit na fit kaya halata ang tinatagong alaga. Wala siyang saplot pang - itaas at kitang kita ang malatinapay na abbs nito na talagang katakamtakam.
" Sinong nagsabi na pumasok ka sa kwarto ko?" pang aasar ni Arthur.
" aba!" mas naaasar si Yasmin sa tanong nito. " Hindi ka ba pwedeng magsuot muna ng pang itaas at sa baba pagmay kausap ka."
Arthur smiled and said, " Hindi ka pa ba nakakakita ng ganitong katawan?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Halo halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon- kaba, hiya, asar, inis!
" Magbihis ka nga!" sigaw ni Yasmin.
" Inuutusan mo ba ako?"
" Nakakainis!" bulong ng dalaga sa sarili. Still, nakatalikod pa rin ito sa binata.
" Di ba kwarto ko ito, kaya pwede kong gawin ang gusto ko!" sabi ni Arthur. Kinuha ni Arthur ang towel na nakasabit sa upuan at tinakpan ang ibabang bahagi niya na hindi alam ni Yasmin.
" Magbihis ka!" sigaw ulit ni Yasmin. Mas kinabahan ito ng marinig ang mga sinasabi ng binata.
Dahan dahang lumapit si Arthur sa dalaga hanggang nasa likuran na niya ito malapit sa kanya. Bumulong siya kay Yasmin." Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kagabi!" bulong nito sa tenga niya.
Nanlaki ang mata ni Yasmin ng maalala ang ginawa niya. Lumingon siya agad at hinarap si Arthur pero hindi niya inaasahan na napakalapit na ng mukha niya sa mukha ng binata. Nabigla sila pareho at namula.
Natahimik at nagkatitigan ang dalawa.After ilang segundo ay iwas tingin agad si Arthur at mukhang inuubo. " uho!" at napalunok ng laway. " uho!"
Napayuko ng ulo si Yasmin at sinabing, " Sorry!"
Agad umupo si Arthur sa upuan at tiningnan ang mga pagkain sa mesa.
" Ano ito?" matigas na pagkakatanong ni Arthur.
" huh?" napatingin si Yasmin sa kanya. " Pinagluto kita at inihanda ko ang breakfast mo."" ahh, breakfast!"
" kasi.. Naisipan ko.. Uhm.. Para pam.." hindi na naituloy ni Yasmin ang sasabihin ng magsalita ulit si Arthur.
" hindi kasi ako kumakain ng breakfast. I just drink coffee," sabi ni Arthur na nakaupo pa rin sa harapan ng mesa.
" huh?" nabigla si Yasmin at medyo nalungkot dahil hindi man lang na-appreciate ang effort nito.
" sige, ililigitpit ko nalang," malungkot na sabi nito.
But Arthur stop her, " teka lang!"
" huh?" nabiglang reaction ni Yasmin.
" Umupo ka!" utos nito.
" huh?"
" Ang sabi ko umupo ka ryan!" napasigaw nitong utos.
Nabigla si Yasmin at napilitang umupo sa katabing upuan na nasa harapan ng mesa. Hindi niya alam kung bakit niya siya pinaupo. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur.Kinuha ni Arthur ang isa pang plato at inilagay sa harapan ni Yasmin. Nagtataka si Yasmin kung ano ang binabalak nito.
" Since narito na itong mga pagkain, kaya kakainin natin ito!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...