Perfectly Imperfect update
Chapter 53.1
Hindi madali para kay Yasmin ang mga nabalitaan. Pero para sa anak nila, magpapakatatag siya kahit anong mangyari.
Umalis si Yasmin sa mansion kasama si Sissy. Ilang araw lang ang lumipas ay isinilang niya si Hyacinth, ang munting anghel nila ni Arthur. Magiging lakas ni Yas ang baby nila na si Aya para magpatuloy sa buhay.--------
Lumipas ang limang taon."Aya!" Tawag ni Yasmin sa makulit nitong anak na naglalaro.
Naghahanda si Yas ng hapag kainan nang tawagin ang anak.
"Nasaan ba sila?" Ani ni Yas.Dala naman ni Lin ang kanin at inilapag sa mesa.
"Siguradong naglalaro pa iyon sila!" Sabi ni Lin."Tatawagin ko po sila!" Wika ni Peter. Agad tumakbo papalabas si Peter para puntahan ang dalawang bata.
Napakasariwa ng hangin sa lugar. Walang gaanong mga gusali at pabrika kaya walang polusyon. May mga establisiemento pero kaunti lamang. Maraming mga puno pa rin at halaman ang iyong makikita kaya ito ang nagbibigay buhay sa lugar at nagpapaganda sa tanawin. Malayo ito sa naranasan nilang siyudad noon.
Pero unti - unting umuunlad na ito.Naglalaro ng saranggola ang dalawang bata.
"Ang taas na Lenard! Sige pa!" Masayang sabi ni Aya.
"Hawakan mo ng maigi!"Tugon ni Lemard.
Nakatingin sa saranggola ang dalawa habang ito ay patuloy sa pag-angat sa kalangitan. Tuwang tuwa si Aya na makita ito na umaangat. Napapatalon pa siya dahil sa excitement. Masaya naman si Lenard na makita si Aya na masaya.
"Sana makaabot kay daddy!" Sigaw ni Aya.
"Aya! Lenard!" Tawag ni Peter.
Napalingon ang dalawang bata kung saan nanggagaling ang boses.
" Si kuya Peter.." sambit ni Lenard.Hindi na namalayan ng dalawa na unti unti nang bumababa ang kanilang saranggola hanggang bumagsak ito sa lawa.
"Naku!"
Gulat na reaction ng dalawa nang makita ang saranggolang bumagsak. Tumakbo sila patungo sa lawa.
"Ang saranggola ko!" Nalulungkot na sabi ni Aya. "Paano na ito.."Pinagmasdan nila ang saranggola sa lawa. Naiiyak na si Aya at gustong -gustong makuha ang saranggola niya.
Dumating na si Peter at sinusundo na amg dalawang bata."Halina kayo. Tinatawag na kayo ng mga ina ninyo. Kakainin na raw!"
Napatingin si Aya kay Peter at nakiusap ang bata.
"Kuya, tulungan mo naman kami na kunin ang aking saranggola!""Huh?"
Napatingin si Peter sa saranggola na nasa lawa na medyo malayo layo rin ang distansya mula sa lupa.
"Gagawa nalang tayo ng bago. Basa na rin ang saranggola at mahirap na itong lumipad."
Pero nagpumilit pa rin si Aya. " Pero gusto ko ang saranggolang iyon! Naroon ang sulat ko kay daddy na gusto kong iaabot sa kanya sa langit."
Sinermunan siya ni Peter.
"Hindi naman niya mababasa ang sulat mo dahil hindi iyan aabot sa langit!"Naiyak si Aya at nagtampo ito. Tumakbo ito papalayo sa dalawa.
"Aya!!"
--------
(((Wheew! So lowbat.. kaya dito lng muna)))Panteaser para sa mga sumusunod..
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...