Chapter 58.7

433 24 1
                                    


Masakit para kay Yasmin ang mga nagawa ni Marga sa kanya lalo na't nawalan siya ng mga anak pero kahit ganoon may natitirang awa pa rin siya sa kaibigan.

"Patawad Yasmin, Arthur.. kung hindi man ninyo ako mapatawad, wala na akong magagawa. Malaki ang kasalanan ko sa inyo at naiintindihan ko kayo," malumanay na wika ni Marga na nakatitig sa kisame na ang luha ay dahan-dahang dumadaloy sa kanyang pisngi. Unti-unti na rin siyang humihina. Tanggap na ni Marga ang karmang nangyayari sa kanya. Ito na ang kabayaran sa lahat ng pasakit niya sa iba. Maraming nagdusa at nasaktan sa kanyang mga nagawa lalo na si Yasmin. Nagawa niya iyon dahil sa inggit at sa pag-ibig.

"Patawad Yasmin, patawad Arthur.. mapatawad ninyo sana ako.." paulit ulit niyang paghingi ng tawad.

Sinagot ni Yas si Marga, "Sino ba kami para hindi ka patawarin.. Alam ko nagsisisi ka na. Kaya pinapatawad na kita...Marga."

Dahan -dahang napatingin si Marga kay Yasmin. "Salamat Yasmin. Napakabait mo talaga. Sana sa pangalawang buhay ko, maging magkaibigan ulit tayo.."

Si Yas naman ay tumingin sa asawa at hinihintay ang sagot nito.

"Arthur.." sambit ni Marga na dahan -dahang pumipikit.

"Sige, pinapatawad na rin kita. Kung pinatawad ka na ni Yasmin, pinapatawad na rin kita. Basta siguraduhin mo na hindi mo na kami guguluhin pa at hindi mo na sasaktan ang pamilya ko at ang iba.."

Napangiti si Marga at nagpasalamat ito. "Salamat. Talagang kayo ang nakatadhana na kahit hindi man maganda ang simula ninyo at hindi ikaw ang first love ni Yasmin, ikaw naman ang nagmamay-ari sa kanya ngayon.."

Nagsalita ulit si Yasmin. "Hindi basehan kung sino ang nauna. Ang mahalaga kung sino ang nanatili sa iyong tabi at kaya ka niyang protektahan kahit anong mangyari."

"Tama iyan!" Tugon ni Marga. "Kung sino ang taong mamahalin ka ng buo at walang pag-aalinlangan. Isang taong mahal ka kung sino ka man."

Idinilat muli ni Marga ang mga mata at tinitigan pa si Yasmin. Inangat rin niya ang kanyang kamay at agad namang lumapit si Yas para hawakan ito.
"Salamat Yasmin. Masaya ako na ikaw ang naging kaibigan ko. Alam ko na kung bakit marami ang napapahanga sa iyo. Salamat dahil bago man ako lumisan sa mundo, makita ko kayo at makahingi ng kapatawaran sa inyo. Mapapanatag na ako."

"Sinong lilisan!? Huwag kang magsabi ng ganyan! Lumaban ka Marga!" Sermon ni Yasmin na pinapalakas ang loob sa nanghihinang Marga. 

"Sana mapatawad din ako ni Xian.. iyon na sapat na para sa akin."
Pinikit niya ang kanyang luha.

Naluha nalang si Yasmin.

Biglang bumukas ang pinto sa pagtulak ni Xian. Napalingon ang dalawa at nakita si Xian na hinihingal. Nakapikit pa rin si Marga pero rinig niya ang nangyayari sa paligid.

"Xian.." sambit ni Yasmin.

Tumakbo si Xian pabalik sa kwarto ni Marga. Mukhang may sasabihin ito. Nang nakapasok na ito,dahan-dahan siyang humakbang at napatingin kina Yas at Arthur. Pagkatapos ay tumingin ito kay Marga na nasa kama at nakapikit ang mga mata.

"Marga.."

"Xian.." mahinang sambit ni Marga.

Napalunok muna si Xian at mas lumapit pa ito.

"Marga pinapatawad na kita. Patawarin mo rin ako sa mga nagawa ko. Naging masamang fiance ako noon. Hindi ko na inisip ang mga nararamdaman mo. Patawarin mo ako."

"Salamat.."
Batid ni Marga ang kasiyahan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaligayahan. Napakagaan ng kanyang pakiramdam. Sa tingin niya'y natanggalan siya ng tinik sa puso niya. Lilisan man siya, magiging payapa ang loob niya.
--------
Bago umuwi, dinalaw nina Yasmin at Arthur ang libingan ng kanilang panganay. Napakapayapa at napakalawak nang cementeryo na may kulay berdeng damong nakapaligid. May dala silang bouquet papunta roon. Nang nakarating na sila, lumuhod si Yas at inililagay ang bouquet sa ibabaw ng lapida.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon