Chapter 10.4

1K 22 1
                                    


Kinikilig si Harrold habang nanonood sa dalawa. Napapatapik siya sa balikat ng katabi niya dahil sa kilig.
" Ang cute nilang tingnan diba?" sabi ni Harrold na hindi mapigilang kiligin.

Napangiti nalang ang katabi niya.

Si Helen naman ay talagang naiinis habang nanonood. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito but then nawala pa ang chance. She's divorce at wala ng asawa kaya pwede ng makipaglandian sa iba.

Paliit ng paliit ang papel hanggang dalawang pares na lang ang natira: sina Yasmin at Xian at isang pares na magkasintahan talaga.

Mukhang isang paa n anaka tiptoe nalang ang pwede sa papel. Kinakabahan ang lahat. Sino ang mananalo?

Music please..

Sayaw sayaw!!!
Sumayaw sila.
Nakatingin si Xian kay Yasmin at ganun rin siya. Nag - aalala si Yasmin. Hindi alam kung anong gagawin nila. Kinakabahan siya.
Bumulong si Xian, "Kaya natin ito!" He was determine to win but Yasmin is hesitant.
" Paano?" tanong ni Yasmin at tumingin siya sa kalaban nila na nasa kanan niya. Nakita ni Yasmin na napaka-confident ng katunggali nila. They were laughing at nagkakatuwaan habang sumasayaw. Well, kitang kita na talagang lovers ang dalawa and they can show it. Si Yasmin na kinakabahan na medyong nahihiya na kasama si Xian. Palaging nasa isip niya kung ano ang iisipin ng iba. They are lovers but they can't show it to the others.

Then..
The music stops!

The guy step his one foot sa paper habang ang isang paa ay nakataas. Ang nasa papel ay dahan dahang inaangat ang heel nito. Naka - tiptoe na ito.  Pagkatapos ang babae ay sumakay  sa likod ng lalaki. Nakahawak ang kamay ng babae sa leeg ng kapartner niya at pataas ang mga paa nito para hindi sumadsad sa lupa.

Sina Yasmin at Xian naman..
" I will carry you," sabi ni Xian kay Yasmin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin at wala na siyang magawa. She didn't feel this kind of feelings before.. Mukhang teenager lang naman.

Xian step one foot on the paper. Xian placed his arm around Yasmin. He placed his one arm around Yasmin's back and ang isa ay nasa naka-bend na tuhod. Yasmin placed her arms around the shoulder of Xian at na- lift niya ang dalaga na walang kahirap-hirap. He lifted her like a lover.
Mas pinalapit pa ni Xian ang katawan ni Yasmin nang kargahin niya ito. Tumayo ng matuwid siya at itinaas niya ang isa niyang paa na hindi nakaapak sa papel at lupa. Pagkatapos ay dahan dahang itinaas niya ang kanyang takong. Naka - tiptoe na ang isa niyang paa. Kaya kailangan niyang magbalance or else mahuhulog sila pareho.
Yasmin wrap her arms around Xian's shoulders.

Lahat ay natulala at pinapanood ang dalawang pares kung sino ang mauunang maggive up. Hmm. Sino kaya?
They took pictures and video.

The emcee said, " Ito na ang last na level. Kung sino ang mauunang maggive-up ay  siya ang talo.
They  waited na kinakabahan.
Mas tumatagal, nararamdaman ng dalawang lalaki ang bigat ng dinadala nila lalo na nakatip toe sila at nagbabalance. Parehong pinapawisan ang dalawa. Tinitiis ang hirap para manalo.

Ang isang babae pabulong na nagsabi na nasa likod ng lalaki, " Kailangan nating manalo. Prove to them na tayo ang the best couple! Huwag tayong magpapatalo sa kanila na hindi naman magkasintahan na katulad natin. Nakakahiya!" bulong niya sa kanyang partner na halatang nahihirapan na rin. Hindi na siya sumagot sa sinabi ng dalaga.

Napansin naman ni Yasmin na nahihirapan na si Xian. Pinapawisan na si Xian.
Bumulong si Yasmin kay Xian na talagang naaawa na sa kapareha, " Tama na! Nahihirapan ka na! Huwag na nating ituloy ito."

Sumagot si Xian," Hindi! Kaya natin ito!"
" Pero Xian, ayokong nahihirapan ka kaya sumuko na tayo."

" Ngayon pa ba tayo susuko! Kung kailan sinimulan na natin." sabi ni Xian na napakaseryoso.
" Xian naman.." nag - aalalang sabi ni Yasmin.
" Papatunayan ko na kaya kong panindigan ka. Hindi ako bibitiw at huwag ka rin bibitaw! Titiisin ko hangga't kasama ka!" sabi ni Xian na nakapikit ang isang mata. Tinitiis niya ang hirap nito.

Na-touch si Yasmin sa sinabi ni Xian.
" Xian.."

He smiled and said, " trust me! Hindi ako susuko! Hindi tayo susuko!"
She nodded.

Mas hinigpitan ni Yasmin ang pagkakahawak nito sa may shoulder ng binata.
" I trust you Xian!"

Emcee: " OMG! Talagang walang sumusuko sa kanila. Parehong magaling! Well, ang prize nito ay hindi lang cash prize, may special prize pa na magugutstuhan ng mga couple.!"

" Wow! Ano naman!?"
Emcee: " Secret muna!"

Isang minuto na ang nakakaraan.

" Huwag kang susuko! Nakatingin silang lahat!" sabi ng babae.

" Huwag kang susuko! Hindi rin ako susuko!" nakapikit na bulong ni Yasmin.

Nanginginig na ang mga tuhod nila.

They were amazed with them. Talagang napanindigan nila ito.

Sumasakit na ang likod ng isang lalaki habang nasasakal siya ng nobya niya na nasa likod.
" Kaya mo ito! Huwag kang bibitiw. Kunti nalang.. " sabi ng babae while looking at Yasmin at Xian. Nakita niyang nahihirapan si Xian na nakapikit na ito. Nakaharap naman at nakatago ang mukha ni Yasmin sa may chest ni Xian.

" Kunti nalang honey.. Almost na... they will give up.. Nahihirapan na siya!" sabi ng babae  na masaya ang mukha.

Kinakabahan si Harrold habang pinapanood ang dalawa, " oh my!"

The were still waiting. Mukhang walang magpapatalo.

" Mananalo na tayo.. I can feel it!"
Walang imik at tahimik ang lalaki na ka - partner niya.
Paulit - ulit ang babae na nagsasalita, " sabi nila may trip for two raw ang isa sa prize. Sa atin na iyon sigurado. Excited na ako kaya tiis tiis na lang!!" excited na sabi niya.

" Xian.. Okay ka lang ba?" tanong ni Yasmin na nakasusob ang mukha sa may chest ni Xian.
Pabulong naman na sagot ni Xian na nakapikit ito, " okay lang ako."

Yasmin's pov
Naririnig ko ang tibok ng puso ni Xian. Napakalakas nito at nararamdaman ko ang hirap niya. Pinapawisan na siya ng matindi at tinitiis ang bigat ko. Ang mga paa niya ay nanginginig.Iniinda ang sakit at bigat para makatayo siya. But I will support him kung ano ang gusto niya.

Nagsalita si Xian na nakaharap sa kisame. Pabulong niyang sabi, "Yasmin.. Sorry.. "
" okay lang.. I know and I will support you," sagot niya na nakasubsob pa rin ang mukha nito.

Wheew..
Biglang isang matinding ingay nang pagbagsak ng isang bagay.
Nabigla sila. Oh!

Pagkatapos ay nagsigawan ang lahat..
May nanalo na!!

---to be continued..
Sino ang nanalo? May nag give up bigla? Sino kaya?
Abangan..
Drop your reactions!

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon