Hindi natuloy ang binabalak ni Marga. "Istorbo naman! Hmp!"
Natapos ng kumain nilang tatlo at tinulungan ni Yasmin si Marga na hugasan ang pinagkainan.
" Tungkol kanina.. Uhmm... " pabulong na sabi ni Yasmin.
" Yasmin, baka isipin mo na may nangyari sa amin ni Xian. I'm still virgin. Di ba sabi ko sayo, I will be virgin until my wedding," paliwanag ni Marga.
Yasmin just smiled. Hindi alam kung ano ang dapat na reaction nito. Talagang awkward lang talaga ang mga nangyayari.
" Sigurado namang nakita mo ang katawan ni Xian?" pakagat labi siyang nagsasalita kay Yasmin.
"huh? Bakit mo naman naitanong? Anong ibig mong sabihin?" nabigla si Yasmin.
" Hindi ka ba naiinggit?" tanong ni Marga. Humarap siya rito. Napakaseryoso ng mukha niya.
" huh?" napatawa lang si Yasmin. " bakit naman ako maiinggit?" sagot ni Yasmin.
Bumulong si Marga sa tenga ni Yasmin, " Di ba crush mo siya dati? Am I right?"
Tumibok ng malakas ang puso ni Yasmin. Medyo kinabahan siya at nataranta. Dali dali niyang hinugasan ang mga plato.
" Noon yun. Naka move on na ako sa kanya!" paliwanag ni Yasmin.
Pumalakpak ng pabigla si Marga, " magaling! May ipapakilala ako sa yo. He was a friend of mine sa college. If you don't mind. Para naman may boyfriend ka na friend! Want to try?"
" huh?"
" I will set you a date!"
Sa sala naman, naroon si Xian. Sa may table sa gitna ng sofa, naroon ang cellphone ni Marga. Nagriring ito.
Tiningnan ni Xian at ang nakasulat ay
"Boss calling"
It take how many seconds. Twice ito nagring.
" babe, may tawag ka!" sigaw ni Xian.
At tumigil rin ito.
Napalingon si Marga ng tinawag siya ni Xian. Napatingin si Yasmin kay Marga na bakas sa mukha ng kaibigan ang kaba.
Dali daling pinuntahan ang cellphone na hawak ni Xian.
" Babe, may tawag ka kanina. Boss yata."
Kinuha ni Marga ang cellphone.
" Thanks hon!"
Tiningnan niya kung sino ang tumawag.
" May meeting na naman ba kayo? Napapansin ko yata na panay tumatawag ang boss mo sa yo. Wala bang ibang matawagan?" curious si Xian.
" Ako lang kasi yata ang maaasahan nila pagdating sa mga paperworks. Teka, nagseselos ka ba?" sagot ni Marga.
Lumapit si Marga kay Xian at kumandong ito kay Xian.
" Wag ka nang magselos honey. Ikaw lang ang mahal ko." pasweet na sabi ni Marga. Then hinalikan niya si Xian.
They kissed!
Hinawakan ni Marga ang likurang bahagi ng ulo ni Xian.
They kissed intensely. Kinakagat ni Marga ang ilalim na bahagi na labi ni Xian.
Lumiliyab na mga halik mula kay Marga.
" tapos na akong maghugas, " sabi ni Yasmin na patungong sala.
At biglang nakita ang dalawa na naghahalikan.
"ops!"
In Yasmin mind, " Kailangan ko na talagang umalis. Nakakadistorbo na ako sa kanila."
Dahan dahang naglakad patungong pinto si Yasmin. But dumaan muna siya sa kanila. Kahit na pilit niyang hindi distorbohin sila, napansin siya ni Xian na dumaan.
Tumigil si Xian. At tinulak kaunti si Marga papalayo.
" bakit?" tanong ni Marga na medyo nabitin sa mga halik.
Napatigil si Yasmin sa may harapan nila. Medyo nabigla dahil napatigil sila.
" sorry, nadistorbo ko ba kayo?" sabi ni Yasmin na may mahinang boses.Nahihiya kasi siya.
Tumayo agad si Marga.
" Hindi naman." sagot niya.
Tumayo rin si Xian.
" Ihahatid na kita Yasmin sa inyo. . Lumalalim na ang gabi," aniya ni Xian.
"huh?" nagulat silang dalawang babae. Napatingin sila kay Xian.
Tumingin si Yasmin kay Marga na gulat sa sinabi ni Xian.
" okay lang ba Marga? Pauwi na rin naman ako. Gabi na, baka mapano pa ang iyong kaibigan sa daan," paliwanag ni Xian.
Napilitan si Marga. " Ah..ehh.... Sige. Mag ingat kayo." nabubulol na sabi niya.
" tara!" sabi ni Xian.
" sige Marga, mauna na kami." wika ni Yasmin.
Umalis na sila Yasmin at Xian.
Nagback ride si Yasmin sa dalang motorcycle ni Xian. Tinulungan ni Xian si Yasmin na isuot ang helmet nito. Pagkatapos ay umupo na siya sa likuran niya.
" kumapit ka ng maigi!" payo ni Xian.
" huh?"
Nahihiyang humawak si Yasmin kay Xian.
Nang paandarin niya ang motor, nabigla si Yasmin at napayakap siya kay Xian.
Napangiti naman si Xian na nakahelmet rin.
Yasmin lean on the back of Xian. She hug him.
" Can I stay like this?" sabi ng isip ni Yasmin.
Medyo matulin at mabilis ang kaniyang pagpapaandar. Ramdam ni Yasmin ang lamig ng hangin sa gabi.
Napatingin siya sa kalangitan at nakita ang mga ilaw na papaitaas.
" Ano yun?"
" huh?"
Napatigil si Xian.
" Ano ang mga ilaw na yan?" napatanong ni Yasmin.
" Sky lantern yata yan. Doon sa park." sagot ni Xian.
" Wow! Ang ganda nilang tingnan." naamaze si Yasmin. Kumikinang ang mga mata ni Yasmin.
" Gusto mo bang makita kung paano nila paliparin yan?" tanong ni Xian.
" Sige, gusto ko! Paano ba?" naexcite tuloy si Yasmin.
" tara, puntahan natin sa park!"
Sumakay ulit si Yasmin sa likuran at pinaandar niya ito. Pumunta sila sa park.
Sa park, naroon ang maraming couple at may dala dalang tig iisang sky lantern. Maraming nagbebenta nito roon.
" Wow!" sabi ni Yasmin.
Nagparking muna si Xian pagkatapos ay sinamahan si Yasmin na maglibot sa park kung saan naroon ang mga nanonood sa pagpapalipad ng sky lantern.
Isang lolo na nagbebenta ng sky lantern ang lumapit sa kanila.
" Iha, iho.. Bili na kayo. Maganda ito sa inyo na couple!" sabi ng matanda.
Natawa silang dalawa.
" Hindi po kami couple manong," paliwanag ni Yasmin.
" eh, kahit na. Maganda ito sa inyo. Mag wish kayo para sa inyong future... na magkasama!" patuloy na pagsasalita ng matanda.
" Hindi po talaga kami couple. Magkakilala lang po talaga kami, " paulit ulit na paliwanag ni Xian.
" Nagsisimula sa magkakilala ang lahat, pagkatapos magkaibigan.. Tapos mag Ka IBIGAN na!! Crush crush muna at madevelop na agad." sabi ng matanda.
" palabiro ka pala manong!" patawang sabi ni Yasmin.
Napilitang bumili si Xian para tumigil na ang matanda. " Heto po!"
Bago umalis ang matanda, may hirit pa ito...
" Bagay naman kayo. Nakikita ko yun sa inyong mga mata ang lahat ng lihim na nararamdaman." paliwanag ng matanda.
Napatingin sila sa matanda
At bumulong siya sa kanila, " Gusto niyo ang isa't isa pero may pumipigil lang!"
Tumatawang paalis ang matanda.
Natawa na lamang sila.
Isinulat nila ang kanilang wish sa lantern.
While holding the lantern, tumitingin si Xian kay Yasmin na nagsusulat sa kabilang side. Nong nagsusulat na si Xian, si Yasmin naman ang tumitingin sa mukha ni Xian. Pagsulyapsulyap ang mga mata.
They dont know kung ano ang isinulat ng bawat isa.
" Tara! Let it fly!"
They smiled while looking at each other and holding the other end.
At may ilaw na ito at pinalipad na nila. Sabay sabay nilang pinalipad ito ang sky lantern.
-------@
To be continued..
Ano kaya ang wish nila??
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...