Chapter 28.2

1.1K 25 0
                                    


Nakalabas na rin sa hospital ang magkasintahang Yasmin at Arthur. Kahit na masakit ang pangangatawan ng binata ay minabuti na niyang magpahinga at magpagaling sa bahay. Nakauwi na sila sa mansion ni Arthur kasama si Yasmin. Isinama na talaga niya ang binata sa kanila at hindi na siya papayag na may mangyaring masama sa mag-ina niya.

Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin habang papunta sa loob ng bahay. Kahit nahihirapang maglakad at masakit ang katawan ay hindi niya ito pinahalata sa iba.

" Okay ka lang ba?" tanong ni Yasmin. Tinulungan niya at inalalayan ang binata.

" Okay lang ako."

Binati sila ng mga katulong pagpasok ng bahay.
"Magandang hapon po!"

Napatingin si Yasmin sa dalawang katulong na minsang nakasama niya.
Nakasunod rin sa dalawa ang mga bodyguard pati si Leo.

"Ihanda ninyo ang guest room para kay Miss Yasmin," utos ni Leo sa katulong.

Nagsalita si Arthur, " Huwag na! Sa kwarto ko siya matutulog!"

Nagkatinginan sina Fritz at Mrs. Chona sa isa't isa. Bakas sa mukha ang pagtataka.

" Yes sir!" sagot ni Leo at yumuko ito.

Nagulat rin si Yasmin na medyo nahihiya sa sinabi ni Arthur sa harap ng iba, " Arthur!" palihim na reaction ng dalaga.

Umalis na rin ang dalawang katulong at ang mga bodyguard. Natawa si Leo sa reaction ni Yasmin.

" Anong masama roon?"
Napasulyap ang binata sa tiyan ng dalaga. " Eh, mommy ka ng magiging baby ko."

" Haist!"

Napangiti si Arthur habang nakasimangot si Yasmin.

----------
Tinulungan ni Yasmin na kumain si Arthur sa kwarto. Pagkatapos ay dahang dahang pinaupo na ito sa kama.
" Huwag kang magpapastress Yasmin!"

" Okay lang ako," sagot ng dalaga.

Nilinis ni Yasmin ang mesa na pinagkainan nila.
" Ipagawa mo na iyan sa katulong," sabi ni Arthur.

"Kaya ko naman ito. Maliit na bagay lang 'to!"

" Ikaw bahala."

Napapikit ng mata si Arthur habang nakaupo at nakasandal sa unan. Lumabas muna si Yasmin ng kwarto dala ang mga pinagkainan nilang dalawa.
Pagkatapos ng sampung minuto ay bumalik na ito sa kwarto.
Napatigil si Yasmin sa may pinto ng makita niyang mahimbing na natutulog ang binata. Napangiti ang dalaga habang tinititigan si Arthur.

Yasmin's pov
"Sa una ay hindi na maganda ang pagkikita natin. Naaalala ko ang mga malagkit mong titig sa akin at ang pagbigay mo ng inuming may pampatulog. Kaya nasusuklam ako sa iyo dahil sa pagiging mapusok sa mga babae. Ang pangahas mong mga halik na nag-udyok sa akin na sampalin ka. Pero habang tumatagal ay naiba ang Arthur na nakilala ko noong una. Napakasweet, maaalalahanin, mapagmahal at matapang. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kanyang minamahal. Handa siyang isakripisyo ang lahat."

Hinihimas ni Yasmin ang tiyan nito habang nakatingin sa binata na nasa kama.

" Salamat Arthur sa lahat. I felt secure kapag kasama kita. Nawawala ang lahat ng pangamba ko kapag kasama ka. Salamat sa pagmamahal mo na binibigay mo. I am happy to know you better."

Lumapit si Yasmin kay Arthur at humiga ito katabi ng binata. Niyakap niya si Arthur and feel his chest. Napangiti si Yasmin at ipikit na ang kanyang mga mata.

" Im happy to be with you!" bulong ni Yasmin.
Naalimpungatan si Arthur. Napalibot ang kanyang mga tingin sa buong kwarto at nakita si Yasmin na yakap siya nito.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon