Chapter 50.2

1K 36 7
                                        


Sumasakit na ang tiyan ni Mia. Mukhang lalabas na ang bata.
"Ahhh.. " Naiiyak na sigaw ni Mia na ramdam ang sakit nito. Pinapawisan ng husto ang dalaga na tila mauubusan ng hininga sa kakasigaw. Si Yasmin naman ay natataranta kung ano ang gagawin. Mas lalong hindi niya alam dahil nasa ibang bansa sila.

"Hold on Mia.. teka lang." Nanginginig ay pinapawisan rin si Yasmin. Ramdam rin yata niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan.
Mas lalong kinabahan ito ng hawakan ni Mia ang braso niya at hinihila dahil sa sakit.

"Ahhh! Ayoko na!" Sigaw nito. "Ahhhh! Yasmin!"

"Mia...wait lang."
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinatawagan ang asawa. Naka-roaming naman ang kanyang numero kaya natatawagan niya ito kahit nasa ibang bansa na. Pero, hindi sumsagot si Arthur.

"Hon, please sumagot ka naman.." kinakabahan na si Yasmin at na-stress na ito sa nangyayari. Bakit ngayon pa!?

"Hindi ko na kaya Yasmin... Lalabas na yata.ahhh!"

"Wait.. wait wait! Huminga ka muna ng malalim.. Inhale! Exhale!"

Saglit ay napakalma nito ang kaibigan at sinunod niya si Yasmin. Pero hindi nagtagal ito at napasigaw ulit siya.
"Ahhh!"
Nahawak ang isang kamay nito sa may arm rest ng upuan at ang isa ay sa tiyan niya.

"Hahanap ako ng tulong!"
Tumayo si Yasmin at lumabas ng unt. Umalis siya roon para makahanap ng tutulong sa kaniya. Medyo tahimik ang building pero nagpatuloy siya sa paglalakad sa corridor. Hanggang, may nakita siyang dalawang foreigner na mag-asawa na lumabas sa kanilang unit. Agad pinuntahan ni Yas ang dalawa at nakiusap.
"Excuse me sir, maam..may you help me?" Natatarantang pakiusap ni Yasmin.
Napatingin ang dalawa sa kaniya.
"What can we do for you?"

"My friend is going to give birth. She's in her unit. Please help me to bring her to the nearest hospital." Maluha-luhang pakiusap nito.

"Sure!"

Sumaklolo agad ang mag-asawa. Pinuntahan nila ang unit ni Mia at naabutan nilang hinihingal sa sobrang sakit.

Kinarga ng lalaki si Mia at umalis na sila agad sa gusali. Dinala nila si Mia sa isang hospital. Mukhang manganganak na talaga ang kaibigan ni Yasmin. Gumaan ang pakiramdam ni Yas na sa wakas ay nadala na si Mia sa delivery room. Nakangiting napasandal si Yas sa dingding habang tinitingnan ang pinto ng delivery room. Naroon rin malapit sa pinto ang dalawa na tumulong sa kanya. She was so thankful and happy. Halo-halong emotion ang naramdaman niya na nagpaubos sa kanyang lakas. Kaya, bigla nalang siyang nawalan ng malay.

Samantala, hindi lang isang suntok ang pinatikim ni Arthur kay Pete. Hinawakan niya ang magkabilang balikat at pinatayo ang binata.

"Anong ginawa mo kay Mia!?" Galit na pinagsabihan ang kaibigan. Kasabay ng pagsabi ay ang pagsuntok nito sa kabilang pisngi ni Pete.
Dinagdagan pa ni Arthur ng ilang suntok ang mukha ni Pete hanggang dumugo ang bibig nito.

"Gago ka talaga! Gago ka Pete!"

Napangiwing tumawa si Pete na nagpa-inis pa lalo kay Arthur.
"What the!"
At sinuntok ulit ni Arthur si Pete at napatapon siya sa may mesa. Tumawa lang si Pete na parang nasisiraan ng ulo.

"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?" Galit na tanong ni Arthur. Nanggigigil pa rin ito na gusto pa niyang suntokin ang kaibigan.

"Ako tumatawa? I'm just happy!"sagot nito.

"Baliw ka na talaga Pete!"

"Nababaliw na talaga ako!"
Humarap si Pete kay Arthur at tumayo ito ng dahan dahan. Medyo nahirapan pa ito sa pagtayo. Hindi na mapinta ang mukha nito pero nakatawa pa rin siya.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon