Chapter 5.1
Pumunta sila Yasmin, Fara at si Lolo sa kwarto. Ito ang kwarto ni Xian noong bata pa siya. Sa kwarto, may isa pang pintuan ng isang kwarto.
Isinama ni Lolo si Yasmin sa isa pang kwarto. Ito ay isang dark room. Isa itong dark room ng isang photographer.
Namangha si Yasmin pagpapasok niya sa silid. Maraming mga larawan na nakapaligid at naka-hang. Matagal na itong hindi ginagamit. Medyo may mga alikabok na ang mga larawan na nakasabit at ang mga gamit.
Napatingin si Yasmin sa paligid at nacurious.
" Anong ebidensya kaya ang sinasabi ni Lolo?" tanong ni Yasmin sa sarili.
Fara reprimanded her lolo, " Lolo, pagagalitan talaga tayo ni kuya kapag nalaman niyang nakialam tayo rito."
" Nakita mo na ba?" sigaw ni Lolo kay Yasmin na naglilibot sa silid na dahan - dahan.
Isa - isang tiningnan ni Yasmin ang mga larawan. May bulaklak, puno, bahay, kapaligiran at iba pa.
At sa isang sulok, nabigla si Yasmin.
Nanlaki ang kanyang mga mata... " Teka..."
Nilapitan ni Fara at lolo si Yasmin na nakatayo at nakaharap sa mga larawan na nasa sulok. Ito ay naka- hang sa isang lubid.
" Nakita mo ?" tanong ni Lolo.
" Ako ba ' yan?" hindi makapaniwala si Yasmin.
It was her when she was first year high school.
Ang lakas ng kabog ng dibdib nito.
Tiningnan rin niya ang iba pang larawan. Nakita rin niya ang bahay nila noon. Sa bahay may isang bata na nasa bintana.
" Bahay namin ito noon...noong lumipat kami. At ako ang batang nasa bintana. Ang mga araw na nasa kwarto lang ako." pabulong niya sa sarili.
Lumipat siya sa kasunod na larawan.
Napaluha siya habang pinagmamasdan ang iba pang larawan.
" It was me when I was in elementary... Ang fieldtrip, dance presentation, poem recitation, field demo,.. Recognition At graduation."
Napatingin si Fara at napaluha rin.
Napangiti ang lolo kay Yasmin.
" Bakit? Bakit may mga ganitong larawan siya?" napatanong si Yasmin. Naguguluhan siya.
Nagsalita si Lolo, " Dahil humahanga siya sa iyo!"
" Po? Sa akin?" nabigla siya sa kanyang narinig. " Paanong..."
" Crush ka ni couz noon pa. Palagi ka niyang kinikwento kahit hindi naman kayo magkakilala. Lahat yata ng achievements mo alam niya. Hindi ko maintindihan si kuya bakit ang torpe niya!" sabi ni Fara.
" Huh? Talaga?" nahihiyang sabi ni Yasmin.
Biglang hinawakan ni lolo ang kamay ni Yasmin.
" Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Lolo.
" Po?"
" Pero hindi pa huli ang lahat!" sabi ni Lolo.
Nabigla si Yasmin sa sinabi ni lolo. Ano ang ibig niyang sabihin.
" Lolo! Ikakasal na si kuya!" Fara continued.
" Tama po, ikakasal na ang apo ninyo sa bestfriend ko na si Marga, " malungkot na sabi ni Yasmin.
Nabigla si Fara," Huh? Bestfriend niyo po!? Omg!"
Yasmin nodded.
" It was so complicated! Talagang bestfriend mo pa!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...