Simula nang nagtanong si Yasmin sa boss niya ay tahimik na ito. Napakaseryoso ng mukha ni Leam hanggang umalis na sila sa restaurant. Hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ni Yas. Binalewala nalang ni Yasmin ang mga iyon at nagpatuloy na makipagkwentuhan sa mga kasamahan.
Kinabukasan ay isinama ni Yas si Aya sa kanilang opisina. Walang klase sa paaralan ni Aya kaya isinama nalang niya ito. Natuwa naman ang mga kasamahan niya sa bata at ang iba ay binigyan pa si Aya ng candy.
"Mommy, pwede po ba akong maglaro sa labas? Sa may hardin lang po... pwede po ba?" Pagpapaalam ni Aya sa kanyang ina.
Pinayagan naman ni Yasmin si Aya. "Sige, pero huwag lalayo ha? Sa may hardin lang. Huwag din sasama sa iba na hindi mo kilala." Payo ni Yas sa anak.
"Opo mommy!"
Lumabas si Aya ng gusali at pumunta sa may hardin sa labas lamang. May mga bulaklak at puno ang naroon. Sa isang bench ay may isang batang lalaki na nakaupo roon. Nilapitan ni Aya ang bata.
"Hello!" bati ni Aya na may ngiti sa mga labi.
Lumingon ang batang lalaki at napatingin kay Aya. Medyo pamilyar para kay Aya ang mukha ng bata.
"Hindi ba ikaw iyong bata na pumunta sa school namin?" Tanong ni Aya.
Hindi sumagot ang batang lalaki at umiwas agad ng tingin. Nagpatuloy nalang ito sa paglalaro sa kanyang dalang tablet. Umupo si Aya katabi ng bata.
"Ano ang nilalaro mo?" Usisa ni Aya.
Hindi pa rin sumagot ang bata pero kinulit pa rin ni Aya. "Maganda ba ang larong iyan? Ano ang tawag sa ganyang laro?"
Tumayo ang batang lalaki at naglakad papalayo kay Aya habang hawak ang kanyang tablet.
"Teka lang, saan ka pupunta?" sigaw ni Aya at sumunod sa bata. Sinundan ni Aya ang batang lalaki.
Hindi na nila namalayan na lumalayo na sila sa hardin.
Hanggang may isang magarang kotse ang huminto sa harapan nila. Napatigil ang dalawa at napatingin sa taong lumabas sa kotse na nakaitim at may suot na sunglasses. Biglang kinabahan ang dalawa nang lumapit ang tao sa kanila.
"Gusto niyo ba ng candy?" Alok ng lalaki.
Medyo nagtaka si Aya sa pagiging mabait ng lalaki sa kanila. Gayundin ang batang kasama niya na mukhang nagdududa rin.
"May mga tsokolate rin ako at maraming mga laruan sa kotse! Gusto niyo ba?" Alok ulit nito.
Napapaatras ang dalawa. Naalala ni Aya ang mga sinabi ng kanyang ina na huwag magtitiwala sa mga tanong hindi kakilala.
"Pasensya na po Ginoo pero kabilin bilinan ng mommy ko na hindi makikipag-usap sa mga strangers! Sorry po pero hindi namin matatanggap iyan! Strangers po kasi kayo!" paliwanag ni Aya.
Napatingin naman ang batang lalaki kay Aya at na-amaze kung paano naging matapang ito.
Hindi na nakatiis ang lalaki at biglang hinablot ang braso ni Aya. Hinila niya ang bata na para bang may binabalak talaga.
Nagulat ang dalawa at napasigaw si Aya.
"Halika!" Pamimilit ng lalaki na makuha si Aya.
"Ayoko sa inyo! Ayokong sumama sa inyo!" Pagpupumiglas ni Aya.
"Bitiwan ninyo siya!" Galit na sabi ng batang lalaki at sinuntok suntok ng maliit niyang kamao ang tiyan ng lalaki.
Agad kinarga ng lalaki si Aya at patuloy na nagpupumiglas ito. Ang batang lalaki naman ay pilit na tinutulungan si Aya na makawala sa kamay ng lalaki. Binuhos niya ang buong lakas niya para masuntok ang lalaking karga si Aya. Pinipigilan niya na makuha nila si Aya.
Nagpatuloy ang lalaki sa paglalakad patungo sa kanyang kotse at nagpatuloy din ang bata na hilahin ang coat nito para hindi niya madala ng tuluyan si Aya.
"Mommy! Mommy!"Umiiyak na sigaw ni Aya.
Nang maipasok na ng lalaking naka-itim sa kotse si Aya ay biglang may humila sa kanya mula sa likod at sinuntok ito. Hindi na niya naisara ang pinto ng kotse kaya nanatiling bukas pa. Isang taong marumi ang damit na nakasuot ng eyeglasses ang sumuntok sa lalaki. Nagsuntukan pa sila at napalabas din ang driver ng kotse para tumulong sa kasama.
Agad namang pinuntahan ng batang lalaki si Aya sa loob ng kotse. Panay iyak si Aya kaya hinawakan ng bata ang kamay nito. Inilabas ng bata si Aya roon at tumakbo sila papalayo sa lugar.
Lumabas si Yasmin sa opisina at pumunta ng hardin para tawagin ang anak para kumain.
"Aya!"
Palinga – linga si Yas sa paligid pero tahimik ang lugar. Hindi niya nakita ang anak doon.
"Aya?"
Kinabahan tuloy si Yasmin nang hindi makita ang anak sa hardin. Paulit – ulit niyang tinawag pero walang sumasagot. Nilibot niya ang buong gusali at hinanap ang anak na baka naglalaro lang ng taguan. Habang tumatagal ay natatakot na si Yas sa possibleng mangyari.
Dumating ang isa niyang kasamahan.
"Nakita mo ba ang anak ko?"
"Hindi Miss Yas.. nawawala ba si Aya?" tugon ni Trixie.
Tinanong nila ang guard at ang mga kasamahan nila kung nakita ba nila ang anak ni Yasmin pero ni isa ay hindi siya nakita. Naiiyak na si Yas dahil sa kaba na nararamdaman. Napatigil ang mga trabaho nila dahil mas inuna nila ang paghahanap sa bata. Napansin naman ni Sir Leam ang mga ito.
"Anong nangyari?" tanong ni Sir Leam.
"Nawawala po kasi ang anak ni Miss Yasmin.." sagot ni Gray.
Napakunot noo si Sir Leam at dali daling pumunta rin siya sa may hardin kung saan niya iniwan ang anak niya. Pagkarating niya sa hardin ay hindi niya nakita ang anak.
"May problema po ba sir?" tanong ni Sir Mateo.
"Nakita ninyo ang anak ko?"
Napalingon silang lahat kay sir Leam pati na si Yasmin.
"Nandito lang po siya kanina!" sagot ni Sir Mateo.
"Magkasama kaya sila sa anak ni Miss Yasmin?" reaction ni Jetty.
"Baka.." tugon ni Trixie.
----------
Nagtago sina Aya at ang batang lalaki sa mga bush para hindi sila mahanap ng mga masasamang lalaki. Gusto yata nilang kidnapin si Aya.
Patuloy pa rin si Aya sa pag – iyak.
"Mommy.. mommy.." sambit nito.
"Huwag ka ng umiyak.."
"Wala na ba ang mga bad guys?" tanong ni Aya.
"Hmmm... wala na yata."
"Balik na tayo. Sigurado nag – aalala na si mommy ko. Sabi niya hindi ako dapat lumayo roon." Ani ni Aya.
"Tara!"aya ng batang lalaki.
Umalis na rin ang mga lalaking naka-itim. Hindi nila nakuha si Aya sa pagkakataong iyon dahil sa pagsaklolo ng isang taong grasa.
May mga tinamong mga sugat ang taong grasa at puno ng pasa ang mukha at katawan niya. Pinagtulungan siya ng dalawa kaya iyon ang nangyari sa kanya. Pero nagpapasalamat siya dahil naligtas niya ang batang babae sa kamay ng masasama.
Habang bumabangon mula sa lupa ay masaya pa rin ito. "Salamat at ligtas siya. Nangako ako na proprotektahan ko kayo.."
-------
A/N:
Makikita ba nila Yasmin at sir Leam ang kanilang mga anak? Ano ang binabalak ng mga lalaking iyon at sino ang nag-utos sa kanila? Sino ang taong – grasang na nagligtas kay Aya?
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Storie d'amoreNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...