Nasa loob na sila ng bahay at nakaupo sila Xian at Yasmin sa silyang gawa sa kawayan." Kumain na ba kayo nang agahan?" tanong ni tita Zita na nasa may kusina at hinahanda ang mesa.
" Hindi pa po," sagot ni Xian.
Medyo kinakabahan at nahihiya si Yasmin.Yasmin's pov.
Kung makatingin ang tita ni Xian kanina, mukhang kakainin ako. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya. Mabait kaya siya? O super sungit? Pero kung tratuhin niya si Xian ay mabait naman at maalaga. Ganun rin si Xian na may respeto sa kanya.Flashback--
Napakaseryosong nakatingin si tita Zita kay Yasmin.
Bumati si Yasmin sa tita ni Xian." Nagkita na ba tayo?" tanong ni Tita Zita.
Sinagot naman ni Yasmin, " Hi-- hindi pa po yata.."
" Aahhh.. Ganoon ba. Akala ko matanda na ako at nakalimutan ko na ang mukha ng nobya ni Xian, hindi pa pala." sabi ni Tita Zita na confident masyado.
" Anong ibig ninyong sabihin tita?" tanong ni Lolita na nasa gilid niya.
" Iba kasi ang mukha ng nakita ko sa condo unit ng kuya mo na nagpakilala na nobya niya," paliwanag niya.
Mukhang nahihiya si Xian sa pinagsasabi ni Tita Zita.
Medyo palihim na natawa si Yasmin.
" Auntie, siya po pala si Yasmin... Uhm.. Si.. Siya--.. " pinakilala ni Xian pero hindi alam kung paano niya sasabihin ang relasyon nila. Nakatingin ito kay Yasmin.
Nakikinig at naghihintay naman sila Lolita at Tita Zita sa sasabihin ni Xian.
" Siya--...."" Siya ay?? " curious si tita Zita.
Kinakabahan si Yasmin at naghihintay kung ano ang sasabihin niya.
Dumating ang tito ni Xian na si Tito Lucas at tinanong siya, " Siya ay iyong.. Ano Xian?" medyo strikto ang boses nito.
" huh?" nagulat si Xian.Nagsalita si Yasmin, " Kaibigan po! kaibigan po ako ni Xian!"
" Ahhh.."
Napatingin sila lahat kay Yasmin.---end of flashback
" Lolita, tawagin mo na silang lahat at sabay sabay na tayong kumain.
Sa hapag kainan ay naroon silang lahat na parte ng pamilya nila Xian. Ang tito niya ay nasa dulo ng mesa, si Tita Zita rin ay nasa dulo rin. Naroon ang tatlong bata, sina Lolita, walong taong gulang: Chikay, pito at si Roy anim. Silang tatlong bata ay mga pinsan ni Xian pero hindi anak nila Tita Zita. Sa anak sa malayong kamag-anak. Kasama rin nila si Kikay na katulong nila Tita Zita na mukhang kapamilya na nila.
" Huwag kang mahihiya hija. Kumain ka lang!" wika ni Tita Zita.
" opo, salamat."" Teka Xian, nasaan ba ang nobya mo at hindi mo kasama ngayon?" tanong ni tito Lucas.
" huh?" nabigla si Xian at napatingin nalamang siya sa kanila.
" Oo nga! hIndi ko pa nakikita ang nobya mo kuya Xian, " sabi ni Kikay. " Napakamalihim mo.. Ikakasal ka na pero hindi pa namin siya nakilala rito."
Tahimik lamang si Yasmin na kumakain.
" Makikilala rin ninyo siya. Busy lang po talaga.." paliwanag ni Xian." Bakit ninyo naisipan na pumunta rito?" curious na tanong ni Tita Zita.
Nagsalita si Yasmin, " Ang totoo po, tinutulungan lang niya akong lumayo muna sa isang magulong lugar.. " Napakalungkot ng kanyang boses na naramdaman nila. Napatingin at napatigil sila sa pagkain.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...