" Marga, may offer sana ako sa iyo?" tanong ni Bert.
" Bert, kung kalokohan lang ang iniisip mo, huwag mo ng ituloy!" mataray na sagot ni Marga. Inialis agad ni Marga ang kamay nito sa mesa.
" Well, ang totoo Marga.. I like you!" seryosong sabi ni Bert.
Nabigla si Marga, " What? Are you joking?"
" I'm serious.. Gusto mo patunayan ko pa!?" hamon ni Bert. Tumayo si Bert at umupo katabi ni Marga. They were looking at each other na magkatabi.
" Nagpapatawa ka ba? Sige,kung gusto mo ako, patunayan mo!" hinamon rin ni Marga.
Biglang hinawakan ni Bert ang magkabilang pisngi ni Marga at pilit na hinalikan. Gulat na gulat si Marga at hindi makagalaw.
After some seconds, lumayo na ang mukha ni Bert, " Hinahamon mo ako!" nakangiting sabi niya.
Napatameme si Marga sa ginawa ni Bert. Hindi niya ito inaasahan.
Pagkalingon nilang dalawa, nanlaki ang mga mata ni Marga na para bang may nakitang kakaiba. Nakatayo roon si Xian at nakatingin sa kanila na galit na galit ang mukha.
Tumayo si Marga, " Honey?"
Tumayo rin si Bert.
Nilapitan ni Xian si Marga at hinablot ang kamay ni Marga at inalis sa may mesa. Binalikan niya si Bert at sinuntok niya ito ng malakas.
" Aaahhh!!" sigawan ng mga tao. Nabigla ang mga tao. Ang iba ay nagtakbuhan.
" Xian!!" sigaw ni Marga na inaawat ang nobyo.
Hindi rin nagpatalo si Bert at sinuntok rin si Xian. Nagsuntukan ang dalawa hanggang dumating ang mga security guard.
" Tama na!!" sigaw ni Marga. Umiiyak ito.
Sa malayo, naroon si Odette na nakasunglasses, " Haba ng hair mo girl! Masaya ka na ba at pinag - aagawan ka ng mga lalaki! But until when?"nakangiting nagsasalita sa sarili at lumabas na ito ng restaurant.
--------
Inaawat na silang dalawa upang tumigil. Galit na galit si Xian. It was the first time ni Marga na nakitang ganoon kagalit si Xian. Hindi makapagpigil si Xian sa kanyang galit.
" Shit! Kailan pa ito Marga na nakikipagkita ka sa lalaking ito? At dito pa kayo naghahalikan!!" tinuturo niya si Bert na ang mukha ay maraming pasa.
" Mali ang iniisip mo!!" paliwanag ni Marga. " Sabihin mo sa kanya Bert na pinilit mo akong halikan!" pasigaw na sabi niya.
Hindi man lang umimik si Bert.
Nagpupumiglas si Xian at ng makawala sa pagkakahawak ng guard ay umalis na ito ng restaurant.
Nagalit rin si Marga kay Bert at sinampal niya ito.
" Miss!!" nabigla rin ang mga guard at tao.
Umalis na rin si Marga sa restaurant.
Naiwan si Bert at binayaran ang mga damage roon. " Haist!"
--------
Pumunta sa isang bar si Xian at uminom roon. Umiinom siya ng mag - iisa.
Xian's pov
Bakit ako galit? Selos ba dahil nakita kong naghahalikan ang lalaking yun at si Marga, ang babaeng pakakasalan ko? Bakit ako umiinom? Para mawala itong sakit na nararamdaman ko? O Sakit na sa tingin ko ay matagal na nandito sa loob ko? Naguguluhan ako!! Ano itong sakit na nararamdaman ko? Ang makitang ang babaeng pakakasalan ko na naghahalikan sa ibang lalaki o sa pagkakamali ko.. Na sa huli'y pagsisisihan ko! Mga bagay na hindi ko maipahayag at masabi. Mga bagay na nakatali sa nakaraan na hindi ko matatakasan hanggang ngayon!
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...