Chapter 3.1

1.7K 31 0
                                        


  At Marga's office, masinsinang nag - uusap si Marga at ang kanyang superior na may ari ng company. Marga is working in a beauty product company.
" You are so pretty now," wika ni Mr. Arthur, ang may ari ng company.
"thanks sir," sagot ni Marga.

Mas lumapit pa ng kunti si Mr. Arthur kay Marga.
"I have some offer with you, if you like. " pabulong na sabi niya. Pasweet ang pagkakasabi nito. He touches her face.

Marga had a sexy smiled then.
-----------

Niyaya ni Marga si Yasmin na kumain ng dinner sa kaniyang condo unit.
"Punta ka rito Yasmin. Dito ka na kumain ng dinner. We will wait for you." sabi ni Marga sa phone.

Haizt. No choice naman si Yasmin.

Pumunta si Yasmin sa condo unit ni Marga na nasa 10th floor.

Door bell- ding dong-
Binuksan ni Marga ang pinto. " pasok ka!"
Pumasok si Yasmin. Malaki laki rin ang condo unit ni Marga. Naroon sa hapag kainan si Xian. Tahimik lang siya roon na nakaupo sa may gitna.
Marga offered the seat kay Yasmin na kaharap sa ka niya. Umupo na sila.

Nagsimula na silang kumain sa hinanda ni Marga.
The two couple were so sweet.. Marga was so sweet kay Xian na sinusubuan pa niya ito.
" Babe, kaya ko naman." pabulong na sabi ni Xian sinabi.
"eh, gusto kong subuan ka." malumanay na sabi ni Marga at nagpapacute sa fiance nito. Patingin tingin naman si Marga sa kaibigan tila nagpapakita at sinasadyang magpacute.
Si Yasmin naman ay tahimik lamang na kumakain na kaharap si Marga. Kung pwede lang lumipad paalis sa place na yun, ginawa na ni Yasmin. Out of place yata si Yasmin. It was like, sinulo nila ang lugar na yun. Grabe, hndi ba sila nahiya sa harap ni Yasmin.

"okay ka lang ba tomorrow? May pupuntahan tayo." yaya ni Marga.
"huh?"

Kinabukasan, araw ng Sabado, napakabusy nilang tatlo. Pinuntahan nila ang para sa cake, decorations etc. Ito ang schedule nila for today. Nakasuot ng dress si Marga habang si Yasmin naman ay nakajeans at fit na blouse. Si Xian naman ay nakaleather jacket wirh white tshirt at maong pants.
" Ganito pala kapag ikakasal.Talagang napakabusy," realization ni Yasmin.
"mas pressure pa besh!" sagot ni Marga.

Habang naglalakad, nauna na silang dalawa. Nakahawak si Marga sa braso ni Xian. Nasa may likuran naman si Yasmin. Hmmm.. Chaperone ba siya?

Hindi pa sila nakakarating sa kanilang pupuntahan, tumawag bigla si Mr. Arthur kay Marga.
Sinagot niya ito.
Napatingin naman silang dalawa sa kanya habang mya kinakausap sa cellphone.

Hanggang sinabi niya ," Maiwan ko muna kayo. May emergency meeting kami sa office,"
"huh?"

"Babe, I need to go. Babalik naman ako after. Ikaw muna bahala sa mga dapat asikasuhin. Love you!" sabi ni Marga sabay halik after.

Sinabihan rin niya si Yasmin, " Friend, I will leave my fiance with you. Tulungan mo muna siya. I trust you!"

"okay!"

At umalis na si Marga.
Naiwan ang dalawa sa kinatatayuan nila. Nakatayo sila next to each other.
"tara!" sabi ni Xian na nauna ng naglakad kaya nahuli si Yasmin. Nakasunod ito kay Xian. Dahan dahang naglakad si Yasmin. Ayaw niyang mauna kay Xian. Walang imik ang dalawa. Hindi man lang sila nag usap. It seems that they don't know each other.

Hanggang nakarating na sila sa cake and pastry house. Maraming iba't ibang klaseng cakes nad pastries. Colorful rin ang place na talagang attractive sa mata.
Xian approached the manager of the place kung saan nakipagtransact na sila noon about the wedding cake. They just need to know kung ano ang flavor and additional design ng cake.
Dinala sila ng manager sa room kung saan naroon ang iba't ibang klaseng cakes and with different flavors and designs. Namangha si Yasmin sa kanyang nakita. Napakaganda at talagang nanaisin mong magkaroon kayo nang ganitong cake sa kasal.

Pinatikim si Xian para sa free tasting ng cake. Ang top flavor nila ay red velvet, chocolate, white chocolate, lemon. Coconut and lime, vanilla, carrot and pink champagne.
But Xian doesn't know what to choose. Para sa kanya, lahat ay masarap at wala naman sa flavor ng cake ang essence ng kasal.

Si Yasmin naman ay nageenjoy sa paglilibot at pagmamasid sa mga cake na nakapaligid. Tulo laway ang mararamdam habang pinagmamasdan ito.

Tinawag ni Xian si Yasmin.
" Yasmin, pwede mo ba akong tulungan sa pamamili ng flavor ng cake, " wika ni Xian. Nilakasan niya ang kanyang loob na pansinin si Yasmin. Nahihiya kasi siya at kung bakit, don't know why.

"huh, ako?" gulat na reaction ni Yasmin.
Dahan dahan siyang lumapit kay Xian. Naririnig niya ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya.

"Tikman mo nga ito," sabi ni Xian at sinubuan si Yasmin ni Xian.
Pacute namang binuksan ni Yasmin ang kanyang bibig. Hanggang hindi lahat ay napasok sa kanyang bibig at nagiwan ito ng marka sa gilid ng kanyang bibig.
Natawa si Xian sa mukha ni Yasmin na may icing. Palihim namang tumawa ang manager.
"bakit?" curious na sabi ni Yasmin na nakatingin kay Xian na walang muwang at kaalam alam.

Agad kumuha ng tissue si Xian at pinunasan ang gilid ng bibig ni Yasmin na may icing.
Napatitig si Yasmin kay Xian.

"lakihan mo kasi," Xian said.

Kumuha ng slice ng lemon cake si Xian at sinubuan ulit si Yasmin. This time, talagang nakain niya ito.
" hmm...masarap!" sabi ni Yasmin.
"talaga?"
She nodded.

Xian was looking at Yasmin's lips.
"Haist," umiwas tingin agad si Xian. Temptation, let me go!
" Bakit?"
Kumuha ulit ng vanilla cake si Xian at pinatikim kay Yasmin.
"Masarap rin," sabi ni Yasmin.

"heto kaya.." sinabi ni Xian habang sinusubuan si Yasmin.

May lumapit sa kanila na couple. " Bro!" sabi ng lalaki.
Napatingin sila sa couple habang sinusubuan niya si Yasmin.

Xian greeted him too, " bro, ikaw pala!"
Humarap si Xian at nagbrotherly hug sila.
"kumusta Jake?" pangungumusta ni Xian sa kaibigan. Si Jake ay kasamahan niya noon sa trabaho.

"okay lang,. By the way, congrats at ikakasal ka na." greeted ni Jake at tiningnan si Yasmin.
"congrats!" sabi ni Luz na asawa ni Jake.

"thanks."

" Ang ganda ng mapapangasawa mo!" nakasmile na sabi ni Jake na nakatingin kay Yasmin. Siya ang tinutukoy ni Jake.
Nabigla si Yasmin sa narinig at nabulunan ito, " uhoo---- uhoo--"

Agad kumuha ng tubig ang manager at binigay kay Xian at pinainom kay Yasmin.
" okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Xian.
Kinabahan tuloy silang lahat.

" okay na ko. Salamat!"
Xian was holding the hand of Yasmin. Inalalayan niya ito.
Biglang nagsalita si Luz," wow, ang sweet!" kinikilig na makita ang dalawa.

Agad namang binitawan ni Xian ang pagkakahawak niya sa kamay ni Yasmin.
" By the way, si Yasmin, kaibigan ng fiance ko!" paliwanag ni Xian.

Nagulat ang dalawa.
" kaibigan? Aie, akala namin.." reaction ng dalawa.

Xian decided to go.
" Miss next time nalang kami mamimili ng flavor ng cake. Ang hirap kasi." sabi ni Xian sa manager.
" ok po sir. No problem." sagot ng manager.

" tara, Yasmin,! Mauna na kami,"
" sige!" sabi ni Jake.

Sumunod naman si Yasmin.

Naglakad sila sa kalye. Nauna sa paglalakad si Xian.
Sa isip ni Yasmin: " akala ko ba gentleman ito. Eh, nauna pa sa akin sa paglalakad. Pano kung kidnapin ako rito. Haist! " nakangusong sabi ni Yasmin at kunot ang noo.

Biglang tumigil si Xian. Tumigil rin si Yasmin.They were one meter away from each other.
" huh? Bakit siya tumigil?" napatanong sa sarili si Yasmin.
Tumingin sa kalangitan si Xian. At isang patak ng ulan ang napunta sa kanyang pisngi.
Agad niyang tinanggal ang jacket nito at..
at bumalik sa dinaanan papunta kay Yasmin.

Nabigla at nanlaki ang mga mata ni Yasmin when Xian placed his jacket sa ulo ni Yasmin. Unti unti nang pumapatak ang ulan.
Xian grabbed the right hand of Yasmin at tumakbo sila.

It's raining already!  

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon