Pinuntahan na ni Handsome ang mga blood bank para magtanong tungkol sa dugong kailangan niya. Pero sa kasamaang palad ay walang available sa mga oras na iyon. Ang iba naman ay nangakong tatawagan siya kapag mayroon na. Nanawagan na ito sa mga kaibigan niyang pwedeng magdonate pero walang sumasagot at kung mayroon mab ay hindi kompatible. Bawat oras na lumilipas ay nawawalan na ng pag-asa si Handsome. Dapat makakita na siya ng donor sa lalong madaling panahon. Kailangan niya ito para mailigtas ang pamangkin niya. Kapag matatagalan pa, baka mahuli na ang lahat.
Sa hospital ay nailipat na si Peter sa isang private room. Natapos na ang blood transfusion sa kanya.
"Magiging okay na siya. Huwag na kayong mag-alala." Ani ng doctor sa kanila.
Nasa kwarto ang kaibigan ni Handsome, si Yasmin na nakahawak sa braso ni Arthur."Salamat doc." Pasasalamat ni Leo ang kaibigan ni Handsome. Pinupunasan niya ang kanyang pawis sa mukha. Kinabahan kasi siya sa mga nangyayari at ngayon ay nagpapasalamat siya dahil nabunutan na siya ng tinik.
Lumabas na ang doctor sa kwarto."Thank you po sa inyo. Napakabuti po ninyo para magdonate ng dugo. Hulog kayo ng langit!"
"Haist!" Reaction ni Arthur. "Kung hindi dahil sa asawa ko..."
Siniko agad ni Yasmin si Arthur. "Ano ba hon...""Salamat po talaga! Utang namin sa inyo ang lahat."
"Okay lang po iyon. Masaya po kami dahil nakatulong kami sa inyo." Wika ni Yasmin.
Napatanong si Leo, "Uhmm, pwede po bang malaman ang inyong mga pangalan? Kilala niyo po ba si Handsome?"
Napatingin si Yasmin sa asawa at hinintay ang sagot nito. Si Arthur naman ang sumagot. "Ang totoo, he is my secretary. I'm Arthur and she is my wife, Yasmin." Pagpapakilala nito.
Nagulat si Leo sa nalamang boss ni Handsome ang nasa harapan niya. Ang alam niya na napakayaman ng boss nito. Hindi siya makapaniwalang nagdonate ito ng dugo para sa bagong empleyado niya.
"Naku! Boss po pala kayo ni Handsome. Nakakahiya naman po at kayo pa ang nagdonate."
"Masaya po kaming makatulong sa aming mga empleyado. Para na kasi silang mga kapamilya namin. Di ba Hon?"
Umiwas ng tingin si Arthur at hindi ito sumagot kaya si Yasmin ang nakikipag-usap sa binata."Hulog kayo ng langit na mag-asawa sa amin. Tatawagan ko muna si Handsome."
Leo tried to contact Handsome.
(The number you have dialed is.either unattended or out of coverage area..)"Hindi ko macontact si Handsome. Saan kaya siya?" Nag-aalalang sabi ni Leo.
"Nasaan si Handsome?" Tanong ni Yasmin.
"Hindi ko po siya macontact. Sigurado, sa mga oras na to ay naghahanap pa siya ng donor."
"Ahh, ganoon ba.."
Sumingit muna si Arthur sa pag-uusap dahil gusto na niyang umalis.
"Alis na tayo. Pupunta pa ako ng opisina.""Huh? Akala ko ba uuwi na tayo. Bakit ka pupunta ng opisina?"
"May gagawin pa ako at aasikasuhin." Paliwanang ni Arthur sa asawa.
"Magpahinga ka muna hon. Mamaya na ang work. Kakadonate mo lang ng dugo tapos magpapastress ka!" Sermon ni Yasmin.
"Tama po si madam sir.. mas mabuting umuwi nalang po kayo at magpahinga." Mungkahi ni Leo. Laking pasalamat niya talaga kay Arthur at kay Yasmin.
"Oo na! Uuwi na!" Napilitang desisyon ni Arthur. Pero may hirit sa asawa ito. Bumulong siya sa tenga ni Yasmin.
"Alagaan mo ako sa bahay, okay? Gusto ko hindi lang kisspirin o yakapsule.. mas gusto ko ang bioges*x."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...