Binuksan ng lalaking nakasuit ang isang kwarto. Napakaganda at napakalawak ng kwartong iyon. May mga mamahaling mga muebles at gamit ang naroon. Pumasok siya sa kwarto at seryoso itong napatingin sa isang lalaking nakaupo habang nakaharap sa malapad na bintana gawa sa salamin. Sa gilid nito ay isang mesa na may mga mamahaling mga plorera at gamit na pangdisplay. Humakbang siya papalapit sa lalaking nakaupo sa couch."Sir, may pinabibigay si madam.." ani ng lalaki sabay inabot ang envelope.
Tinanggap ng lalaking nakaupo at binuksan ang mga nasa loob ng envelope. "Ano ba ito?"Nang nailabas na niya ang mga laman ng envelope ay nanlaki ang kanyang mga mata. Ang loob pala ay mga larawan ni Yasmin at ni Leam na magkasama. Nanginginig sa galit ang kamay nito na nakahawak sa mga larawan. Unti -unting napapakamao kaya nakukusot ang mga litrato.
Titig na titig ito sa isa na larawan na hinalikan ni Leam si Yasmin."Damn it!" Galit na sabi ng lalaki. Pinunit niya ang larawan at itinapon ito sa sahig. Galit na galit ito kaya pinagtatapon ang mga bagay na naabot ng kanyang kamay sa mesang malapit habang nakaupo lamang. Binasag niya ang mga mamahaling mga plorera. Wala siyang pakialam sa ginagawa niya.
Napapaatras ang lalaking naka-suit sa kinatatayuan. Sa baba naman kung saan naroon ang babae ay naririnig nito ang pinaggawa sa kwarto. Naririnig niya ang mga nababasag na mga bagay at plorera."Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang nakita!" Paulit ulit na sabi ng lalaki. "Damn it! Ahhh!"
Bumaba na ang lalaking nakasuit para ireport sa kanyang madam. Lumapit ito. Nakatayo naman ang madam roon na ang mga kamay ay nakahawak sa mgakabilang braso.
"Madam Grace.."
"Nakita niya?" Tanong ni Tita Grace.
"Opo. Nakita na niya kaya galit po siya. Gusto pong makita ni sir Arthur ang asawa niya!"
Naririnig pa rin nila ang mga pinaggawa niya na para bang winawasak ang nasa kwarto. Iba talaga magalit ito. Para itong mabangis na lion.
"Patulugin ninyo siya. Kailangan niyang kumalma."
"Opo, madam."
Bumalik ang lalaking nakasuit sa kwarto na may kasama pang ibang mga nakasuit na lalaki. Pagbalik nila roon ay napakakalat na ng kwarto. Para bang may bagyong dumaan. Nakakalat ang mga gamit, may mga basag na plorera at frames, punit na mga papel at pictures at iba pa.
"Gusto ko siyang makita..." Sambit nito.
Nilapitan ng mga lalaki si Arthur at hinawakan ang balikat, braso, ulo at kamay nito habang nakaupo pa rin. Nagpumiglas pa si Arthur sa abot ng kanyang makakaya.
"Huwag niyo akong hawakan! Ano ba!" Sigaw nito.Mas hinigpitan pa nila.
"Let me go!"Inilabas ng lalaki ang isang injection. Pagkatapos ay itinurok ito sa may balikat ni Arthur. Kumalma agad ito at unti - unting pumipikit ang mga mata.
"Yasmin.."
Hindi na rin napansin ni Arthur ang sugat sa kamay gawa ng pinaggagawa niya kanina. Tuluyan na itong nakatulog.
--------
"Sigh!" Buntong hininga ni Yasmin habang pinagmamasdan ang singsing na nasa kwentas niya. "Arthur... Buhay ka pa ba o umaasa lang ako sa wala? Mahal ko, bumalik ka na."Paglingon ni Yasmin ay nakita niya si sir Leam na kausap si Sir Mateo. Bigla nalang niyang naalala ang sinabi nito kahapon.
Flashback..
"Ako to Yasmin, Si Xian!"
Gulat na gulat siya sa kanyang nalaman. Hindi niya inakala na buhay pa pala si Xian.
" Ang nasa harapan mo ay si Xian. Ako ito si Xian!.End of flashback.
Pasulyap na pinagmasdan ni Yasmin si Leam. Napapaisip ito sa mga di makapanipaniwalang sabi nito."Siya ba talaga si Xian? Paano nangyari iyon? Bakit siya nagpanggap na Leam? Nasaan na ang totoong Leam na kaibigan ng asawa ko."
Napakunot noo si Yas na umiwas ng tingin sa dalawa. Bumabagabag na sa kanya ang pag-amin ni Leam na siya si Xian.
Napasulyap naman si Leam kay Yasmin habang nagsasalita si Sir Mateo sa harapan niya.
Sa isip nito ay napatanong si Leam. "Ano na Yasmin? Alam mo na na ako si Xian. Anong gagawin mo? Ako ang kasama mo ngayon at wala na ang asawa mo!"Nilapitan ni Sandy si Yas sa kanyang mesa.
"Okay kalang ba Miss Yasmin? Namumutla ka yata.." pag-aalala ni Sandy sa kaibigan.Ngumiti si Yas at sumagot. "Okay lang ako.."
"Sure?"
"Oo naman.."
"Huwag mong pabayaan ang sarili mo."
Tumango si Yasmin na may halong ngiti sa mga labi. "Salamat Sandy."
"Walang anuman. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako."
--------
Umuwi na si Yasmin sa kanila na medyo tahimik. Malalim ang iniisip nito habang naglalakad patungo sa may balcony. Napansin naman iyon agad ni Lin kaya nilapitan ang kaibigan sa may balcony."Okay ka lang ba Yasmin?" Nag-aalalang tanong ni Lin. Hinawakan niya ang balikat ng kaibigan. Ang layo ng tingin ni Yas. "May problema ba?"
"Lin.."
"Ano iyon?"
"Possible bang ang isang tao na patay ay mabuhay?" Usisa ni Yas.
"Ano bang tanong iyan!? Hindi naman babangon ang patay maliban na lang na hindi talaga ito patay." Sagot ni Lin.
Napalingon si Yas na nasa tabi niya. "Possible ba na nagpanggap lang?"
Gulat si Lin sa tanong nito. Hindi niya maintindihan ang kaibigan bakit niya ito tinatanong. "Siguro possibleng may dahilan ito kung bakit ginawa niya iyon. Baka nagtatago siya o di kaya ayaw niyang may makaalam..siguro ganoon."
"Possible rin bang..."
"Bakit mo ba natanong ang tungkol sa ganoong bagay?"
Dumating ang dalawang bata. "Mommy!" Tawag ni Aya. Kasama niya si Lenard at may dala siyang kuting.
Nahinto ang pag-uusap ng dalawa at napalingon sa mga anak.
"Mommy, may nakita kaming isang stray kitten sa labas. Tingnan ninyo po kawawa naman.." ani ni Aya na inangat ang kamay na may hawak na kuting.
"Saan naman ninyo siya nakita?" Tanong ni Yas.
Sinagot ni Lenard, "Sa may ilalim ng puno po natin sa bakuran. Umiiyak siya kanina."
"Kawawa naman po siya mommy. Tinatawag niya siguro ang mommy niya. Mag-isa lang siya." Mahinang sabi ni Aya na naluluha habang pinagmamasdan ang kuting.
Napayuko si Yas at hinarap ang anak. " Gusto mo bang alagaan ang pusang iyan?"
"Opo mommy. Pwede po ba?"
"Syempre naman.."
Abot tenga ang ngiti nila Lenard at Aya nang pumayag sila.
"Talaga po? Yes!" Reaksyon ni Aya.
Tuwang tuwa ang dalawa. "Yehey!"
Dahil sa tuwa ay napapatalon pa ang dalawa na hawak ang pusa. Masaya naman na pinagmasdan nina Lin at Yasmin ang mga anak."Hindi na siya malulungkot!" Dagdag ni Lenard.
Habang pinagmamasdan ang anak na napakasaya, bigla tuloy may pumasok sa isip ni Yasmin. Natahimik ito at naging seryoso.
"May possibilidad bang buhay din si Arthur? Pwede kaya iyon?"
-------
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...