Nasa isang park ang pamilya ni Yasmin kasama sina Lin at iba pa. Inilapag nila ang malaking mat sa damuhan at naroon ang mga gamit nila. Maganda ang panahon kaya bagay na bagay na magpicnic. Di na makapaghintay ang mga bata na maglaro ng saranggola kaya pinalipad na nila Peter at Lenard kasama si Aya. Tinulungan naman sila ni Leo, ang ama ni Lenard na ipalipad ang mga iyon. Masaya silang pinagmamasdan ang mga saranggolang unti-unting tumataas ang lipad. Nagkwekwentuhan naman sina Handsome at Leo na halatang namiss nilang mag-usap. Sina Yasmin, Lin at Sissy ay naghahanda ng merienda ng mga kasama nila habang nagkwekwentuhan din.
Si Arthur na nakaupo sa kanyang wheelchair ay pinapanood ang anak na masayang naglalaro. Pinagmasdan niyang tumatakbo ito kasama ng ibang bata.
Nang napalingon si Arthur, nakita niya si Xian na nakatayo sa may puno. Pinapanood niya pala sila sa malayo. Ilang minuto lang ay tumalikod na ito at umalis na sa kinatatayuan. Agad namang sinundan ni Arthur si Xian.
Naabutan ni Arthur si Xian sa may pathwalk. Madali lang niya ito nahabol na dahil sa dahan-dahan lang ito naglakad."Xian!" Tawag ni Arthur na nagpatigil sa kanya.
Lumingon si Xian at mas lumapit pa si Arthur.Nagpaliwanag muna si Xian kung bakit siya naroon. "Napadaan lang kaya nakita ko kayo. Wala akong balak na guluhin kayo."
"Hindi iyan ang sadya ko sa iyo.." ani ni Arthur.
"Hm?"
"Tungkol sa kapatid mo na si Leam.."
Napayuko si Xian at sinabing, "Alam ko na ang lahat. Alam ko na ang mga dahilan kung bakit ako nakakakita ngayon."
"Pasensya na... Ako na ang humihingi ng sorry sa mga ginawa ng tita ko. Masakit din ang pagkawala ng kaibigan ko pero alam kong mas masakit para sa iyo. Sorry.."
"Hindi mo kailangan mag-sorry, Arthur."
"Napakabuting kaibigan ni Leam."
"Mabuti ka pa, nakilala mo siya. Ako naman, hanggang sa mga larawan nalang na naiwan niya."
"Magkamukha talaga kayo."
"Ganoon ba..." Mahinang sabi ni Xian na nakatipid na ngiti at tumalikod ito pagkatapos.
"Arthur, ipangako mo na hindi mo sasaktan si Yasmin. Aalagaan mo siya at proprotektahan. Hindi mo siya papaiyakin!" Babala ni Xian."Syempre naman. Mahal ko si Yasmin at ang anak ko. Sila ang buhay ko kaya hindi ko hahayaang mapahamak sila."
Napangiti si Xian at nagsimula na siyang humakbang. Masaya na siyang marinig ang mga sinabi ni Arthur. Pinagmasdan ni Arthur si Xian habang naglalakad palayo sa kanya.
Samantala, patuloy sa pagkwekwentuhan sina Lin at Yasmin kahit tumayo na si Sissy para puntahan si Handsome. Naiwan nalang ang dalawa na nakaupo sa mat."Yasmin, may sasabihin ako sa iyo.." bulong ni Lin.
"Huh? Ano iyon Lin?"
Pangiti-ngiti si Lin na mukhang nahihiya. Namumula na rin ang mukha nito. Parang may kakaiba sa dalaga.
"Sabihin mo na Lin, ano ba iyon? Tungkol ba kay Leo?"Payuko- yuko at pasulyap sulyap si Lin sa kaibigan. Kinikilig ito pero di masabi sabi agad ang dapat na sasabihin. Napangiti nalang si Yas habang hinihintay ang pag-amin ni Lin.
"Yasmin.."
Inangat ni Lin ang kamay niya at ipinakita ang kamay nito na may suot na singsing. Namilog ang mga mata ni Yas nang makita ang singsing.
"Di nga?"Napatango nalang si Lin at abot tenga ang ngiti. Laking tuwa naman ni Yas na malaman na nagpropose na si Leo sa kaibigan. Sa wakas ikakasal na si Lin at Leo.
"Ayiee!" Kinikilig na reaction ni Yasmin na napalingon lahat sa lakas nito. Napayakap tuloy siya sa kaibigan. "I'm happy for you Lin."Sa kalayuan ay napangiti si Leo. Takang - taka naman ang mga bata sa naging reaksyon ni Yasmin.
"Anong nangyari sa mommy mo Aya?" Tanong ni Lenard.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Storie d'amoreNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...