Chapter 34

1.1K 20 0
                                    


Yasmin's pov
Umuwi kami ni Arthur sa bahay niya at hindi sa condo namin.
Nakakahiya ang sinabi ko at request ko sa kanya. Nagmukha akong desperada sa ginawa ko. Haist. Naku naman Yasmin, ano ba ang iniisip mo. Oo na, maghihintay nalang ako sa araw na iyon na sinet namin. Dalawang buwan pa!
Haist.. nakakainis nga lang, wala man lang siyang reaksyon.

Sana panaginip nalang ang mga nangyari.
--------
Mahimbing yata ang tulog ni Yasmin sa guest room. Malaki ang kama at napakalambot pa. Ang bahay kung saan naging alipin siya ni Arthur at kung saan nabuo rin ang kanilang relasyon.
Nagising na si Yasmin. Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at agad nagstretching habang nakahiga pa rin.

Humikab siya na napapikit ng mata.

Hanggang..

Nagulat siya ng makita sina Fritz at iba pang mga katulong na nakatayo sa gilid ng kama niya. Lahat sila ay nakatingin sa kanya at nakangiti.

Napaupo siya sa kama dahil sa gulat.
"Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Yasmin.

Sabay sabay na binati nila ang dalaga, "Magandang umaga Miss!"

"Ah, eh, magandang umaga rin.." napilitan siyang ngumiti sa kanila. Hindi maalis sa kanya ang pagtataka. Kinabahan tuloy si Yasmin.
"Ano na ba ang oras?"

"Mag aalas otso ng umaga po."

"Ahhh..ganoon ba?"

Nagtataka pa rin si Yasmin kung bakit naroon ang mga limang katulong nila Arthur. Hindi ba sila aalis?

"Wala ba kayong gagawin at tatayo lang kayo riyan?"

Ngumiti lang sila sa kanya.

May kumatok sa pinto at bumukas ito. Napalingon si Yasmin sa pinto at nakitang pumasok si Mia.

"Mia?"

Nakangiting pumasok si Mia sa kwarto at at may dala itong malaking box.

Napatingin si Yasmin sa suot ni Mia na isang pink long gown. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

"Maganda hindi ba?"

"Maganda! Pero anong okasyon? Mukhang dadalo ka yata sa isang kasalan!"

"Tumpak girl!" Pabiglang sagot ni Mia. Inilagay niya ang box sa kama.

"Huh? Really? Sino ang ikakasal?"

Napatawa ang mga katulong. Napalingon si Yasmin sa kanila. Natawa na rin si Mia sa reaksyon ni Yas.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw ang ikakasal!"

Nagulat si Yasmin sa narinig. "Huh!?"
Ang lakas ng pintig ng kanyang puso ng marinig niya ang sinabi ni Mia. Hindi niya inaasahan ito.

"Ano? Ako? Ikakasal?"

"Yes girl!"

"Totooo ba ito?"

"Oo, Yasmin...totoo ito!"

Napatakip ng bibig si Yasmin at napaluha siya.

"Bakit ka umiiyak?" Napapaiyak tuloy si Mia.

Hindi na mapigilan ni Yasmin ang kanyang mga luha.
Napaupo si Mia at tinabihan ang kaibigan.

"Ano ba! Huwag kang umiyak!"

Napapaiyak lalo si Yasmin at nahawa na rin sila.

"Hindi ko mapigilan ang aking mga luha eh..kusa silang tumutulo.."
Pinapahiran na niya ang kanyang mga mata pero patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon