Chapter 48.3

1.1K 26 10
                                    


Sinamahan ni Harrold si Yasmin na pumunta sa doctor para magpacheck - up. It is confirmed na talagang buntis na siya. She had her ultrasound. Nakahiga siya sa examination bed at sa gilid nito ay si Harrold na excited sa mangyayari. Sa kabilang gilid naman ay ang isang screen kung saan makikita ang imahe ng nasa loob ni Yasmin. Its the baby!
The doctor placed some gel on her abdomen and used a transducer on her belly.

"Congratulations Maam!" bati ng doctor.

She moves the transducer para makuha ang imahe patungo sa ultrasound screen.
Heres your baby! masayang ipinakita ng doctor kay Yasmin ang nasa screen.

Napatingin rin si Harrold, "Nasaan? Wala akong makita! Black and white. Nasaan ang baby?"
Napangiti ang doctor.
"Di ko po makita.." mahinahong ani ni Yas.
Itinuro ng doctor sa screen. "Here! The baby size is like an orange seed. Maliit pa siya."

"Ahh.. napakaliit pa pala niya.." namangha si Harrold sa nakita na di niya maintindihan ang imahe sa screen.

Di mapaliwanag na saya ang naramdaman ni Yasmin habang minamasdan ang imahe nito na napakaliit. Pinarinig rin ng doctor ang heartbeat ng baby.
Napatakip ng bibig si Yasmin at naluluha. Narinig niya ang tibok ng puso ng baby nila ni Arthur.

"Umiiyak ka ba?" tanong ni Harrold ng makita ang mga malalaking butil na dumaloy mula sa mga mata ni Yas.
Nakangiti naman si Yasmin pero hindi niya maiwasang di maluha.
"Masaya lang ako.. " sagot niya.

Naluluha tuloy si Harrold. " Nakakainis ka na man gurl, naluluha na rin ako."

Natawa tuloy si Yas, Sorry!

Pinagmasdan niya ulit ang imahe nito sa screen and pinakinggan ang heartbeat niya.
In her mind," Sana narito si Arthur para makita niya at marinig niya si baby.."

Pagkatapos ng examination, kinausap si Yasmin kasama si Harrold ng doctor. Ibinigay na rin nito ang imahe ng baby nila.

"Ang liit liit pa niya.." masayang sabi ni Yasmin habang minamasdan ang imahe na hawak niya at hinahaplos ang belly.

"You are in your primary stage sa pagdadalang tao", sabi ng doctor.

"Ilang weeks na po ba ako na buntis?" curious na tanong ni Yasmin.

"You are 5 or 6 weeks na buntis!"

Nagulat si Yasmin sa nalaman." Huh?"
Napalingon siya kay Harrold at napatingin rin ang kaibigan sa kanya.

Nagpatuloy ang doctor sa pagpapayo kay Yasmin, "This time, you need to take care of yourself dahil sa mga nangyari sa mga nagdaang pagbubuntis mo. You might go through some emotions like anxious, fear or different moods. You might also suffer some cramp or backaches kaya give yourself a break. You might have an intense craving for foods but you need to balance it. Dont forget your prenatal vitamins."

"Yes doc! "
"Congratulations again!"
"Thank you!"

Umalis na sila sa silid at naglakad sa hallway ng hospital. Masayang masaya si Yasmin sa mga nangyayari at excited na itong ibalita sa asawa. Pero di maiwasang magtaka si Harrold sa sinabi ng doctor.
"5 to 6 weeks ka na palang buntis, di mo ba napansin?" tanong ni Harrold. "Wala ka bang naramdamang kakaiba noon? Di mo napansin?"

Napatigil si Yasmin at napatingin sa kaibigan.

"Hindi eh!"

"Mga 3 weeks na nakakaraan pagkatapos mo magtrabaho sa isang branch at isang linggo ka roon. Ibig sabihin nabuo iyon bago ka nagwork..Tama?"

"Parang ganoon na nga.."

"Di mo talaga napansin may nabuo na? Did you have s*x before that?"

Napapaisip si Yasmin habang nagpatuloy ito sa paglalakad. Biglang may tumawag kay Harrold sa cellphone kaya napatigil ito sa paglalakad.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon