Chapter 37.2

1.2K 37 2
                                        


Pumasok si Yasmin sa opisina ni Arthur na hindi nagpapaalam kaya nabigla ito sa pagdating ng asawa. Naroon rin sa loob ng opisina si Leo pagkatapos ihatid si Marga paalis ng silid. Nabigla sila pareho sa pagdating ni Yasmin.

"Babe?" sambit ni Arthur na napatayo sa kinauupuan. Nakatayo si Yas sa may pinto at humakbang ng ilang hakbang papalapit sa asawa.

"Maiwan ko muna kayo," wika ni Leo na yumuko ang ulo palabas ng silid. Isinara niya ang pinto ng lumabas ito.

Lumapit rin si Arthur kay Yasmin. Masaya itong makita ang asawa na naroon. Napahawak ito sa braso ni Yasmin.

Nagsalita si Yasmin, "Nabalitaan ko na inilipat mo na si Marga sa ibang branch, totoo ba?"

"Yes.."

Hindi man alam ni Yasmin kung ano ang dapat na reaction, magiging masaya ba o hindi.. but kahit papano, malayo na si Marga sa kanila.

"But gusto ko mawala na talaga siya sa kompanya.."
Sinuyo naman ni Arthur si Yas at ipinaliwanag, "Darating rin tayo dyan.." Niyakap niya ang asawa at sinusuyo pa.
"Masaya ako at narito ka." Nilalambing ni Arthur si Yasmin. Mas niyakap niya ito at hinahaplos haplos ang braso. Inimudmod niya ang mukha habang inaamoy amoy ang buhok ni Yasmin.

"Pahimas ng tummy mo.." bulong ni Arthur. Dahan-dahan na hinihimas ni Arthur ang malobong tiyan ni Yasmin.

"Dahan dahan lang.."

Lumipat ng posisyon si Arthur at pumunta sa may likuran ni Yasmin. Nagpatuloy ito sa pag-amoy ng buhok ni Yasmin patungo sa leeg nito. Pagkatapos ay kinikiliti niya ang tenga ni Yas gamit ang kanyang dila.

"Arthur.. nakikiliti ako.."

"Malaki na talaga ang tiyan mo.."wika ni Art.

"May problema ba sa tiyan ko?"

"Wala naman..excited lang ako lumabas si baby para makagawa tayo ng second baby.."

Napatapik sa braso ni Arthur si Yas, "Ano ka ba!"

Napangiti si Arthur at hinalikan niya ang labi ni Yasmin kahit nasa likuran ito. Hinawakan niya ang pisngi ni Yas para mapalapit ito sa kanya. Nag-abot ang kanilang mga labi na parang may magnet. Napakapit nalang si Yas at napahawak sa braso ni Arthur. Ramdam nila ang init ng bawat halik.
Humiwalay ang labi ni Yas sa labi ni Arthur, "Bakit babe?"

"Nasa opisina tayo..uhm.." nahihiyang sabi ni Yasmin na medyo nag-aalala. Napatingin si Yas sa pinto na baka may pumasok at makita sila.

"Nag-aalala ka ba na baka may makakita sa atin?"

"Huh?"

*No need to worry... Asawa naman kita."
"Hindi naman sa ganoon. Kasi.. eh kasi.. nasa opisina tayo."

"Haist.."
Biglang hinawakan ni Arthur ang balikat ni Yasmin at dahan dahang tinutulak patungo sa may couch.
"Teka teka Arthur.."

Pinaupo niya si Yasmin sa couch. Mukhang may binabalak ang lalaking ito.
Niluwagan niya ang kanyang necktie at hinubad ang suot na suit.
Nakaupo si Yasmin sa couch habang nakatitig sa asawang pinapawisan.

"Arthur..teka lang.." hindi pa nakapagready si Yasmin ay sinunggaban na ito ng halik.  Nanlaki sa simula ang mga mata ni Yas peor naglaon ay nagpapikit na ito at nagpaubaya sa asawa.
Tuluyan ng naghalikan ang dalawa. Napahiga na rin si Yas sa couch at nasa ibabaw ang asawa. Umiinit na ang buong paligid pati ang kanilang nararamdaman. Matatamis na mga halik ang ibinigay ng bawat labi nila. Walang tigil ang kanilang halikan na parang wala ng katapusan. Napakalambot ng mga labi ni Yas na nagpapaakit sa asawa na angkinin ito.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon