Hinikayat ni Art si Yas na lumabas muna sila. Iniwan nila ang dalawa para makapag-usap. Labag man sa kalooban ni Yas na iwan ang kaibigan pero ginawa pa rin niya. Nag-aalala kasi siya na baka may gawin si Pete na masama kay mia o di kaya sa baby. Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yas palabas sa kwarto. Bakas sa mukha ni Yasmin ang pag-aalala at habang paalis ay pasulyap-sulyap talaga siya.
"Huwag kang mag-alala, dito lang naman tayo sa labas." Bulong ni Arthur sa asawa.
"Okay.."
Karga karga pa rin ni Pete ang baby na mahimbing na natutulog sa braso niya. Iba talaga ang lukso ng dugo na tutunaw sa puso. Pinagmamasdan ni Pete ang sanggol na natutulog. Hindi siya makapaniwala na karga niya sa mga oras na iyon ang kanyang anak. Hindi niya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman kaya di niya napapansing ngumingiti na pala ito. An angel came to their life unexpectedly.
Hindi naman maiwasan ni Mia na mapatanong kay Pete kung bakit siya napadpad sa hospital.
Medyo mataray ang pananalita ni Mia, "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka ba pumunta rito? Anong sadya mo?"
Natatakot si Mia kung ano man ang sasabihin ni Pete. Kinakabahan siya baka kunin niya ang bata ng walang pasabi.
Napatanong si Mia ulit, "Ano ba talaga ang sadya mo? Anong kailangan mo?"
Walang sinagot si Pete na nakatingin lamang sa bata. May balak ba siyang pansinin si Mia? Noong di sumasagot si Pete ay medyo nainis na ito.
"Ano ba Pete tinatanong kita!" Sigaw ni Mia na nanginginig sa inis at takot. Natatakot siya kapag tahimik ang binata dahil hindi niya alam ang iniisip nito. Hindi niya mabasa kung ano ang plano niya.
Umangat ang tingin ni Pete at napakaseryoso ng mukha. Then, he answered.
"I want the baby.."Nagulat si Mia sa sinabi ni Pete pero naguguluhan pa rin siya. "Anong ibig mong sabihin?"
Nang marinig niya ang sinabi ni Pete ay parang sinasakal siya at hinihigpitan ang kanyang puso na di siya makahinga."I want the baby.." ulit niyang sabi.
"You want the baby? Diba ayaw mo nga sa batang iyan? Tapos ngayon, gusto mo siyang makuha?" Sumbat ni Mia sa binata.
"Anak ko siya di ba? She is my daughter!"
"Paano ako? Anak ko rin siya!"
"I want her to have the best in life!"
"So you mean, kukunin mo siya sa akin? Ganoon ba iyon?" naiiyak na tanong ni Mia.
Samantala, nakaupo ang mag-asawa sa labas ng kwarto ni Mia. Matiyaga silang naghintay roon. Napasandal si Yas sa may balikat ni Arthur habang magkahawak ng kamay.
"Gusto mo bang bumalik na muna tayo sa kwarto mo? Para naman makapagpahinga ka!" Ani ni Arthur na nag-aalala sa asawa.
"Ayoko muna. Dito muna tayo at hintayin na matapos sila. Nag-aalala kasi ako kay Mia at sa baby. Baka may gawin ang kaibigan mo.."
"Wala naman sigurong gagawing masama si Pete. Kung meron man, lagot siya sa akin."
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol kaya sa custody ng bata? O di kaya sa pagsasama nila ni Mia? Paano na ang baby kung maghihiwalay sila?"
"Yasmin, huwag mo munang alalahanin ang mga bagay na iyan. Sabi ng doctor dapat di ka ma-stress.." pag-aalalang payo ni Arthur sa asawa. "Kailangan mo ring magpahinga at uminom ng mga vitamins mo."
Napahimas si Yas sa tummy niya.
"Ganoon ba.. ano pa ang sinabi at payo ng doctor? Okay naman si baby di ba?"Sinagot ni Arthur ang mga tanong ni Yas, "Okay naman si baby pero may isan bagay na dapat nating iwasan muna.."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...