Chapter 49.1

986 36 2
                                        

((Warning))

Dinala ni Arthur si Yas sa gitna para sumayaw. Humawak si Yasmin sa may balikat ni Arthur habang si Arthur naman ay sa bewang nito. Then, sumayaw sila kasabay sa himig ng musikang mala-romantiko.
Nagsitinginan ang mga bisita sa mag-asawang sumasayaw sa gitna. Ang iba ay napatigil sa pagkain at ang iba ay patuloy sa pagkain pero nakatingin sa kanila.
Si Tita Grace naman ay umupo nalang sa sa mesa ng lolo ni Arthur. Tuwang tuwa naman ang matanda na makita ang dalawa na masaya. Di na rin siya makapaghintay na magkaroon ng apo sa tuhod. Ayaw na niyang maudlot kagaya noon.

"Nakakahiya naman ito Arthur..tingnan mo sila, nakatingin lahat sila sa atin.." mahinang sabi ni Yasmin na ang mga mata ay di mapakali.

"Tumingi lang sila. Mainggit lang sila!" pagmamayabang nito.

"Ano ka ba!" sermon ni Yas.

"It's my birthday kaya tayo ang star!"

"Ikaw talaga.."

Tumayo ang iba at sinabayan sila sa pagsayaw. Kumuha rin sila ng partner at sumayaw sa gitna. Ilang segundo lang ay marami rami narin ang nakisayaw sa himig ng musika.

Napapangiti si Yasmin ng mapansing may kasama na sila.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Art.

"Wala lang..."

"Sabihin mo naman!" pangungulit ni Art sa asawa.

"Gwapo mo kasi!" nahihiyang pagsabi ni Yas.

Napangiti si Art sa pambubula ni Yasmin. "Gusto ko iyan!"
Palingon -lingon si Arthur sa paligid. Napatigil si Arthur kaya napatigil rin si Yasmin.

"Bakit?" curious na tanong ni Yas.

"Tara!"
Hinawakan niya ang kamay ni Yasmin at hinila niya ito.
"Teka!"
"Sshh!"

Habang sumasayaw ang karamihan sa gitna, dahan -dahan namang umalis ang dalawa.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Yasmin na hinihila ni Arthur.

"Sa lugar kung saan walang tao!"

Umalis sila sa reception area at pumunta sa ibang bahagi ng mansion. Patakbo silang umalis doon at naghanap ng daan. Nang nakalayo na sila at nasa ibang bahagi na sila ng mansion ay naglakad na ito.
Patingin tingin sa hallway at sa dingding si Yas na maraming mga paintings at magagandang vase sa gilid.
"Wow! Parang nasa palasyo ako sa isang fairytale!" namanghang sabi ni Yas.

"Binili ito ni lolo.."
"Wow!" di talaga makapaniwala si Yasmin na naroon siya sa isang mansion na napakaganda at napakalaki.
Pinasyal ni Arthur si Yas sa iilang bahagi ng mansion. Pinuntahan nila ang indoor swimming pool na napakalapad, may fitness gym, may entertainment area na may malaking screen na 1/4 sa isang sinehan at marami pang iba.

"Ang ganda! Parang sa mga libro ko lang nababasa ang mga ganito o di kaya sa pelikula.. ang yaman ninyo!"

"Anong ninyo?" Reaction ni Arthur.

"Hmm?" Napalingon si Yas. "Bakit?"

"Ang kayamanan ko ay kayamanan mo rin!" ani ni Arthur. "Ang lahat ng akin ay sa iyo rin Yasmin. Tandaan mo iyan!"

Medyo nahihiya si Yasmin at di na nagreact. Nanahimik nalang ito.
Hinila ulit ni Arthur ang kamay ni Yasmin papunta sa mga kwarto sa third floor.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa kwarto natin!" sagot ni Art.

"Huh? Kwarto natin?"

Pumasok sila sa isang kwarto na ang laki ay parang isang bahay na. Sa loob nito ay isa pang kwarto na naroon ang malaking kama. May sala roon na may sofa malaking tv. May munting mesa parang dining sa kanang bahagi pagpasok sa pinto. Mayroon ring sariling banyo na may shower at tub na medyo malaki sa kanila. Yari sa glass door ang patungong balcony na siguradong maganda ang tanawin paglabas. Glass window rin sa kwarto nila.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon