Chapter 58.4

479 21 9
                                    


Inusisa ni Yasmin kung ano ang nangyari kay Leam na siyang kaibigan ni Arthur at si Leam na si Xian. Naguguluhan siya kung ano talaga ang mga nangyari.

"Anong nangyari Arthur?" Usisa ni Yasmin. "Anong koneksyon ni Leam kay Xian?"

Napatingin si Arthur sa asawa. "Si Leam na kaibigan ko at si Xian ay kambal."

Nagulat si Yas sa kanyang nalaman. Hindi niya alam ang mga ito. "Paano nangyari iyon? May kambal si Xian at si Leam ang kakambal niya?"

"Tama. Magkalayo ang dalawa dahil nasa ama lumaki si Leam. Ang pamilya nila Leam ay share holder ng isa sa kompanya ni lolo. Matalik kong kaibigan si Leam at nabigla ako sa aking nalaman.."

"Anong nangyari kay Leam?"

"Ang Leam na kasama mo sa opisina ay si Xian na nagpanggap na Leam."

"Bakit?" Dagdag na tanong ni Yasmin.

"Patay na ang tunay na Leam!"

"Oh my!" Reaction ni Yasmin na napatakip ng bibig. "Paano nangyari iyon."

Binigyan ng matatalim na tingin ni Arthur si Grace bago ito nagsalita. Kalmado lamang si Grace at mukhang walang bakas na pagsisisi sa mukha.

"Ikaw ang pumatay Tita Grace sa kaibigan ko. Ikaw ang nag-utos na patayin siya. Dahil sa negosyo na may kinalaman sa aming dalawa at para makuha ito pinapatay mo kami. Sumalungat kami sa iyo kaya nagawa mo iyon. Hindi lang sa mana ng pamilya, marami kapang gustong maangkin."

"Kalokohan ang mga sinasabi mo Arthur. Wala kang matibay na ebidensya.." pagmamayabang ni Tita Grace.

Natawa lang si Arthur sa sinabi ni Grace. "Itatanggi mo pa rin. May mga ebidensya na Tita kaya wala ka nang kawala!"

Nagsalita ulit si Yasmin, "Teka, paano naging si Leam si Xian? Sino ang nag-utos sa kanya?"

"Ako nag-utos!" Pag-amin ni Tita Grace.

Nagulat si Yasmin pero hindi na bago ito kay Arthur. Nadiskubre na rin niya ito mula sa mga report ng detective.
"Ano?"

"Ako nga! Noong nalaman kong may kambal si Leam at magkamukha sila, inalam ko ang tungkol sa binata. Nalaman kong may nakaraan kayo. Kaya naman, kinumbinse ko ang kamag-anak nila na ibigay ang mga mata ni Leam kay Xian para si Xian ang magpapatuloy sa negosyo bilang si Leam. Pumayag naman sila.."

"Bakit mo iyon ginawa?"

"Para mapalayo ka kay Arthur!"

Nanggigigil sa galit si Yasmin. Nakakuyom ang mga palad nito na nasa gilid lamang. Hindi siya makapaniwala na gagawin ni Tita Grace ang lahat para makuha ang lahat ng gugustuhin niya. Napaiyak nalang si Yasmin habang nakatayo roon. Nilapitan ni Art ang asawa at si Tita Grace naman ay dinala na ng mga pulis. Sumama si Grace kahit labag sa kanyang kalooban. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang magawa dahil sa mga matibay na ebidensya nila Arthur.

Nakaupo man sa wheelchair, hinawakan ni Arthur ang kanang kamay ni Yas na nanlalamig at hinalikan niya ito. Napatingin si Yas kay Arthur at sa pangalawang pagkakataon ay tumulo ulit ang kanyang luha.

"Arthur.."

"Yasmin.."
Napayuko si Yas at niyakap niya ang asawa. Natutuwa siyang walang nangyaring masama rito. Napakasaya niya dahil nasa harapan na niya si Arthur at malaya na.

"Ang saya ko.." sambit ni Yasmin habang nakayakap pa rin ito.

"Masaya din ako!"
-----------
Sa hardin ay naglibot ang mag-asawa. Si Yas ang tagatulak ng wheelchair ni Arthur. Sabay nilang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa paligid.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon