Chapter 16.2

1K 21 1
                                        


" You are joking right?" hindi agad naniwala si Xian sa sinabi ni Yasmin. " Okay naman tayo hindi ba?"

"Sorry!" napayukong sabi ni Yasmin na walang mukhang ihaharap sa binata.

" Bakit Sorry? Hindi ko maintindihan," naguhuluhang sabi ni Xian. Hindi alam kung ano ang dapat na reaction...matutuwa ba siya, malukungkot o magagalit?

" Ibalik nalang natin ang mga bagay kung ano ang dapat simula noong una.. simula noong hindi pa ako umuwi rito hanggang sa umuwi ako rito," paliwanag ni Yasmin.

" For what?"

" iyon naman ang dapat na mangyari! Dapat na ikasal kayo at hindi dapat ako nakialam!" sabi ni Yasmin.

Napapahilamos ng reaction sa mukha si Xian habang nakikinig sa dalaga. Ang isang kamay naman nito ay nasa bewang.

" Anong ibig mong sabihin Yasmin? Bumalik sa dati?" napapatanong si Xian.

Nagpipigil na lumuha si Yasmin kahit na gusto na siyang umiyak. Nakayuko ito at hindi makaharap sa binata na nasa harapan niya. Pumapatak ang ulan ng dahan -dahan at hindi na nila ito pinansin.

" sorry.."

Lumapit si Xian at hinawakan ang mga balikat ni Yasmin.

" Di ba nangako tayo na ipaglalaban natin ito na magkasama. Di ba sasabihin natin kay Marga ang lahat para wala ng gulo!? Di ba may mga pangarap tayo na magkasama at bubuo ng pamilya. What happened? Bakit nagbago?"

Hindi sumagot si Yasmin.

Nagpatuloy si Xian sa pagsasalita at pagtatanong, " Bakit nagbago ang isip mo?"
Pilit na inintindi ni Xian ang sitwasyon, " May nangyari ba? May ginawa ba si Marga sa iyo? Ano!? Sabihin mo! Bakit nagbago ang isip mo? Bakit mo ako ipagtutulakan ulit sa kanya!?"

Humarap at tumingin na si Yasmin sa binata pero nagpakatatag siya at hindi nagpahalata na nasasaktan.
Tinitigan rin ni Xian si Yasmin. Bakas sa mukha ng binata ang mga tanong at gumugulo sa isipan niya.

"Bigyan mo ako ng paliwanag bakit ako magpapakasal sa kanya! Bakit ko itutuloy ang kasal?"

" Dahil iyon ang dapat! Dahil iyon ang dapat mangyari! Dahil iyon ang dapat mangyari simula noon!" paliwanag ni Yasmin.

" Paano na tayo?"
" Itigil na natin at isiping walang nangyari between the two of us!"

Nagulat si Xian sa sinabi ni Yasmin.

" Kalimutan mo na ang lahat sa atin  at ipagpatuloy kung ano ang nauna!"

Dahan dahang tinanggal ni Xian ang mga kamay na nasa balikat ni Yasmin. Mukhang nanghina ito sa mga narinig.

" Ano ba ang ibig sabihin nito? Sumusuko ka na? Isusuko mo nalang ako sa kanya?" napatanong si Xian na may mahinang boses. " Hindi mo na ba ako mahal?"

Agad tinanggal ni Yasmin ang singsing na ibinigay ni Xian.
" Ibabalik ko na ito sa iyo!" sabi ni Yasmin na napakaseryoso. Inabot niya ang singsing kay Xian at ibinigay. Nasa mga palad na ni Xian ang singsing. Tiningnan ng binata ang singsing at tumulo ang kanyang luha.

Sa isip ni Yasmin: " Sorry.. Sorry.. Sorry kung napakahina ko at pinili ko si Marga! Sorry hindi kita maipaglaban! At Sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa aking kaibigan. Patawarin mo ako. Hangad ko lang ang maging masaya kayo!"

Tumalikod na si Yasmin para umalis but isang hakbang niya'y niyakap siya ni Xian mula sa likod.

" Mahal kita! Mahal kita Yasmin!" sabi ni Xian na nakapikit at ang mukha ay nasa may batok ng dalaga. Hinihigpitan niya ang yakap kay Yasmin.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon