"Saan tayo pupunta Mia?" tanong ni Yasmin sa kaibigan."Sumama ka nalang sa akin..tara!" sagot ni Mia. Agad niyang hinawakan ang kanang kamay ni Yasmin at umalis na sila sa lugar. Napilitan naman si Yasmin na sumama.
--------
Sumakay nang taxi sina Mia at Yasmin patungo sa lugar na pupuntahan nila. Saan kaya sila pupunta?Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na rin sila.
It seems familiar.. napalingon si Yasmin sa labas ng bintana. Naunang lumabas si Mia pagkatapos nilang nagbayad. Sumunod naman si Yasmin na lumabas sa taxi.
Nagtaka si Yasmin kung bakit sila pumunta roon. Nasa harapan sila sa amusement park. Nakatayo sila sa may gate.
" Anong ginagawa natin rito?" napatanong si Yasmin.
Bukas man ang gate pero medyo madilim ang paligid. Tahimik ang lugar at walang senyales na bukas ang park. May mga ilaw pero kaunti lamang."Tara!" yaya ni Mia.
"Huh?" pagtataka ni Yasmin. " Sarado ang park. Tingnan mo nga.. "
"Bukas naman ang gate," pagkapilosopong sagot ni Mia. " Bukas ito kaya pwede tayong pumasok."
Ang pagkakaalam ni Yasmin ay under renovation pa ang park at may inaayos pa ito. Dahil sa kulang ng budget ay medyo matatagalan ang pagbukas uli. Hindi rin pinapapasok ang mga tao sa lugar.
"Teka lang Mia, baka mapagbintangan tayo na trespassing.."
"Wala namang nakasulat na do not entry.." pakumpas kumpas pa ng kamay ang dalaga.
"Kahit na!" Nagmamatigas ni Yasmin.
"Haist!"
Nagpatuloy si Mia sa paglalakad at napilitan nalamang na sumunod si Yas sa kanya. Naglalakad sila sa sementadong daan patungo sa isang ferris wheel. Sa kalayuan ay may nakikita si Yas na isang taong nakatayo roon sa harapan ng ferris wheel. Madilim ang lugar kung saan nakatayo ang tao kaya mas natakot si Yasmin. Kahit madilim ay kitang kita na may tao roon.
Napahawak sa braso si Yas kay Mia para pigilan ito.
"Teka lang Mia, parang may tao roon.." nanginginig na boses ni Yas. Hindi na sumagot si Mia pero nakangiti itong nagpatuloy sa paglalakad."Mia!"
"Magpatuloy ka lang Yasmin!"Bakas sa mukha niya ang kaba. Palapit nang palapit sila sa lugar.
Hanggang..
Tumigil si Mia kahit hindi pa sila nakakaabot talaga sa ferris wheel kung saan naroon ang tao. Nasa labing limang metro ang layo nila. Napatigil rin si Yasmin at nagpapasalamat dahil hindi na sila tumuloy.
"Tara na, uwi na tayo," yaya ni Yas kay Mia habang nakatingin sa kaibigan. Nakangiti si Mia kay Yasmin. Nagtataka naman si Yasmin sa expression ng mukha ng kaibigan.
"Bakit?"
Bakas ang kalituhan...
Hanggang..
Sunod sunod na umilaw ang daan na kanilang dinaanan. Napalingon si Yasmin sa likuran at sinundan ang pag-ilaw nito.
Namangha siya sa napakagandang ilaw. Napatingin na siya sa harapan at umilaw ang mga bombilya sa harapan. Lumiwanag ang paligid.Napahakbang patalikod si Mia nang umilaw na ang nasa harapan na mga ilaw. Naaninag na ang taong nakatayo roon sa may ferris wheel.
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng makita niya kung sino ang taong nakatayo roon.
"Arthur?"
Napangiti ang binata na nakatitig sa dalaga.
Hindi inaasahan ni Yasmin na makikita si Arthur sa lugar na iyon. Lumapit sila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomantikNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...