Isinuot ni Yasmin ang kanyang damit at shorts. Hindi na niya ginising si Xian na mahimbing na natutulog.
Isinara niya ang pinto sa kwarto pero hindi na niya ito inilock.
Habang papalapit siya sa pinto sa sala, napatanong siya sarili, "Sino kaya 'yan? ang aga naman.."Hindi niya maiwasang kabahan.
Ding dong!Binuksan niya ang pinto.
Pagkabukas niya sa pinto ay nagulat siya sa kanyang nakitang tao.
"Yasmin!" pasigaw ng taong kaharap ni Yasmin.
" Harrold?" laking gulat niya.Niyakap siya ni Harrold, ang kaibigan niyang bakla na designer ng wedding gown ni Marga.
" Napadalaw ka!?" na-curious na tanong ni Yasmin.
" Hindi mo ba ako papapasukin?" pabirong sabi ni Harrold." Tuloy ka," yaya ni Yasmin.
Isinara na ni Yasmin ang pinto ng bahay but nanatili sila sa may pinto.Tinanong ulit ni Yasmin, " Napadalaw ka Harrold.."
" May ibabalita ako sa iyo."
" Ano naman?"
" Magkakaroon ng reunion ang batch natin sa elementary. Pumunta tayo!" sabi ni Harrold na super excited.
" sige," sagot ni Yasmin.
" Excited na ako. Sana dumalo ang crush ko noon. Gusto ko siyang makita." kinikilig ang bakla.
Natawa na lamang si Yasmin." Anong nakakatawa Yasmin. Eh, sabihin mo, gusto mo rin na dumalo si Xian.. your ultimate crush!" tinutuksong sabi ni Harrold.
" Hindi ah.. Naka-move on na ako, " sagot ni Yasmin.
" weh? Aminin mo na nga!" sabi ni Harrold.Nagmamadaling binuksan ni Yasmin ang pinto ng nasabi na ni Harrold ang sadya niya sa dalaga.
Paalis na ai Harrold ng mapansin niya ang pares ng sapatos sa sahig. Napahinto ito." Kaninong sapatos iyan?" tanong ni Harrold na nakatingin sa sapatos.
" huh?" nabigla si Yasmin sa tanong ng kaibigan. Sumagot siya, " Naiwan ng isang kaibigan ko. Pero nakaalos na ito." Pagsisinungaling niya.Napatingin si Harrold sa kanya, " hmmm.. May tinatago ka ba?"
" huh? Ako? Wala!"Biglang pumasok sa sala si Harrold. Nabigla si Yasmin at sinundan ang kaibigan.
" Teka lang!" pinipigilan niya itong pumasok sa bahay." hmmm.. Sigurado akong may tinatago ka!"
Patingin - tingin siya sa paligid kung may kakaiba ba. Wala naman siyang nakita sa sala kaya pumunta siya agad sa kwarto." Harrold!" biglang kinabahan si Yasmin. Pilit niyang pinigilan si Harrold pero diretso itong tumungo sa kanyang kwarto.
Pagkabukas niya sa pinto ng kwarto, nagulat siya sa kanyang nakita. Nanlaki ang mga mata ni Harrold ng makita niya si Xian na nakadapa sa kama na walang saplot ang pang itaas habang nakakumot ang pang ibaba." OMG! Anong ginawa ninyo?" tanong ni Harrold.
" Patay!"Samantala, dumilat ang mga mata ni Marga ng dahan - dahan. Nasa isang kwarto siya at nakahiga sa isamg kama. Bumangon siya at napaupo. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa kalasingan kagabi. Hindi niya namamalayan na tinatakpan niya ang kanyag katawan ng kumot habang hinahawakan ng isang kamay ang kanyang ulo.
" Ano bang nangyari? Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.
Pagkalipas ng ilang minuto, natauhan na ito at nagulat. Nakita niyang nakahubad siya. Tiningnan niya ang sarili at tinakpan niya ulit ito.
" OMG! anong nangyari?" nagtatakang tanong sa sarili.
Inalala niya ang mga nangyari pero hindi niya matandaan.May lumabas sa comfort room na malapit lamang sa kama. Napatingin si Marga sa taong lumabas.
Nagulat siya.
" Bert?" laking gulat niyang makita siya na nakatowel lamang nag pang ibaba at kitang kita ang abbs nito." Gising ka na pala!" nakangiting sabi niya.
" Paanong?" hindi makapaniwala si Marga." Siguradong nagustuhan mo ang nangyari sa atin kagabi!" kwento ni Bert.
Pataray na tanong ni Marga sa binata, " Anong nangyari sa atin?"
" Hindi mo ba natatandaan.. We had s*x yesterday," sagot niya.
" What!?" laking gulat ni Marga.
--------Idinilat ni Xian ang kanyang mga mata at nasa harapan niya ang mukha ni Harrold. Hindi na naiwasang hindi magulat ni Xian sa kanyang nakita.
" Anak ng!!" pasigaw ni Xian at napabangon ito ng bigla. At hindi sinasadyang nahulog tuloy si Xian sa kama.Natawa si Harrold na nasa kama.
" Xian!" sigaw na nag - aalala ni Yasmin.Pagkakita ni Harrold sa binata sa sahig ay nakahubad ito na nakatakip ng kaunti ang ibabang bahagi.
" Wow! Sexy!" pakagat labi si Harrold.
Mas tinakpan ni Xian ang sarili ng kumot.
Nilapitan ni Yasmin si Xian.
" Okay ka lang ba?" nag - aalalang tanong ni Yasmin." Tsk tsk.. May sasabihin ba kayo sa akin na hindi ko alam?" sabi ni Harrold.
Napatingin sila Xian at Yasmin sa isa't isa.
--------
" Kalimutan mo ang nangyari sa atin Bert! Huwag mong ipagsasabi sa iba!" mataray na sabi ni Marga kay Bert habang sinusuot ang damit nito.
" Okay!" sabi ni Bert at lumabas na ito ng kwarto.Sa labas, sinalubong ng isang babae na nakasunglasses si Bert. May ibinigay si Bert sa babae.. Hmm.. Ano kaya iyon?
Naiwan si Marga sa kwarto na nag - iisa. Hindi pa rin siya makapaniwala na may nangyari sa kanila ni Bert. Medyo kinakabahan siya sa mga nangyayari. Hindi pa rin siya mapakali.
Biglang sumama ang pakiramdam niya at mukhang masusuka ito. Agad siyang tumakbo patungo sa comfort room at sumuka sa kubeta.
Pinunasan niya ang bibig nito at pumunta sa harapan ng salamin, " lasing ako kagabi kaya nangyayari ito!" sabi niya sa sarili.
------
Sa sala, nag - uusap sina Yasmin at Harrold. Si Xian ay nasa kwarto at nagbibihis pa.
" Anong ibig sabihin ng aking nakita kanina? May lihim na relasyon ba kayo ni Xian?" na - curious si Harrold.Hindi makasagot si Yasmin at hindi alam kung paano sisimulan.
Lumabas na rin ng kwarto si Xian." In fairness, boto ako sa inyong dalawa!" nakangiti si Harrold sa kanila. Nabigla ang dalawa.
" Huh?"Umupo si Xian katabi si Yasmin.
Biglang nag-alala si Harrold, " Xian, paano na ang kasal mo. Matutuloy pa ba? Sinabi na ba ninyo sa kanya? Nagmumukhang tinataksilan ninyo siya kapag hindi niyo sasabihin sa lalong madaling panahon."
Napatingin sa isa't isa sina Yasmin at Xian. Hinawakan rin ni Xian ang kamay ni Yasmin.
" Sasabihin namin kay Marga," seryosong sinabi ni Xian." So, hindi na matutuloy? Kung ganoon, kung kayo ang ikakasal, ako na ang bahala sa wedding gown mo Yasmin at libre na ito!" masayang sabi ni Harrold.
Natuwa ang dalawa.
Tumayo si Harrold at tumayo rin ang dalawa." Pumunta kayo sa reunion okay?"
" May reunion?" tanong ni Xian." Oo, sa makalawa. Dumalo kayo!" sagot ni Harrold.
" Pupunta kami!"
Masayang malaman ni Harrold na nagmabutihan na ang dalawa. Pero hindi maalis sa isip niya at kaba ang tungkol kay Marga.
Nakaalis na rin si Harrold.
Hinarap ni Xian si Yasmin at tinanong,
" Kailan natin sasabihin?"
Sumagot si Yasmin, " Siguro pagkatapos ng reunion kung okay lang ba sa iyo?"
He just nodded.Niyakap nila ang isa't isa.
"Malalampasan rin natin ito! We will be together!" pangako ni Xian.--- to be continued..
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...