Hindi inaasahan ni Yasmin na makita si Handsome. Hindi makapaniwala na makikita niya ang isang taong alam niya na patay na. Bumalik tuloy ang mga masasamang alaala noon. Bumalik ang panahon kung saan nalaman niyang wala na si Arthur. Iyon ang panahon na napilitan siyang umalis sa mansion at dinadala sa sinapupunan si Aya. Tumulo ang luha ni Yasmin habang pinagmamasdan si Handsome na gulat din. Hindi inakala ni Handsome na magkikita sila ni Yasmin doon. Natahimik itong nakatingin kay Yas na halatang may nililihim.
Napalalim ng hininga si Yas habang humahakbang papalapit sa kinauupuan nila Handsome at Sissy.
“Madam Yasmin…”
“Totoo ba itong nakikita ko? O nananaginip lang ako?” tanong sa sarili ni Yas.
Nagtataka rin si Sissy sa reaction ng dalawa. Napakunot – noo nalang siya habang pinagmamasdan sila.
Yumuko ang ulo ni Handsome na para bang walang mukhang ihaharap. Kinuha nya ang isang ballpen at tissue paper at sinimulang magsulat.
“Handsome ikaw ba talaga iyan? Ikaw iyong kasama ni…” naudlot ang sasabihin ni Yas nang biglang tumayo si Handsome at nagsalita.
“Madam Yasmin!”
Nagulat si Yas kay Handsome kaya natahimik ito. Lumapit si Handsome kay Yasmin at bumulong ito.
“Patawad Madam Yasmin hindi tayo pwede mag – usap dito..”
Palinga – linga si Handsome na tila nag – iingat.
“Bakit?”
“Sasabihin ko bukas..”sagot ni Handsome.
“Huh?” Pagtataka ni Yasmin. “Bakit bukas pa tayo mag – uusap? Bakit hindi ngayon!” giit ni Yas.
Hinawakan ni handsome ang kamay ni Yas at may ibinigay na tissue paper sa kanya. Hindi na nagsalita si Handsome at agad itong humkbang paalis sa kinatatayuan malapit kay Yas. Napakunot – noo si Yas pero tinanggap niya ang tissue paper mula kay Handsome. Hindi maiwasang hindi magtaka si Yas sa kinikilos ni Handsome sa mga oras na iyon. Pati si Sissy ay naguguluhan sa mga nangyayari.
“Miss Yasmin..” sambit ni Sissy.
Hindi nakahakbang si Yas para masundan si Handsome bagkos ay tiningnan ni Yas ang tissuepaper at nakita ang isang sulat. Binasa niya ito.
Ang laman ng sulat ay: Madam patawad. Buhay pa si sir Arthur. Magkita tayo sa pinakamalapit na park dito bukas.
Napatakip ng bibig si Yas at naluha sa nalaman. Ngumiti rin siya dahil sa nalaman niyang balita. Parang tumalon sa tuwa ang puso niya at gumaan ang kanyang pakiramdam.
“Arthur..”
Umuwi si Yas na may ngiti sa labi. Kahit hindi man sila nag – usap ni Handsome, masaya na itong malaman na buhay pa talaga is Arthur. Alam niyang matutuwa ang kanyang anak kapag nagising na ito. Nagmadali na si Yas na makauwi at makita ang kaibigang si Lin para ipaalam ang nalaman. Gusto na rin niyang bumalik sa hospital para sa anak pagkatapos sa bahay.
……Nang dumating na siya sa bahay ay medyo kakaiba ang pakiramdam ni Yasmin. Mukhang walang tao sa oras na iyon. Napakatahimik ng bahay. Pumasok siya ng dahan - dahan at hinahanap sila pati si Lin na akala'y nakauwi na.
"Akala ko nakauwi na si Lin... Saan pala siya?" Pagtataka ni Yasmin.
Nagpatuloy sa paglalakad ni Yas sa sala patungo sa may kusina.
Hanggang may narinig si Yasmin na isang unggol mula sa isa sa mga kwarto.
Napalingon siya at napatingin sa mga pinto."Ano iyon?"
Kunot noong pagtataka ni Yas sa ingay.Nararamdaman ni Yasmin na parang may kakaiba sa isa sa mga kwarto. Nakakunot noong tinitigan ni Yas ang bawat pinto at napatigil ang kanyang paningin sa kwarto ni Lin. Dahan - dahan siyang humakbang patungo sa may pinto ng kwarto ng kaibigan. Bawat hakbang niya ay kakaiba ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan tuloy siya.
Nang nasa harapan na siya ng pinto ay may biglang narinig siyang ingay na para bang may nahulog na bagay sa loob."Ano iyon?" Pagtataka ni Yasmin na mas nagpakaba sa kanya. Sumagi sa isip niya na baka may nakapasok na magnanakaw.
Pagpihit niya sa doorknob ay naka-lock pala ito."Lin!" Tawag ni Yas. "Ikaw ba yan?"
Walang sagot na nangyari pero mukhang may kakaiba sa loob na mas lalong pinagtaka ni Yasmin. Pinihit niya ulit ang doorknob sabay tawag sa kaibigan at katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...