"Tara na Yasmin!" Aya ni Harrold sa kaibigan.
Hindi pa rin maalis ang mga tingin ni Yas kay Handsome na nagmamakaawa sa nurse. Kaya may naisip ito."Sandali lang Harrold. Dito ka lang muna. May aasikasuhin mo na ako.." Paalam ni Yasmin at umalis na ito sa kinatatayuan.
"Huh?"
Nagtataka naman si Harrold at sinundan nalang nya ng tingin si Yas na patungo sa counter.
"Anong binabalak ni Yasmin."Sa counter ay may kinausap si Yas na nurse. Pero ano naman? Agad tumakbo ang isa pang nurse sa kinaroroonan nina Handsome. Sinabihan ng nurse ang nurse na kasama ni Handsome na pwede na maadmit ang bata.
"Pwede na kaya dalhin na ninyo siya sa loob!" Utos ng isang nurse.
Tinulungan ng isang nurse ang kasama ni Handsome na ihiga si Peter sa stretcher at dali daling ipinasok sa loob. Nagulat si Handsome sa biglaang pagbabago ng nurse na kausap niya. Bakit sinabi ng isang nurse na pwede na? Habang nakaluhod ay napatingin siya sa may counter. Doon nakita niya si Yasmin na diretsong nakatingin sa kanya. Hindi niya inaasahan na makikita si Madam sa lugar na iyon. Ano ang ginawa niya?Bumalik ang isang kasama ni Handsome at tinawag siya nito.
"Handsome! Halika na!"
Dahan dahang tumayo si Handsome habang ang mga mata ay nakatingin kay Yasmin sa may counter bago ito umalis at sumama sa kasama patungo kung saan dinala si Peter.---------
Nasa ICU si Peter at walang malay itong nakahiga sa kama. Di naman mapakali si Handsome na nasa labas kasama ang kaibigan nito. Nag-aalala na sila sa kalagayan nito. Mahinang mahina na ang bata at kailangan na itong masalinan ng dugo.Kinausap ng doctor si Handsome tungkol sa dugo.
"Kailangan ng masalinan ang bata ng dugo sa lalong madaling panahon.""Ako po, pwede akong magdonate!" Matapang na nagvolunteer si Handsome.
"Kailangan compatible sa kanta ang dugo.."
"Anong type po ba?"
"A-" sagot ng doctor.
"Hindi po ako A- pero pwede po ba akong magdonate na B+ po ako."
"Naku! Hindi pwede hijo!"
"So anong gagawin namin? Saan kami hahanap ng ganoong dugo?"
"Sumangguni kayo sa blood bank at baka mayroon roon. Kailangan na talaga ng bata ang blood transfusion."
Sinundan pala ni Yasmin sina Handsome pero hindi ito nagpakita sa binata. Narinig ni Yas ang pag-uusap nila sa doctor na kinakailangan nila ang dugo. Mas naawa siya kay Handsome at sa bata na nasa ICU. Parang kelan lang ay nakita niyang masaya itomg sumalubong kay Handsome sa kanilang bahay. Dahil sa awa, tuloy ay naalala niya ang mga nangyari. Nawalan na ng trabaho si Handsome at baka mawalan pa siya ng pamangkin kapag hindi ito gagawa ng paraan.
Malungkot na umuwi ng bahay si Yasmin. Hindi maalis sa isip niya ang mga nasaksihan.
Sa kwarto, umupo sa kama si Yasmin at palabas naman ng banyo si Arthur na naka bath robe. Pinupunasan ni Arthur ang buhok ng kanyang towel.
"Kumusta ang check up mo?" Tanong ni Arthur. Paglingon niya kay Yasmin ay nakatulala ang asawa at mukhang may malalim na iniisip. Nakita rin niyang napabuntong hininga si Yasmin."Sigh!"
Kaya naman na-curious si Arthur. Paglapit niya kay Yas ay tinapon niya ang dalang towel sa upuan.
"May problema ba?"
"Hmm?"
Umupo rin si Arthur sa kama katabi ni Yasmin. Medyo nag-aalala si Arthur sa kanya kaya sinusuyo niya ito.
"Okay ka lang ba my wifey!" Bulong ni Arthur sabay hawak sa may hita at balikat ni Yasmin. Inaamoy amoy niya ang buhok ni Yas na nasa may balikat."Hon..."
"Bakit?"
Hinihimas himas ni Arthur ang hita ng asawa pababa sa may tuhod."Pwede bang ibalik mo sa pagiging secretary si Mr. Handsome.. maaari ba?" Pakiusap ni Yaa sa asawa.
Napatigil si Arthur sa ginagawa at napatingin kay Yas. Nabigla siya sa request nito kaya napakunot noo siya."Huh? Ano nga ang request mo? Baka mali ang narinig ko.." pabingi bingihang reaction ni Arthur.
"Ang sabi ko, ibalik mo na si Handsome. Huwag mo na siyang ifired!"
"Ano? Pagkatapos na saktan ka, gusto mo siyang pabalikin sa kompanya! Baka saktan ka pa ulit non! Hindi ako papayag!" Pagmamatigas ni Arthur.
"Hon, kasalanan ko rin ang nangyari. Kung nagpakilala ako kaagad, sigurado hindi iyon mangyayari. Ginawa lang niya ang kanyang trabaho at para maprotektahan ka lalo na sa mga outsider."
Nakiusap si Yasmin sa asawa na pabalikin si Handsome. Nakokonsensya sya sa mga nangyayari at kailangan ni Handsome ng trabaho ngayon lalo na at nasa hospital ang bata.Hinawakan ni Yas ang isang braso ni Arthur at tinitigan ang seryosong mata ng asawa.
"Please hon! Patawarin mo na siya dahil sa ginawa niya sa akin ay pinatawad ko na siya. Hindi naman ako napano at si baby natin. Ayoko lang na dumating ang araw na magsisi tayo sa mga ginawa nating hakbang at desisyon na makakasakit sa iba. Alam kong may nagawa siyang mali pero pwede naman sigurong bigyan natin siya ng pagkakataong magbago at itama iyon, di ba?"Nilalambing ni Yasmin si Arthur na parang pusang nakadikit sa amo. "Please honey... Please.. please! Just grant this favor.."
Napatitig naman si Arthur sa asawa na di tumitigil sa pagmamakaawa sa kanya."Haist, pag-iisipan ko!" Sagot ni Arthur.
Masayang narinig ni Yasmin ang sagot ng asawa. Abot tenga ang ngiti nito. Napayakap agad si Yas sa may leeg ni Arthur pagkatapos.
"Thank you hon! Ang bait mo talaga!""Teka teka, ang sabi ko pag-iisipan ko. Di ko pa sinabing ibabalik ko na siya agad."
Tumayo si Yas at humarap sa asawa. Pagkatapos ay umupo sa kandungan ni Arthur paharap. She wrapped her arms sa may leeg ni Arthur.
"Alam kong papayag ka! 100% sure ako!" Pagmamayabang ni Yasmin.
Napahawak si Arthur sa magkabilang legs ni Yasmin."Over confident mo naman my wifey! Inaakit mo lang ako para makuha ang gusto mo!"
"Do you want me to serve you tonight?"
"Hmm.. what's the reason? Ano ang ipapakiusap mo?"
"May isa pa hon pero mamaya ko na sasabihin.."
"Pa-surprise surprise ka pang nalalaman!"
Sinimulan ni Yasmin na halikan ang dibdib ng asawa. Nakasuot lamang ng robe si Arthur kaya madali lang niyang magagawa ang gusto. She touched his chest and kiss it.
Napatingala si Arthur at napapikit ang mga mata.
"Sabihin mo na kung ano ang isa pang request mo.." Hamon ni Arthur sa asawa. Ramdam ni Art ang mainit na kamay ni Yas na nagmamasahe sa alaga niya. Tuloy umiinit ang katawan ni Arthur sa mga oras na iyon."Hon, di ba A- ang dugo mo?" Tanong ni Yas.
"Uhm.. Yes, why?"
"Pwede ka bang magdonate ng dugo?"
Napadilat si Arthur dahil sa tanong ni Yasmin.
"Huh?""Sige na hon. May nangangailangan ng A- na dugo. Kailangan kasi nito ng blood transfusion." Paliwanag ni Yasmin sa asawa.
"Teka teka lang.. ano ba ito? Sino ba ang nangangailangan ng dugo?"
"Huh, ah eh.."
Nagdadalawang isip si Yasmin kung sasabihin ba niya ang tungkol kay Handsome at ang bata. Sobra na ba ang hiling niya? Baka di na ito pumayag.To be continued .
Papayag kaya si Arthur sa mga request ni Yasmin? Sasabihin kaya ni Yas na pamangkin ni Handsome ang nangangailangan ng dugo?
Abangan.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...