Chapter 56.5
Perfectly Imperfect
Humarap si Lenard sa kanyang ama. Tumulo nalang ang kanyang luha at sinisipon na. Pinunasan niya ang kanyang ilong ng sariling braso. Hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ang kanyang ama.
"Patawad anak. Babawi ako sa inyo ng mommy mo.."
"Daddy.."
Mas bumuhos pa ang luha ni Lenard. Di na nakatiis ang bata at tumakbo ito patungo kay Lenard. Napaluhod si Leo para mayakap ang papalapit na anak.
"Daddy!"
Niyakap ng mahigpit ni Lenard ang ama at gayundin si Leo sa anak. Laking tuwa naman ni Lin na makita ang dalawa kaya napapaluha siya sa tuwa. Si Yas naman ay napanood din sila pati ang isang Leo. Natutuwa si Yas na makita na mabubuo na sa wakas ang pamilya ni Lin kasama si Leo at Lenard. Umaasa rin siya na balang araw mabubuo rin ang pamilya nila ni Arthur.
---------
Sa gabing iyon ay di makatulog si Yasmin. Nasa hardin ito na pabalik - balik ang lakad. Hinahaplos haplos ang sariling braso dahil sa malamig na simoy ng hangin. Malalim ang iniisip niya sa mga oras na iyon dahil maraming gumugulo sa utak niya at tanong. Kinakabahan tuloy siya sa pagkikita nila ni Handsome. Ang nagpapalakas na lamang att nagbibigay pag-asa sa kanya ay ang balitang buhay pa ang asawa.
Napabuntong - hininga nalang si Yasmin habang napatingala sa langit.
"Yasmin!" Tawag ni Lin.
Lumingon si Yas sa kaibigan na papalapit sa kanya.
"Ikaw pala Lin.."
"Okay ka lang ba? Malamig dito, baka magkasipon ka," pag-aalala ni Lin sa kaibigan.
Ngumiti si Yas at sinabing, "Okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Gusto ko lang magpahangin."
"Ganoon ba.." malungkot na sabi ni Lin na para bang may nililihim.
Lumapit si Yas at hinawakan ang dalawang kamay ni Lin.
"Masaya ako at nagkita na kayo ni Leo. Mabubuo na sa wakas ang pamilya ninyo."
"Yasmin.."
Yumuko bigla ang ulo ni Lin na para bang nahihiya at may mga bagay na di niya masabi sabi. Napansin naman ito agad ni Yas.
"May problema ba Lin?" Usisa ni Yasmin.
Dahan -dahan na inangat ni Lin ang ulo at hinarap si Yasmin. "Napakabuti mong kaibigan Yasmin. Nariyan ka noong mga panahon na wala akong kasama.. mga panahon na muntik na akong sumuko. Hindi ka sumuko sa akin kahit alam ko na may sarili ka ring mga problema. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng kabutihan mo."
Hinawid ni Yas ang buhok na may ngiti sa mga labi.
"Sino pa ang magtutulungan hindi ba? Masaya na ako na makita kang masaya."
"Yasmin.."
"Siya nga pala, magkikita kami ni Handsome bukas. Buhay si Handsome!"
"Si Handsome?"
"Si Handsome nga! Siya ang kasama ni Arthur noon noong nangyari ang aksidente. May sasabihin siya sa akin."
"Ganoon ba.."
"Alam mo ba kung ano ang sinabi niya?"
"Ano?"
"Ang sabi niya buhay daw si Arthur." Nakangiting pagbalita ni Yas sa kaibigan. Bakas ang kasabikan ni Yas tungkol kay Arthur kahit na halong kaba ito.
Walang reaksyon na pagkagulat ang nangyari kay Lin. Halatang alam na niya ang mga ito.
"Pero kinakabahan pa rin ako Lin na baka nagsisinungaling lang si Handsome. Paano kung hindi totoo iyon? Paano kung akala lang niya na buhay pa si Arthur? Paano kung mabibigo ang pag-asa namin ng anak ko? Tuloy, hindi ko maiwasang kabahan sa pagkikita namin ni Handsome bukas."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
