Ibinigay ni Arthur ang listahan na mga bagay na gusto at ayaw niya. Kailangan isaulo at tandaan ni Handsome ang lahat ng iyon para di siya masibak sa trabaho. Maraming inilista si Arthur sa limang papel na binigay niya sa binata."Basahin mo iyan at tandaan ang lahat!" Utos ni Arthur habang nakaupo sa kanyang upuan sa opisina.
"Ye-yes si-sir!" Nauutal na sagot ni Handsome at nanginginig pa ang kamay dahil sa kaba. Kinakabahan siya kapag kaharap niya ang boss na si Arthur.
Napansin naman ni Arthur ang nanginginig na kamay ng binata.
"Mahilig ka ba sa kape?" Tanong ni Arthur."Po? Me-Medyo po sir.."
"Dapat na sigurong limitahan mo na ang pag-iinom ng kape!"
"Po? Ba -bakit po?"
"Tingnan mo nga sarili mo.. Nanginginig ka kasi!"
Sinubukang pigilan ni Handsome ang mga kamay na manginig. Hinawakan ng isang kamay ang isa pa nitong kamay. Natawa tuloy si Arthur sa binata.
"Sige na! Bumalik ka na sa trabaho!"
"Opo sir!"
Tumalikod na si Handsome nang biglang may naalala si Arthur na dapat sabihin. Tinawag nita si Handsome."Teka lang!"
Napahinto si Handsome at lumingon sa boss. "Sir?"
"Huwag mong kalimutan ang tatlong major na ayaw ko! Tandaan mo rin iyon!"
"Uh! Opo! Opo sir!"
Pagkaalis niya sa opisina ay agad niyang pinag-aralan ang bawat nakasulat sa listahan. Isinaulo nya ito at tinandaan ang bawat detalye. Kahit papano ay utang na loob niya sa mag-asawa ang paggaling ni Peter. Kaya gagawin niya ang lahat para sundin at pagsilbihan sila.
Isa sa nakalista, dapat ipagtimpla ng kape si sir pagdating niya sa opisina.
"Sir, heto na po ang kape."
"Thanks!"
"Sir, baka manginig kayo sa kakainom ng kape. Tigilan na ninyo iyan!"
Matalim na mga tingin ang ibinigay niya sa binata. Natahimik tuloy si Handsome at naalala ang isa sa major na ayaw nito.
Napakamot nalang siya sa ulo at nahihiyang umalis sa opisina."Lagot! Huwag pakialaman si boss sa mga bagay na gusto niya!" Bulong niya sa sarili.
Bawal tatamad tamad sa trabaho ang isa sa dapat tandaan ni Handsome. Kaya inililista niya lahat ng mga gawain niya at mga meetings ni sir Arthur. Inaarrange rin niya ang mga papeles sa mesa nito at pinag-aaralan ang tungkol sa kompanya.
"Lalabas kami ng asawa ko, sumama ka!" Utos ni Arthur.
"Po? Ba-bakit po ako sasama?" Curious na tanong ni Handsome.
Napatigil si Arthur at hinarap ito.
"Syempre! Dapat mong malaman kung ano ang gusto ng asawa ko at mga ayaw niya. Dapat kilala mo rin siya!"Pumunta sila sa isang mall. Kasama rin nila ang dalawang bodyguard. Mas maingat si Arthur sa kalagayan ni Yasmin kaya pinasama niya ang kanyang bodyguard. Nakasunod sa dalawa si Handsome.
Habang naglalakad ay nakapulupot ang kamay ni Yas sa braso ni Arthur. Masaya silang magkasama.Natutuwa naman si Handsome na kasama niya ang mag-asawa na naging anghel nila. Masaya siya na nakikita silang masaya.
May biglang tumawag kay Arthur kaya napahinto ito. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tiningnan ang tumatawag. Napakunot noo ito.
"Bakit hon?" Nag-aalalang tanong ni Yasmin."I will just answer this call. For awhile muna.."
"Okay.."
Binitawan ni Yas ang braso ni Arthur. Inutusan naman ni Art si Handsome na samahan ito. Ang isa ring bodyguard ay nakasunod naman kay Yas at ang isa kay Art.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...