Yasmin's pov
Natapos na rin ang mga araw na narito kami sa isla. Nag-iisa ako rito sa kwarto. Nag-iimpake na ako ng aking mga gamit sa aking luggage. Nakaupo ako ngayon sa kama na kasama ang mga damit ko na nakakalat rito. Iniisa-isa kong inaayos ang aking gamit at mamaya ay kay Arthur naman." Ano na ang mangyayari?" Napatanong ako at napbuntong - hininga.
Napatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang ulap na tanaw roon. Sa araw na ito matatapos ang aming kontrata. Natapos na rin.
Naaalala ko kung gaano ako naiinis kay Arthur at kung paano ako matapang na sumasagot sa binata.Flashback
" Pumapayag na akong maging alipin mo!"
" Totoo ba ang sinasabi mo?"
She nodded.Natatawa si Arthur at hindi makapaniwala. " Nagbibiro ka ba?"
Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahan." Sige, pitong araw! Isang linggo mo akong pagsisilbihan!!" utos niya.
" Pumapayag ako pero may kondisyon!!"" Huh? Ano naman?"
" Di ba pagsisilbihan kita at magiging alipin ako. Ang kondisyon ko ay.."
Masinsinang nakinig si Arthur sa seryosong sasabihin ni Yasmin.
" No kisses and no touching!!" matapang na proposal niya. "
" Anong ibig mong sabihin?"
" Pagsisilbihan kita bilang alipin mo but walang halikan o kaya bawal dumampi ang balat mo sa aking balat o simply means, hindi mo ako pwedeng mahawakan."
" Ano?"
" Mahirap na at baka ano pang gawin mo sa akin at ipagawa!" mataray na sabi nito.
" Aba.. advance mag-isip."
" Kung gagawin mo iyon kahit kunti, bayad na ako sa utang mo at ititigil na ang kasunduan!"
" Eh paano kung ikaw ang naunang humawak, ano ang mangyayari?"
" Ikaw, ano ang gusto mo?"
" Maeextend ang service mo!"
" Deal!" sabi ni Yasmin.
" Deal sige payag na ako!" sabi ni Arthur.
-end of flashback--Natatawa na lang ako kapag iniisip iyon. Para kaming mga bata sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na mangyayari ito at nangyari na talaga.
Halatang kinilig si Yasmin sa mga naalala niya. Naka move on na ba talaga siya?
------
Meanwhile, nasa kwarto ni Leo ang dalawang binata. Nakaupo si Arthur sa couch habang nakatayo si Leo sa harapan nito. Seryosong nakatingin si Arthur at walanh salitang sinabi. Naghihintay ito na maunang magsalita si Leo. Si Leo naman ay hindi makatingin sa boss kaya yumuko ang ulo nito.Ilang minuto ang nakakaraan at nagkaroon na ng lakas ng loob si Leo na magsaita. Natatakot kasi siya sa mg mangyayari. But he realized na may mga kasalanan talaga siya sa boss nito.
" Sir, sorry na po sir!" Nakapikit na sabi ni Leo.
Napakaseryoso ng mukha ni Arthur." Sorry sir! Ilang beses ko na pong dinistorbo kayo ni Miss. Ilang beses na nabitin kayo dahil sa akin.."
" Salamat alam mo.." wika ni Arthur.
" Sorry sir! Parusahan na ninyo ako!" mungkahi ni Leo at biglang lumuhod ito.
Hindi natinag si Arthur at seryoso pa rin itong nakatingin sa binata" Sige, mamili ka. Una, tatanggalin kita sa trabaho mo.."
" huh?"
" O pangalawa, ikaw ang mag-resign??"
" Huh?"
Nanlaki ang mga mata ni Leo. Mukhang pareho lang ang kahinatnat sa dalawang options.
" Sir? Seryoso po?"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...