Chapter 30.1

1K 20 0
                                    


Mahimbing na natutulog si Arthur sa kama sa kwarto nila na walang pang-itaas at nakakumot nalang. Mukhang may ginawang kababalaghan ang dalawa kagabi dahil nakakalat ang mga damit nila sa sahig
Bumangon si Yasmin na may kumot na binalot sa katawan. Wala rin pala siyang saplot sa katawan.
Pinulot niya ang mga nakakalat na mga damit nila at inilagay sa silya. Naalala ni Yasmin na wala pala siyang ibang damit sa mga oras na iyon at mga panloob.

"Tama pala.."
Napatingin siya sa kabinet at naghanap man lang ng tuwalya. Fortunately, nakakita siya ng tuwalya at tinapis niya ito.

Pumunta siya sa kusina at naghanap ng pwedeng maluluto. Pagkabukas niya sa refregirator ay puno ito ng gulay, karne at iba pa.

"Wow!"
Hindi niya inakala na ganoon ka ready ang ref. Kaya naisipan ni Yasmin na ipagluto ang binata ng agahan.
-------------
Nagising na si Arthur. Pabiglang napadilat ang kanyang mga mata. Mukhang may masamang  napanaginipan ang binata. Napalingon -lingon siya at napansin niyang wala na ang dalaga sa tabi niya.

"Yasmin!?" pag-aalala niyang wika. Napabangon siya sa kahihiga.

"Yasmin!!"

Pagbangon niya ay nakalimutan niyang wala pala siyang saplot sa ibaba.
"Haist!"

Agad siyang kumuha ng tuwalya na nasa kabinet at tinapis niya ito sa ibabang bahagi niya.

Nagpatuloy sa paghahanap niya sa dalaga.
"Yasmin!"

Napunta siya sa may kusina at napatigil roon. Nakita niyang nagluluto si Yasmin. Nakahanda na rin ang mga plato at iba pa sa mesa.
Napalingon si Yasmin kay Arthur at binati ito. "Goodmorning!" Nakangiti itong bumati.

Seryoso naman ang mukha ni Arthur na sumalubong sa kanya.

"Huh,?"
Napansin ni Yasmin ang expression ng mukha ng binata. Nagtaka ito.

Agad lumapit si Arthur kay Yasmin at niyakap ito.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Yasmin.

"Akala ko mawawala ka na sa akin!!"
Napapahigpit ni Arthur ang yakap sa dalaga. Nakapikit ito at nakasubsob ang mukha sa may buhok at batok ni Yasmin.
Napayakap naman si Yasmin pero bakas sa mukha ang pagtataka.

"Ano?"

"Ayokong mawala ka.."
Pinapawisan rin si Arthur habang nagsasalita.

"Narito lang ako...Arthur, huwag kang mag-alala."

Gumaan kaunti ang pakiramdam ni Arthur nang makaharap si Yas. Hinawakan ni Yasmin ang pisngi ng binata at tinitigan ang mga mata nito.

Niyakap ulit ni Arthur si Yasmin. Panatag na ang kanyang kalooban ng makitang kasama niya si Yasmin.

Arthur's mind: Hindi ko hahayaang may aagaw sa iyo Yasmin. Kahit panaginip lang iyon, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Kung kanino mang anino ng lalaki na nasa panaginip ko na aagaw sa iyo, hindi ako papayag. Bubuohin natin ang ating mga pangarap na magkasama. Walang makakahadlang sa ating pagsasama kahit sino pa sila.

-----------
"Ano pong plano ninyo pa sa birthday ninyo sa makalawa? Saan niyo po gustong magcelebrate?" tanong ni Tita Nancy sa matanda.

Nakaupo ang matanda na lolo ni Arthur sa couch habang nagbabasa ng diyaryo.
"Hay naku! Wala akong ganang magcelebrate ng birthday ko. Napakaboring! Mamamatay nalang yata ako na hindi pa nakikita ang apo ko sa tuhod. Siguro mabuti pang mamatay nalang ako!" pagtatampo ng matanda.

"Pa, huwag ka ngang magsabi ng ganyan..."

"Haist napakahina talaga ng pamangkin mo!!"

"Pa, hindi mo mapipilit ang isang bagay na hindi pa napapanahon. Balang araw mabibigyan ka niya."

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon