Chapter 59.2
Habang naglalakad sa pasilyo si Yasmin ay napapatanong siya sa sarili. Nakalimutan niyang tanungin si Lin kung anong itsura ng box. Napatanto ni Yas na walang gaanong detalye ang sinabi ng kaibigan.
Nang naghihintay si Yas sa pagbukas ng elevator, naisipan na niyang tawagan si Lin para tanungin tungkol sa pinakukuha niya. Ilang minuto lang ay bumukas na ang elevator pero hindi pa rin niya macontact si Lin."The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later."
Pumasok na ito sa elevator at pinindot ang 20th na floor.
"Aba, bakit naka-off ang cellphone niya?" Pagtataka ni Yas. "Wala bang signal?"
Pasulyap-sulyap din siya sa taas kung saan naroon ang numero ng floor. Naghihintay si Yasmin na mag20th floor na.
Tinawagan niya ulit si Lin pero hindi pa rin ito sumasagot. Kahit si leo ay di nya macontact.
"Pareho silang di macontact.."Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na siya. Nagpatuloy nalang ito sa paglalakad sa pasilyo papunta sa isang pinto ng rooftop.
"Ayaw yata nilang madistorbo.." pangiti - ngiting sabi ni Yas sa sarili. Kinikilig tuloy siya sa dalawa.Nang nasa tapat na siya ng pinto ay bigla siyang kinabahan. Napahinto lang siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagdadalawang isip siyang buksan ang pinto. Habang tumatagal ay lumalakas ang pagkabog ng kanyang puso.
"Hindi nalang kaya ako tutuloy?" Tanong nito sa sarili na napapatitig sa doorknob. Hindi na niya napigilan ang sarili at tumalikod na ito. "Sabihan ko nalang si Lin na di ko nakita o si Handsome nalang ang kukuha."
Napahakbang si Yas at nagdesisyong umalis na pero napatanong ulit siya sa sarili.
"Bakit ba ako natatakot? Bakit ako magsisinungaling at iaasa sa iba, hindi ko pa naman alam ang mangyayari?"
Humarap siya ulit sa pinto at matapang na binuksan ito. Pagkabukas niya ay napakatahimik ng lugar sa rooftop. Wala man ilaw pero naaaninag ang liwanag ng buwan roon at ang mga gusali. Nilibot ni Yas ang tingin sa buong paligid. Kakaiba ang ayos nito na maraming mga bulaklak sa gilid na nagigingisang aisle."Teka, may paganito si Leo kay Lin?" Pagtataka ni Yasmin.
Sa dulo ng aisle ay may mesa roon at may arko ng bulaklak.
"Wow! Kina Leo ba ito? O sa iba? May kasal yata rito kanina?" Di maalis -alis ang tingin sa paligid kahit medyo madilim pa.
Humakbang pa si Yas at napayuko. Nakita niya ang mga petals sa daan at patungo ito sa mesa. Napangiti lang siya na di niya namamalayan."How romantic naman ng gumawa nito.."
Nagpatuloy sa paglalakad ng dahan - dahan si Yasmin. Sinundan niya ang mga petals patungo sa mesa. Nang malapit na siya sa mesa ay nagulat siya nang makita ang isang maliit na box."Teka, iyan na ba ang pinapakuha ni Lin? Iyan na siguro!"
Nilapitan ni Yas at kinuha ang box. Hawak hawak na niya ito. Nagtataka siya kung ano ang laman nito at kung bakit gusto ni Lin na ipakuha ito.
"Ano kaya ang laman nito?"
Inalog pa ni Yas pero wala man lang ingay. Mas nagtaka pa ito.
"Ano ba ito?"
Hindi na nakatiis si Yas at binuksan niya ang box. Nagulat siya dahil wala namang laman.
"Huh? Wala namang laman. Box lang kaya ang pinapakuha nya?" Naguguluhang reaction ni Yas. Hindi nagtagal napabuntong - hininga nalang siya. Baka nga box lang talaga ang pinapakuha ni Lin sa kanya. Paalis na sana si Yas sa kinatatayuan nang biglang umilaw ang aisle at ang mga palamuting nakasabit. Ang mga bulaklak na nasa paligid ay tila mga bituin na kumikinang. Napamangha lalo si Yasmin sa kanyang nakikita."Ang ganda.."
Gumaan ang pakiramdam ni Yasmin habang minasdan ang mga ilaw na nagiging palamuti sa lugar. May candlelight pa na mas nagiging romantic. Ang kabang naramdaman niya kanina ay para bang natunaw at pinalitan ng kasiyahan. Habang tuwang -tuwa si Yas ay may isang tao ang pumasok sa lugar at dahan dahang lumalapit ito. Nakangiti itong nakatitig kay Yasmin.
Lumingon si Yasmin at hindi niya inaasahang makita ang asawa na may tatlong metro ang layo sa kanya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...