Nagdadalawang isip si Yasmin kung tatabi ba siya kay Marga kung saan pinaupo siya. May dalawang empty chair na malapit kay Marga kaya dali daling pinuntahan ito ni Yasmin. Inunahna niya si Anika na makaupo roon. Kaya ang katabi ni Marga ay si Anika na katabi ni Yasmin sa kabila. Medyo nagulat sila sa actions ni Yasmin pero sa huli ay binalewala nalang nila ito.
Nagkasiyahan ang lahat. Inilagay na sa mesa ang mga inorder nilang mga pagkain at maiinom. Nasa harapan ni Yasmin ang alak. Napatingin nalang siya nito.
Kinuha ng isang kaklase nila ang bote ng alak at isa isa niyang nilagyan ang mga baso nila. Pagkatapos, sabay sigaw
" Cheers!"
" Cheers!" sigaw ng iba.
Ininum nila ang alak except kay Yasmin.
" Bakit Yasmin?"
" uhm.."
Tahimik lang si Marga na nasa may dulo ng mesa.
" Bawal kasi akong uminom," sabi ni Yasmin na nahihiya.
" Why?"
" Bakit bawal?"
" Kasi.." napatingin siya sa kanyang mga kaklase. Nakatingin sila sa kanila except kay Marga.
" Kahit kunti lang Yasmin," pilit nila.
" huh?"
" Sige na!"
Hinihimas ko ang aking tiyan na nasa may ilalim ng mesa.
Hindi sila tumitigil na pilitin akong uminom ng alak.
" Ngayon lang ito kaya tumikim ka ng kahit kunti," sabi noong isa.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ang baso na may alak na nasa harapan ko. Hinawakan ko ang baso pero hindi ko mapigilang hindi kabahan. Nanginginig ang kamay ko.
Napaisip ako, " Bakit nila ako pilit na pinapainom? Alam kaya nila? Baka may binabalak sila? May binabalak kaya silang masama sa akin at sa baby ko?"
I'm holding the glass ng biglang nagsalita si Marga.
" Itigil mo na iyan!"
Napatingin silang lahat sa kaniya. Napatigil ako at tumingin rin sa kanya.
Tumayo si Marga at nagsabing, " Huwag na ninyo siyang pilitin. Nakakasama sa kanya ang alak!"
Nagulat ako sa sinabi ni Marga. I cannot believe.
Inilagay ko ang baso sa mesa.
Nagtawanan lang sila. Tinawanan nila si Marga na napakaseryoso raw.
" Ang seryoso mo naman Marga."
Nagpatuloy ang kwentuhan. Hindi na nila ako pinilit na uminom ng alak.
" Kumusta ang buhay abroad?"
" May boyfriend ka na ba?"
" Balita ko may boyfriend ka na Yasmin! Ipakilala mo naman!"
Hindi makapagsalita si Yasmin at natatakot siya na baka may masabi siyang masama. Hindi nila alam ang tungkol sa kanila ni Xian. Ano kaya ang reaction nila kapag malaman nila nag tungkol sa kanila ni Xian.
" Kailan ang balik mo sa abroad?"
Tumayo si Yasmin at nagsalita na rin, "Pupunta muna ako sa ladies room. Maiwan ko muna kayo."
Nagmamadaling umalis sa mesa si Yasmin. Gusto niyang iwasan ang mga tanong nila.
May nakapansin sa tiyan ni Yasmin, " Medyo kakaiba ang katawan ni Yasmin.."
" Ano naman?" tanong ng isa.
" Is she pregnant?"
--------
Nasa ladies room na si Yasmin.
" Ganito pala kapag buntis, palaging naiihi. Hays ang hirap pala!" nagsasalitang mag -isa si Yasmin. Pagkatapos niya ay humarap siya sa salamin at hinugasan ang kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
