Nagising na si Yasmin. Nakahiga siya sa kama ng hospital. Naroon si Harrold at binabantayan siya." Nasaan ako?" nilibot ni Yasmin ang kanyang mata sa buong kwarto. Nakita niya si Harrold na nasa tabi ng kama.
" Mabuti naman at gising ka na!" masayang makita ang kaibigan.
Pagkakita ni Yasmin sa kaibigan ay naiyak ito.
" Harrold!" sising sisi si Yasmin sa padalos-dalos na ginawa. Umiiyak siya ng umiyak.Napapaiyak na rin si Harrold pero pinipigilan niya ito. Pinupunasan niya agad ng kamay niya kapag malapit ng tumulo ang kanyang luha. " Ano ba Yasmin!"
" Sorry... Sorry at hindi ako nakinig! Hindi sana ito nangyari kung nakinig ako sa iyo!"
" Tanga kasi! Nagpapatanga ka kasi dahil kay Xian! Ipapahamak mo lang ang sarili mo!" sermon ng kaibigan.
" Gusto ko lang makita si Xian at kausapin siya kung bakit niya ito ginagawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya puntahan," paliwanag ni Yasmin.
Harrol's pov
Siguro ganito kapag nagmamahal... Wala ka nang pakialam kahit masaktan ka o delikado ang pupuntahan, makita lang siya. Patuloy na nagpapakatanga kahit alam na mali na. Nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. Kahit ilang beses na pinagsabihan ay patuloy pa rin na hindi nakikinig. Alam nang mapapahamak, sugod pa rin. Bakit ganoon? Nagmahal lang si Yasmin pero nasasaktan siya. Matalino siya pagdating sa academics pero ang tanga pagdating sa pag-ibig. Pilit nila pinaglalaban ang kanilang pagmamahalan pero marami ang hadlang." Magalit ka na sa akin Harrold!" sabi ni Yasmin.
" Oo, galit ako sa iyo!" sigaw na sagot ni Harrold.
Nagulat si Yasmin sa sagot ni Harrold at napatingin siya sa kaibigan.
" Galit ako! Galit na galit ako sa iyo! Naiinis ako sa iyo at sa sarili ko!"
Napaiyak ulit si Yasmin.
" Sorry! sorry Harrold! Magalit ka na! Huwag mo na akong kaibiganin!"
"Sinasabihan kita ng ganito dahil kaibigan mo ako at concern ako sa iyo."
Walang tigil sa pag-iiyak ni Yasmin.
" Ang tanga ko!" sabi ni Yasmin." Bakit nagpapakatanga ka?"
" Oo, tanga na ako!"
" Alam mong maraming banta sa buhay mo, hindi ka pa natuto!"
" Gusto ko lang talaga makita si Xian!" sabi ni Yasmin.
Pumasok si David sa kwarto at nagsalita, " Walang Xian roon!"
Napalingon ang dalawa.
" David?" reaction ni Yasmin. " Anong ginagawa mo rito?"
Bakas sa mukha ni David na napasugod siya at nakipag-away. May mga band-aid ang mukha nito.
Inalala ni Yasmin ang nangyari sa lugar na iyon at naalala niyang may lalaking dumating upang tulungan siya.
" Sino siya Yasmin?" tanong ni Harrold. Kumikinang ang mga mata ni Harrold habang nakatingin sa binatang kaharap.
" ikaw iyon David at hindi si Xian?" curious na tanong ni Yasmin.
" Ako nga ang dumating at iniligtas ka!"
" paanong?"
Yumuko si David at nagpatuloy sa pagsasalita, " Huwag kang mabibigla."
" Ano iyon?"
" May nag-utos sa dalawang lalaking iyon na gawin iyon sa iyo. Inabangan ka na nila at ang lahat ng iyon ay pinaghandaan."

BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...