Araw ng linggo, mahimbing na natutulog si Yasmin. Mukhang maganda ang panaginip nito. Hindi man lang siya nagising sa mga ingay sa paligid.Hindi na nila ginising si Yasmin nang umalis sina Arthur at Leo sa bahay. Kailangan nilang umalis dahil may aasikasuhin sila. Hindi na pinaalam ni Arthur ang problema para di mag-alala si Yas at mamuhay siya roon ng panatag ang loob.
Nagpaalam na ang mga empleyado sa dalawa. Alam naman nila na bibisita pa rin si sir Arthur sa lugar hindi nga lang siya mananatili ng matagal. He will really visit his wife."Kayo na po muna bahala kay Yasmin dito. Alam kong masaya siya na kasama kayong lahat,"ani ni Arthur na may lungkot sa boses nito.
"Yes sir. Kami na po bahala kay Madam. Huwag po kayong mag-alala. Maaasahan ninyo po kami," saad ni Mrs. Maddie.
Napilitang ngumiti si Arthur sa kanila kahit bakas nito ang kalungkutan na mahihiwalay siya sa asawa. Hindi na niya araw -araw makikita si Yasmin.
Si Leo naman ay pasulyap-sulyap sa dalagang malungkot rin. Hanggang tingin nalang ang dalawa.
Sa huling pagkakataon ay sumulyap si Arthur sa second floor kung saan naroon ang mga kwarto at yumuko agad.
Pumasok na sila sa kanilang sasakyan."Hihintayin namin ang pagbabalik ninyo sir!" sigaw ni Jess.
Tuluyan ng umalis ang sasakyan nila kaya pumasok na ang lahat sa loob ng bahay.
Habang nasa biyahe ay inutusan ni Arthur ang driver na dumaan muna sa opisina.
"Dumaan muna tayo sa opisina. May kukunin lang ako,"utos ni Arthur."Yes sir!"
Walking distance lang naman ang opisina kaya di pa nakakalayo ang sasakyan ni Arthur.
-------
Napapabuntong hininga nalang si Fatty habang iniisip ang mga nangyari. Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan sa di mapaliwanag na dahilan.
Napaupo si Jess sa sofa at sinabing, "Kailan naman kaya babalik si Sir?"
"Sigurado babalik iyon agad kasi narito ang asawa niya.." sagot ni Justin.Di pa rin makapaniwala si Kyle sa mga nalaman, "Di talaga ako makapaniwala na asaw pala ni Sir Arthur si Ms.Yasmin."
"Kami nga sa simula.." dagdag ni Jess. "Pero infairness sweet at bagay talaga sila."
"Nakakalungkot lang kasi umalis na sila.." malungkot na sabi ni Lin na napasandal sa dingding.Ang hindi nila alam ay pababa na sa hagdan si Yasmin. Gising na ito. Habang nag-uusap sila ay naririnig ni Yas ang lahat.
"Kailangang umalis si Sir para sa mga bagay na aasikasuhin niya roon. He needs to settle the problem."ani ni Mrs. Maddie.
"Problema?" bulong ni Yasmin sa sarili habang dahan dahang bumababa sa hagdan. Napapahawak rin siya sa kanyang kwentas na suot.
"Gawin na lang ninyo ang inyong trabaho para makatulong kayo at di pa dumagdag sa problema!" dagdag ni Mrs. Maddie.
"Anong problema?" tanong ni Yasmin na nasa likuran ni Jess.
Napalingon at napatingin silang lahat kay Yasmin.
"Uhmm.."
"Sinong umalis?" tanong ni Yasmin. Inisa -isa niyang tiningan ang mga kasamahan.Sinagot ni Lin, "Umalis na sina Sir Arthur at Mr.Leo.."
"Huh? What do you mean?" reaction ni Yasmin na pilit na hindi maniwala. Akala lang niya ay umalis tapos babalik lang mamaya.
"Umalis na sila at bumalik na sa inyo.." mahinang sabi ni Jess.
Agad bumalik sa taas si Yasmin at nagtungo sa VIP room para tingnan kung wala na ba talaga ang mga gamit nila. Pagkabukas niya ay wala na ang kanilang gamit. Maayos ang kwarto na parang walang gumamit. Binuksan rin niya ang wardrobe pero wala ng laman.
Natahimik si Yasmin at di alam anong gagawin.
"Umalis na siya.."Natulala si Yas at napaupo sa kama.
"Umalis na talaga siya.. dahil ito ang ginusto ko."Hinubad niya ang kwentas at hinawakan niya ito sa kanyang palad. Napatitig si Yas sa kanyang singsing at naluha nalang siya na di niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...