Chapter 27.2

944 16 0
                                    


Nasa loob ng shower room pa rin si Yasmin. Napatigil siya at natahimik. Biglang may pumasok sa isipan niya na bumabagabag sa kanya.

Sumigaw ulit si Mia, " Bubuksan ko na!"

Sumagot naman si Yasmin, " Sige!"

Hindi alam ni Yasmin kung ano ang ipinadala sa kanya. She just let Mia to open it. Ano kaya ang laman at nakasulat sa document na pinadala.
Habang natahimik ito na hindi alam kung bakit ay napahawak si Yasmin sa kanyang tiyan. Nakatayo lamang si Yasmin sa loob ng shower room.
Agad kinuha ni Yasmin ang box na nasa kabinet. Ito ang mga itinatago na supply ni Mia. Ang box na iyon ay isang pregnancy kit. May itinatago si Mia na mga ganito para na rin for future use at ma-monitor rin niya ang sarili dahil na rin sa klaseng ng trabaho na meron siya. But all of these are secret pero hindi niya alam na alam ni Yasmin na may itinatago siya roon.

Kinakabahan si Yasmin habang nasa kamay na niya ang pregnancy kit. Magkahalo ang emotion ang kanyang nararamdaman.Natatakot siya na subukan pero kailangan. Marami na siyang kakaibang naramdaman at pagbabago sa sarili at mukhang hindi ito normal. Buntis ba siya?
Nilakasan niya ang loob na gamitin.

-------
Nabuksan na sa wakas ni Mia ang padalang documents. Hawak hawak na niya ito.
" hmmm.. Ano ba ito?"

Sinimulang basahin ni Mia ng tahimik.

" Resulta pala ito mula sa hospital.. Para kay Yasmin." bulong nitonsa sarili.
" ... Fainted.."

Sumigaw ulit si Mia para ipaalam ang mga documents, " Yasmin, mula pala ito sa hospital. Result mo yata. Na-ospital ka pala?"
Nagpatuloy siya sa pagbabasa hanggang sa dulo kung saan naroon ang test result.
Isang minuto ang nakakaraan, nanlaki ang mga mata ni Mia. Nagulat siya sa kanyang nabasa. Ano kaya?

---------
Hawak hawak ni Yasmin ang kit at hinihintay kung ano man ang lalabas. Naka-upo ito sa kubeta.

" Yasmin!" sigaw ni Mia.
Mas kinabahan tuloy ang dalaga. Tinutukan niya talaga kung lalabas ba ang isang linya o dalawa.

Hanggang...

" Oh my!" napatakip ng bibig si Yasmin. Nagulat siya sa kanyang nakita. Dalawang linya ang lumabas sa test.

" Am I?"
Hindi siya makapaniwala.

" I'm pregnant?"
Mas lumakas ang pagkabog ng dibdib nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaction.

" Totoo ba ito?"

--------
Hindi na mapakali si Mia. Mukhang may nalaman siya. Pabalik balk siya sa paglalakad sa living room at hinihintay ang paglabas ni Yasmin sa shower room.

-----
Ilang minuto ang nakaraan, dahan dahang lumabas si Yasmin sa shower room na nakabath robe lang. Nag-aalala siya kung paano niya sasabihin sa kaibigan at ano ang magiging reaction nito.

Napalingon si Mia at tiningnan si Yasmin. Patay mali muna si Yasmin na para bang walang nangyari sa shower room.

Ngumiti siya sa kaibigan na napakaseryoso ng mukha.

" Ano ang laman ng document? Saan nga iyon galing?" tanong ni Yasmin.

" Sa hospital. Result mo pala iyon.."

" Huh?" gulat na reaction ng dalaga.
Ibinigay ni Mia ang papel kay Yasmin at tinanggap naman niya ito. Binasa niya ang nilalaman at nalaman ang resulta.

Nagulat ng kaunti si Yasmin.
" Pregnant: Positive"

Nagsalita si Mia at sinabing, " Buntis ka Yasmin."
In Yasmin's mind:
"Totoo na ba ito? Buntis ako! Buntis nga ako! "

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon