Chapter 56.2
"Ang sama ng boss ni Yasmin. Iniisip niyang mamamatay si Aya. Wala talaga siyang pakialam. Ang sama niya!" Naiinis na sabi ni Lin habang nakaupo sa bench.
Kahit naiinis ay kumalma naman siya at napatingala sa kalangitan. Ngumiti si Lin at naluha sa nalaman niya.
"Salamat at buhay siya. May pag-asa ng mabuo ang kanilang pamilya kahit hindi pa siya magpakita ngayon."
Flashback.
Umalis na si Leam at naiwang mag-isa roon si Lin. Sa mga oras na iyon ay hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Leam. Feeling niya ay wala talagang pakialam si Leam sa anak ni Yasmin at ang gusto lang nito ay makuha si Yas.
"Ang sama niya. Bakit ganyan siya mag-isip!?"
Hindi tumigil sa pagdadasal si Lin para kay Aya at kay Yas. Sa mga oras na iyon ay hindi na niya alam anong gagawin. Alam niyang mas higit pa ang nararamdaman na kaba at sakit para kay Yas.
Hanggang, tumatakbo ang isang nurse at mukhang may ipapaalam sa loob. Ilang minuto lang ay lumabas ang doctor para ipaalam sa kaniya ang isang magandang balita.
"May donor na at compatible sila. Maililigtas na ang bata!"
Gumaan ang pakiramdam ni Lin. Laking tuwa niya na marinig ito. Talagang matutuwa si Yasmin kapag nalaman niyang may donor. Dahil sa excitement ni Lin at gusto niyang magpasalamat, hindi niya mapigilang puntahan ang donor sa isang kwarto.
Pagkarating niya ay may sumalubong at humarang na dalawang lalaki sa kanya na mukhang mga bantay.
"Gusto ko lang magpasalamat sa donor ng dugo. Sabi nila, nasa loob siya at nagpapahinga." Ani ni Lin.
Hindi sumagot ang dalawa. Seryosong nakatayo lamang ito. Nagtaka si Lin pero binalewala nalang niya ang pagiging seryoso nila. Gusto niya talagang magpasalamat sa taong nagligtas sa buhay ni Aya. Naghintay si Lin sa labas habang ang dalawa ay nakatayo pa rin doon sa kinatatayuan nila mula pa kanina.
"Hulog ng langit talaga ang donor na ito. Habang wala pang malay si Yas, ako muna ang magpapasalamat sa kanya."
Bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas ang isang lalaking nakawheelchair na tulak ng isa pang lalaking naka-itim. Lumapit si Lin na nakangiti.
"Mister.. salamat po!" Masayang ani ni Lin pero nang makalapit na talaga ay nagulat siya sa nakita.
"Sir Arthur?"
Napatakip ng bibig si Lin at di makapaniwala sa nakikita.
"Buhay po kayo?"
"Lin.."
End of flashback..
Bumalik si Yas sa kwarto ni Aya. Binabantayan niya ang anak habang natutulog ito. Naluluha na may halong ngiti ang mga labi ni Yas. Masaya ito na makitang magiging okay na ang anak.
"Iniligtas ka ng daddy mo anak. Alam kong mahal na mahal ka niya at gayundin din ako. Kung hindi man siya nagpapakita siguradong may dahilan siya."
Naalala niya bigla si Lin. Hindi niya nakikita ang kaibigan simula ng nagising ito.
"Nasaan kaya si Lin? Alam na kaya niya na okay na si Aya?"
Bumalik sa kwarto niya si Yas para kunin ang kanyang cellphone para matawagan si Lin.
"Narito kaya ang bag ko?"
Nakita naman agad ni Yas ang kanyang bag na nasa upuan lamang. Habang hinihintay ang pagsagot ni Lin sa tawag niya, napansin ni Yas ang mga bulaklak.
"Siya kaya ang nagbigay niyan?"
Ngumingiti si Yas habang minamasdan ang mga bulaklak.
Samantala, hindi magawang sagutin ni Lin ang tawag ni Yas. Mukhang natatakot ito at ayaw nitong magparamdam. Hindi niya gustong magsinungaling sa kanyang kaibigan. Naiisip niya paano kung magtanong si Yas tungkol sa nagdonate ng dugo.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
