Maganda na ang panahon pagkatapos ng malakas na ulan kahapon. Bakas sa daan ang tubig – ulan na may repleksiyon ng bughaw na kalangitan.
Pumasok na si Yasmin sa opisina na hindi na inalala ang nangyari kahapon. Diretso siyang pumunta sa kanyang mesa. Sa kanyang mesa ay may isang bouquet ng flowers. Napakunot – noo siyang tiningnan ang bouquet. Sa bouquet ay may isang card kaya kinuha niya ito at binuksan. Binasa niya ang nakasulat sa card.
“Sorry!” sambit ni Yasmin.
Lumapit sina Jetty at Sandy kay Yasmin at tinukso siya.
“Oie, kanino galing ang bouquet?”
Agad namang isinara ni Yasmin ang card nang nakalapit na sa kanya ang dalawa at ipinasok niya sa loob ng bulsa niya.
“Wow! Hindi mo sinasabi sa amin Miss Yasmin na may admirer ka na pala! Sino?”
“Ang ganda! Oie! May admirer siya!” pauulit ulit na tukso nina Sandy at Jetty.
“Ano ba kayo! Hindi ito admirer. Impossibleng magkaroon ako ng admirer!” sagot ni Yasmin na agad itinabi ang bouquet at umupo siya.
Pangiti – ngiti pa rin ang dalawa at kinikilig. Tinukso pa rin nila si Yas hanggang lumabas si Mr. Mateo sa loob ng opisina ni Sir Leam. Tinawag niya ang lahat para making sa sasabihin niya.
“Hali kayo lahat rito at making!” tawag ni Mr. Mateo na may malakas na boses.
Napalingon ang lahat at natahimik para sa sasabihin ni Mr. Mateo.
“Congratulations sa lahat! A job well done everyone! Natapos natin ang project at nakuha natin ito. Kaya naman nag – usap kami ni sir Leam na magkakaroon tayo ng isang celebration for the success of the project,” masayang anunsyo ni Mr. Mateo.
Hiyaw ang umalingawngaw sa buong opisina. Nagsipalakpakan sila. Masaya ang lahat sa success ng kompanya. Excited din sila sa kanilang celebration.
Lumabas naman si sir Leam sa kanyang opisina at napasulyap kay Yasmin na nasa upuan nito.
“Sir Mateo, saan ang celebration natin?” tanong ng isang empleyado.
“Oo nga sir, saan tayo?”
“Kainan! Videoke!”
Napatingin si sir Mateo kay Leam. “Napag-usapan na namin ni sir Leam na sa kanilang rest house tayo magcecelebrate.” Ani ni Mr. Mateo.
“Wow! Sige!” Sigaw ng karamihan maliban kay Yas na nabigla sa sinabi.
Nagsalita si Sir Leam, “ Sagot ko na ang makakain at venue. Ito ay para sa inyong lahat dahil sa inyong dedikasyon at hardwork!”
“Yehey!” hiyaw nila
“Aasahan ko kayo sa Sabado.”
--------
Araw na ng Sabado, ang araw na magdiriwang sila. Nagdadalawang isip si Yasmin na pumunta. Hindi siya komportable na makihalubilo at magsaya na naroon ang boss niyang si Leam. Iba ang pakiramdam niya habang lumilipas ang mga araw. Dahil sa ginawa ni Leam na pamimilit na halikan siya ay di niya maiwasang mag – isip na may ibang binabalak ang boss sa kanya.
“Kailangan mong sumama syempre Yasmin! Ano ka ba!” sermon ni Jetty kay Yas.
Sinundo nina Jetty at Sandy si Yas sa bahay nila dahil sa nabalitaang hindi ito pupunta. Pinilit nilang sumama sa kanila si Yas. Nakatayo si Yas sa may pinto habang ang dalawa ay kaharap niya.
“Sasama ka!” ani ni Sandy at hinila si Yas palabas ng pinto.
“Teka lang!” reaksiyon ni Yasmin na nagulat sa ginawa ni Sandy. “Sige na nga, sasama na ako!”
Napatigil ang dalawa at napatingin kay Yas. “Sure?”
“Oo na. magbibihis lang ako.”
“Okay.”
Walang magawa si Yasmin kundi sumama at dumalo sa magaganap na selebrasyon. Nagbihis si Yas ng isang simpleng bistida na hanggang tuhod lamang. Ang mga kasama naman niya ay talagang magara ang suot na parang pupunta sa bar. Sinamantala na nila ang pagkakataon na ganoon magsuot.
Pagkarating nila sa lugar, namangha sila sa two – storey rest house ni sir Leam. Simple lang pero elegante. Sa labas ay may maliit na hardin na may makukulay na mga bulaklak.
Binuksan ni Sir Mateo ang pinto at tinawag ang tatlo.
“Pasok na kayo rito!” sigaw ni Sir Mateo.
Nakangiti at excited and dalawang dalaga na humakbang papalapit sa pinto habang si Yasmin ay tahimilk lamang. Sinundan nalang niya ang dalawa.
Pumasok na sila sa loob.
Napakaelegante ang loob ng bahay na may mga dekorasyon na gawa sa kahoy. May chandelier sa gitna at lampshades sa gilid. May mahabang sofa na kaharap ang isang napakalaking television na nagmumukhang cinema.
Lumibot ang mga mata nila at talagang namangha.
“Ang ganda ng rest house ni sir!” papuri ni Jetty na abot hanggang tenga ang ngiti.
“Kung ganito ang rest house ni sir, ano pa kaya ang talagang bahay nila.”
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomantikNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
