"Akin ka lang!" sabi ni Marga habang tinititigan niya si Xian na nasa sahig.
She smiled.
Tinatanggal niya ang belt ni Xian ng biglang may nag door bell.
Napalingon si Marga sa may pinto.
" Asar! Distorbo naman!" naiinis na bulong niya sa sarili.
Tumayo siya at pumunta sa may pinto para buksan ito.
Naroon si Mrs. Zita, ang auntie ni Xian na mula sa probinsya na may dala itong bayong na puno ng gulay.
Nakataas ang kilay ni Marga habang kaharap niya si Mrs. Zita.
" Sino po sila?" tanong ni Marga.
Napatingin rin si Mrs. Zita kay Marga from head to foot.
" Sino ka rin hija?
" Tinatanong ko po kayo. Anong kailangan nila?" mataray na pagtatanong ni Marga.
" Narito ako para bisitahin ang pamangkin ko na si Xian. Nariyan ba siya?" tanong niya.
Biglang naiba ang pakikitungo ni Marga sa bisita. " Aie, narito po siya sa loob auntie. Pasok po kayo!" inalalayan niya ang bisita.
Pagkapasok niya ay nakita ang binata sa sahig na natutulog. Napakarumi at makalat ang sala.
" Anong nangyari rito? May bagyo ba?" tanong ni Mrs. Zita.
" Wala po," nahihiyang sagot niya.
Pinuntahan agad ni Mrs. Zita ang pamangkin na nasa sahig. Napatanong siya kay Marga, " Sino ka ba hija?"
" Uhm, I'm his fiancee po auntie," pakikilala ni Marga na napakasweet magsalita.
"ahhh, ikaw pala ang mapapangasawa niya," sabi ni Mrs. Zita.
Dahan - dahang pinatayo at inalalayan ni Mrs. Zita si Xian.
" tulungan ko na po kayo," Marga said.
Sinagot naman siya ni Mrs. Zita, " okay lang, kaya ko ito!" Nakakamangha si Mrs. Zita. Napakalakas niya na parang isang lalaki. Nakaya niyang ilipat sa kwarto si Xian na walang kahirap - hirap. Talaga namang napakalakas niya. Siguro dahil sanay siya sa mga gawain katulad nalang sa bukid.
" Pwede kanang umuwi hija!" payo niya.
" po?" nabigla si Marga. " I will stay here po at aalagaan ko po si Xian."
" umuwi ka na at magpahinga," sabi ni Mrs. Zita.
Walang magawa si Marga kundi umuwi. Asar! Bakit pa siya dumating?
Kinabukasan.
Sumasakit ang ulo ni Xian. " Naparami yata ang nainom ko kagabi!"
Pumasok ang auntie niya na may dalang pagkain.
Nabigla si Xian ng makita siya.
" Auntie Zita?"
" Ako nga!" sagot niya.
" Kailan po kayo dumating?" tanong ni Xian.
" Kahapon"
" Ahhh, ganun ba."
" Nakilala ko na rin sa wakas ang mapapangasawa mo." sabi ni Mrs. Zita
" po? Narito si Marga?" napatanong si Xian.
Nabigla siya sa reaction ni Xian, " Bakit ka nabigla? Narito siya kagabi habang ikaw naman ay nakahiga sa sahig dahil sa kalasingan."
Walang naaalala si Xian sa mga nangyayari ng nalasing na ito.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Storie d'amoreNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...