Nasa restaurant na sila Arthur at Leo para mag lunch. Nakasuot sila ng shorts at polo na akma sa klima. Naiwan si Yasmin sa kanilang kwarto. Simula noong nangyari kanina ay walang kibo sina Arthur at Yasmin sa isa't isa." Uhm, sir sorry nga po pala kanina.." mahinahong sabi ni Leo sa katabing boss. Hindi pa sila nag-order dahil hinihintay pa nila si Yasmin na bumaba.
" Bakit ka nagsosorry?" tanong ni Arthur na medyo seryoso ang aura.
Akala ni Leo na may ginawang kababalaghan ang dalawa kanina dahil pareho itong nakatapis ng tuwalya." Iyon pong kanina.. Nadistorbo ko po kayo.." sagot ni Leo
Natawa si Arthur. " Anong nadistorbo!? Wala kaming ginawa! Mali ang iniisip mo. Nagkataon lang na ganoon. Nasa loob ng shower room pala si Yasmin," pagpapaliwanag ni Arthur. Napainum ng isang basong tubig ang binata at medyo pinapawisan.
" talaga sir?"
He nodded.
" Eh bakit napasigaw si Ms. Yasmin."
Nabigla si Arthur sa tanong ni Leo na nagpaalala sa kanya sa nangyari.
-------
Mag-isang nasa kwarto si Yasmin dahil nauna nang nasa restaurant ang dalawang binata. Si Yasmin ay di mapakali. Pabalik balik siya sa paglalakad na may iniisip. She's biting her own fingernail sa kamay." Wala.. Wala.. Wala kang nakita Yasmin. It's just.. Uhm.. Hindi mo sinasadya!" kinakausap niya ang kanyang sarili.
" haist! Ano ba! wala nga!" paulit ulit nitong kinakausap ang sarili.
Ilang beses na itong palakad lakad.
" No no no!! Huwag mo nang isipin iyon! Yasmin naman! Wala kang nakita!"
Nilakasan niya ang loob at pinipilit na paniwalaang wala siyang nakita. Kaya naisipan niyang bumaba na at pumunta sa restaurant.
------
Napa ubo si Arthur nang nabigla siya sa tanong ni Leo.
" Wala kaming ginawa Leo!" pagalit na sabi ni Arthur." Weh?" teased by Leo. Napangiti ito.
" Aba! Gusto mo ba na masisante?" hamon ni Arthur.
Paparating na si Yasmin sa mesa na medyo nahihiya. Nakadress ito na floral and sandals. Napatingin at napatigil sina Arthur at Leo.
"Sorry, ngayon lang ako," mahinang sabi ni Yasmin na nakayuko ang ulo at hindi makatingin sa kanila na nasa harapan. But gumaan ang loob niya ng makitang naroon si Leo at hindi lang sila ni Arthur. It will be an awkward moment kung wala si Leo. Ano kaya ang feeling?
"Mag-order na po tayo," wika ni Leo.
Ngumiti si Arthur kay Leo na para bang may ipinapahiwatig.
" Sige mag-order na tayo, " sabi ni Yasmin na mukhang binabalewala kung ano man ang nangyari.
Siniko ni Arthur si Leo at bumulong, " doon ka muna kumain sa kwarto mo."
" ahh, opo," sagot nito. Hindi nagdalawang isip si Leo na sundin ang boss niya. Tumayo ito sa may mesa at nagpaalam.
" Uhm, sir, miss, maiwan ko muna kayo.."
Napatingin si Yasmin at nabigla ito. " teka.."
" okay!" sagot ni Arthur na seryosong nagbabasa sa menu.
"bye!" pabulong itong nagpaalam.kay Yasmin na nakangiti. " yiee!"
Walang magawa si Yasmin na maiwan na kasama si Arthur. Gusto rin niyang umalis, " uhmm.."
Pero napansin ni Arthur ang kakaibang kilos ni Yasmin na mukhang aalis. " Dito ka lang!"
" huh?"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Любовные романыNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...