Umiiyak sa ladies room si Yasmin pagkatapos nilang mag-usap ni Odette. Umalis na rin si Odette sa restaurant. Pinuntahan agad nila Mia at ng kaibigan niyang si Danessa si Yasmin sa ladies room.Humahagolgol si Yasmin. Walang tigil sa pagtulo ng kanyang luha. Ano kaya ang nangyari?
"Yasmin!" pag-alala ni Mia sa kaibigan at nilapitan niya ito agad. Niyakap ni Mia si Yasmin at ramdam niya ang pighati ng dalaga.
"Anong nangyari? Anong sinabi niya?"tanong ni Mia. Napatanong siya kung ano ang pinag-usapan nila ng babae kanina.
Nagpatuloy sa pag-iiyak ni Yasmin at napasandal ang ulo nito sa balikat ni Mia. Inaalalayan naman niya ang kaibigan.
"Eh, sana hindi nalang kami umalis!" Naasar na wika ni Mia. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Yasmin.
"Okay ka lang ba? May ginawa ba siya sa iyo?" tanong rin ni Danessa.
"Haist! Bakit ba nagpakita ang babaeng iyon?
Galit pero nag-alala si Mia."Wala siyang ginawa sa aking masama.."sagot ni Yasmin.
"So anong nangyari?"
Yasmin's pov
"Sorry Mia, hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dahil baka mapahamak ka rin." Bulong ng isip ko. "Kailangan magbayad muna siya!"Flashback
"Sige, iwan muna namin kayo.."paalam ni Mia sa akin at kay Odette.Iniwan nila kaming dalawa para mag-usap. Umupo si Odette na kaharap ko na napakaseryoso ng mukha. Kinabahan tuloy ako. Bakit ba niya ako gusto maka-usap? Talagang pinuntahan niya ako rito mula Pinas.
"May dapat kang malaman!""Tungkol saan?"
"Hindi ko alam kung alam mo na ba.."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Tungkol ito kay Marga.. at alam kong kilala mo siya!"
Mas kinabahan ako ng marinig ko ang pangalan ni Marga. Ano kaya ang tungkol sa kanya?
"Kilala ko siya! Bakit? Anong tungkol sa kanya?"
"Nabalitaan ko na engaged na kayo ni Sir and congratulations!" Bati niya sa akin.
"Anong tungkol kay Marga!?" Mas-na curious ako.
Natahimik siya saglit bago nagpatuloy.
"Alam mo na ba na may relasyon sila noon? Si Marga at ni boss!"Hindi na bago ang balitang iyon kaya hindi na ako nabigla.
"Alam ko at tapos na sila. Nakaraan na iyon kaya let's move on."
"Ahh, mabuti naman at alam mo." Napangiti si Odette.
"Iyon lang ba ang sasabihin mo?"
"Ang totoo, narito ako para balaan ka.."
"Huh? Ano!?"
Biglang nanginig ang buo kong katawan. Nakaramdam ako ng takot na di ko maintindihan."Para saan?"
"Si Marga, gusto niyang maging reyna!"
"Huh? Reyna? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan tuloy ako.
"Para maging reyna, gusto niyang mapasa kanya ang hari! At gagawin niya ang lahat para mabalik iyon!"
"Hari? Ang ibig mo bang sabihin.. si Arthur?"
"Tama!"
Nabigla ako. Si Marga na naman! Hindi ba niya ako titigilan.
"Nakakaasar na siya. Lahat ba na nasa akin ay kukunin niya!" Galit kong sabi. Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomantikNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...