Nagsusuklay si Yasmin habang nakaupo sa harap sa salamin. Iniisip niya ang mga sinabi ng asawa at ang pagpayag niya na walang dapat makaalam na sila'y mag -asawa.
"Ano ba ang binabalak ni Arthur? Bakit ayaw niyang may makaalam? Dahil ba sa gusto kong maging ordinaryong empleyado? O di kaya naglalaro na naman siya? Hmmp! Baka gusto lang niyang humirit sa mga bagong empleyadong magaganda at sexy!"
Inilagay niya ang suklay sa mesa at seryosong tinitigan ang mukha sa salamin.
"Gusto mong makipaglaro? sige maglalaro tayo! Taguan ng asawa!"
Pumasok na sa kwarto si Arthur at nilapitan si Yas sa may salamin. Tumayo ito sa likuran ng asawa.
"Ready ka na ba?" bulong ni Arthur.
Binigyan niya ng ngiti si Arthur.
May kinuha si Arthur sa kanyang bulsa, isang kwentas. Mas lumapit ito kay Yasmin at isinuot ang kwentas sa leeg ng asawa.
Nagulat si Yasmin sa kwentas. Sa kwentas naroon ang singsing niya na itinapon niya noon sa hospital.
"Arthur.."
"Huwag mong kalimutang isuot ang kwentas na ito.." utos ni Arthur.
Napatingin si Yasmin sa mukha ni Arthur sa salamin. Napakaseryoso ng mukha nito na may halong kalungkutan.
"Maghihintay ako..." bulong ni Arthur.
Anong ibig niyang sabihin? Maghihintay si Arthur na isuot ni Yas ang singsing at makita sa daliri nito.
--------
"Heto na po ang sampung empleyado sir! Plus isa pala na manager, kaya 11," ani ni Leo na ibinigay ang listahan ng nakapasa at hired na.
Inisa - isa ni Arthur ang lahat. "Okay, tama na ito."
"Sinunod namin ang sinabi ninyong kaunti lang mga lalaking ihire at dapat hindi gwapo o matipuno."
"That's good!"
"Tama na itong tatlo!"
Nagtataka si Leo sa mga nangyayari kaya napatanong ito, "Sir, sure po ba na hindi natin ipapaalam sa kanila na asawa ninyo si Madam Yasmin?"
"Shhh.. manahimik ka nalang Leo at sumunod," pangiti - ngiti lang si Arthur.
"Okay sir!"
"By the way, kumusta iyong ibinigay ni Odette tungkol sa kaso ni Marga?"
"Naibigay ko na po kay Attorney.."
"Okay!"
-------
Labing - isa ang nahire sa kompanya ni Arthur. Isa na roon si Yasmin. Excited si Yasmin sa panibagong simula.
Babae ang manager na medyo strict. Bago rin siya sa kompanya at isang widowed. Siya si Mrs. Maddie.
Naroon si Mrs. Fox na nag - orient sa lahat. Siya ay isa sa mga matagal ng manager sa ibang branch at kilala niya si Yas pero sinabihan na siya ni Arthur. Nagpanggap nalang ito na di siya kilala at nagpatuloy sa pag - orient sa kanila.
Nilibot nila kasama si Mrs. Maddie ang buong gusali. Medyo maliit lang ito kumpara sa ibang mga branch. Malayo talaga ito sa dati.
Naka-assign sila sa tig -iisang mesa. Bakas sa lahat ang kagalakan. Mukhang magkakasundo sila dahil kaunti lamang sila.
Sabay - sabay silang kumain ng tanghalian sa munting kainan sa gusali.
Tatlo ang mga lalaki, isang medyo bata na si Justin; matabang lalaki na si Ford at isang payat na nerd na si Kyle.
Ang katabi ni Yas ay isang weird nerd na girl, si Sam. Ang matabang babae ay si Fatty at ang ordinary girl na si Jessie. Ang dalawa na medyo sosyal at palaging naka- make up ay sina Agatha at Rizma. Si Lin naman ay ang mukhang matapang pero marupok naman.
Habang kumakain ay nag- uusap sila. Nagkwekwentuhan sila tungkol sa buhay nila. Getting to know each other.
"Ako, pangarap ko talagang makatrabaho!!" ani ni Jessie..
"Ako naman, pangarap kong magkaroon ng tunay na pag - ibig. Iyong may forever!" wika naman ni Lin.
"Bakit ka ba parati hinihiwalayan Lin?" tanong ni Jessie.
"Ewan ko ba, bigo ako parati sa pag - ibig! Ang malas ko talaga!" Huhu!" paiyak iyak mode ito.
"Haist! Kailangan mong magchange style gurl!" payo ni Rizma na tapos ng kumain at nagreretouch na ito.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
