Napabuntong - hininga nalang si Yasmin na bumalik sa mesa niya.
"Anong nangyari sa iyo? Bakit napabuntong - hininga ka?" tanong ni Jess na nagtataka.
"Nothing.." pangiti -ngiting sagot ni Yasmin.
Dumaan si Rizma at mukhang nainis. "Haist!"
Napansin rin iyon ni Jess, "Anong nangyari rin sa kanya?"
Napalingon si Yasmin sa may opisina ni Arthur. Tahimik lang itong napatingin roon. In her mind: "Magagalit ka ba kung hindi ako ang pumunta, Arthur?"
Napabuntong - hininga rin si Arthur sa loob ng opisina niya. Nakatayo ito at nakadungaw sa bintana.
In his mind, "Galit ka ba? Bakit ayaw mong humarap sa akin? Akala ko ba okay na..."
Flashback..
Nasa kusina si Yasmin ng sundan siya ni Rizma.
"Ako na Ms. Yas.. di ba may tinatapos ka pa? Concern lang ako sa iyo.. ako na ang gagawa ng kape ni sir!" pangiti - ngiti nitong pagsabi ng kanyang mungkahi.
"Ako na!" ani ni Yas.
Nagpatuloy sa paggawa ng paboritong kape ni Arthur. Nanood muna si Rizma at hinintay niyang matapos si Yasmin. Amoy palang ng kape ay talagang napakasarap na.
Nang natapos na ito, hinawakan ni Rizma ang saucer at sinabing, "Okay lang sa akin Miss Yas. Ako na ang maghahatid."
Ngumiti si Yasmin at sinabing, "Ako na. Huwag kanang mag-abala. Nakakahiya naman sa iyo."
Pero namimilit talaga si Rizma, "Ako na!" pangiti - ngiti rin naman siya.
"Ako na!"
Nag -aagawan na sila sa kape at kung sino ang magdadala sa boss.
Hanggang dumating si Justin, "Ako na po ang magdadala para matapos ang inyong problema."
Nagulat ang dalawa at hindi na nakapalag ng kinuha na ni Justin ang tasa. Pumunta na agad ito sa opisina ni Arthur.
Nakaupo na si Arthur sa kaniyang silya at hinihintay na niya ang kape nito. Excited na siya na makita si Yasmin pero nabigo ito.
"Good morning sir!" nahihiyang bati ni Justin na nasa may pinto.
Nagulat si Leo nang hindi si Yas ang pumunta. Patay! Lagot ka kay sir.
"Sir, narito na po ang kape ninyo!"
"Hm?" biglang kumunot ang noo ni Arthur at napatingin kay Leo. Napayuko agad si Leo ng matatalim na tingin ang ibinigay ng boss niya sa kanya.
"I change my mind! Ayoko pala ng kape ngayon!" wika ni Arthur at pinaikot niya ang upuan patalikod sa kanila.
"Po?" gulat na reaction ni Justin.
"You can drink it!"
End of flashback..
Umulan ng napakalakas. Tila galit ang kalangitan at bumuhos ito ng maraming tubid sa lupa.
Napapasulyap si Yasmin sa opisina ni Arthur. Habang nakatingin roon ay hinahawakan niya ang kanyang kwentas na may singsing.
"Hindi siya lumalabas sa opisina niya.."pabulong na sabi ni Yas sa sarili. Si Jess na malapit sa kanya ay napansin pala na nakatulala ito at nakatingin sa opisina ng boss nila.
Napatanong ito ng pabulong kay Yas, "Sinong hindi lumalabas, si sir bah?"
Napatango lang si Yas na walang kamalay malay.
Napatukso si Jess sa kanya, "Huwag mong sabihin na crush mo rin ang boss natin?"
"Crush?" Nagising si Yas at agad tumanggi. "Huh? Ano? Mali ang iniisip mo!"
"Oie, namumula siya! Ayiee!"
"Tumigil ka nga!" sermon ni Yas na medyo nahihiya.
-------
Uwian na pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Ibinuka na nila ang kanilang mga payong. Mag - isa sa kaniyang payong si Agatha kaya sumukod si Rizma kay Kyle. Si Sam ay may dalang raincoat. Si Lin ay sumukob kay Ford. Tumakbo ng mabilis si Justin at hindi na iniisip na mababasa siya.
Nakalimutan nila Jess at Fatty ang kanilang payong sa bahay.
"Naku naman, bakit ngayon pa kung kailan naiwan ko ang payong ko!" ani ni Jess na nagsisisi.
"Ako rin.. " sabi ni Fatty na napapahawak sa tiyan nito.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
