Chapter 9.1

1.1K 24 0
                                    


Nagkaharap sina Xian at David malapit sa may hagdan kung saan nanggaling si David.
Napakaseryoso ng mukha ni David. Nagpipigil sa kanyang nararamdamang inis.
" Haist! Nagmamalinis ka rin pala!!"

" Ano?" nakakunot noong tanong ni Xian.

" May tinatago ka rin pala..." pahapyaw na sabi ni David.
" Anong sabi mo!?" astig na sabi ni Xian na nakataas noong humarap kay David.

" Gusto mong sabihin ko ano ang alam ko?" hamon ni David.
Medyo nababahala si Xian pero hindi niya ito ipinahalata.

Natawa si David.
" Loko mo rin noh!? Eh, sinasabi mo pa na huwag kong gagalawin si Yasmin.. Eh, gusto mo rin palang galawin siya!!"

Nagpipigil si Xian sa kanyang galit. Gusto na niyang suntukin si David pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

" Hindi ko akalain.. magagawa mong traydurin ang fiancee mo! Nakipags*x ka sa kaibigan niya!!" inaasar ni David si Xian.

Sa itaas, nakikinig lamang ang tagapagluto sa kanilang dalawa.

" Well, nauna ako sa iyo!!" confident na sabi ni David.
Hindi alam ni David na alam ni Xian na pagpapanggap lamang ang lahat.
" So you lost Xian!" sabi ni David na nakangiti.
Ngumiti rin si Xian. " Talo na kung talo.. basta ang mahalaga ay natikman ko siya!" seryosong sabi ni Xian para asarin lamang si David. But it was all a lie.

Medyo naasar si David. Alam ni David na wala namang nangyari sa kanila ni Yasmin. " Ang galing mo! So ano ang plano mo?"

" huh?"

" Nakipagrelasyon ka sa iba at paano na si Marga? Hindi mo sasabihin?" tanong ni David.

Natahimik si Xian.

" Gusto mo tulungan ko kayo?" pabirong sabi ni David.
Lumapit kunti at hinarap si David. Pabulong na sabi niya sa harapan ni David, " Sige subukan mo, baka gusto mo pang dagdagan ang mga pasang yan!"

" chillax Xian.. Umuusok ka na!! Huwag kang mag -alala, hindi sa mga bibig ko magmumula ang tungkol sa relasyon ninyo.. Bahala na kayong dumiskarte kung paano niyo sasabihin!! Payo ko lang mag-ingat kayo!!"

Nabigla si Xian sa kanyang narinig na mula kay David.

Lumakad paalis si David sa kinatatayuan niya. Hindi naman gumalaw si Xian sa kinatatayuan niya.
Hindi pa nakakalayo si David kay Xian, nakaharap ni David si Marga.

" Nag - uusap ba kayo?" curious na tanong ni Marga.
Nagulat si David pagkakita kay Marga. Lumingon naman si Xian kung saan naroon sina Marga at David.

" Anong pinag - uusapan ninyo?"

" Hala! Dumating iyong isang babae!!" sabi ng tagapagluto sa sarili habang nanonood mula sa itaas.

" Ako ba?" tanong ni Marga na medyo paranoid.
Sumagot si David, " bakit ka naman namin pag - uusapan?"

" Well, nagtatanong lang.." paliwanag ni Marga na nakataas ang isang kilay nito. Seryoso itong nakatingin kay David.

Napatawa si David.

" Anong nakakatawa?" naiinis na tanong ni Marga.

Lumapit si Xian at nagtanong, " may narinig ka ba honey?"

Sumagot naman si Marga, " wala naman. Curious lang ako sa inyong kilos. Napakaseryoso ninyo!!"

Gumaan ang pakiramdam ni Xian sa kanyang nalaman na hindi niya sila narinig. Hindi narinig ni Marga ang pag - uusap nila pero napansin lang niya ang tensyon ng dalawa mula sa malayo kaya nilapitan niya ito.

--------
Nakauwi na sila.
Inalalayan ni Marga si Yasmin at si Xian naman ay nakasunod sa kanila. Hindi naman agad umalis sa yacht si David at hinintay niya na makaalis silang tatlo.
Pinuntahan niya ang capitan pati ang tagapagluto at sinabihan, " huwag ninyong guguluhin si Yasmin. Kung may gagawin kayong hindi maganda sa kanya, humanda kayo!"

" haist!" naasar ang capitan.
Wala namang magawa ang tagapagluto.

Sa malayo, tanaw ni David silamg tatlo at sinabing, " Yasmin, mag - ingat ka.. Hindi mo alam ang mga tao sa paligid mo!"

-------------
Lumipas ang isang araw. Bumalik na sa dati ang sigla ni Yasmin. Kinalimutan muna niya ang mga problema. She's at home at nag - babake ng cake. Bakas sa kanyang mukha ang saya. Gusto lang niyang maging masaya.

Balik work naman sina Marga at Xian. Medyo mainitin ang ulo ni Marga. May dalaw ba? But naiirita siya agad kahit wala siyang period.

Naalala niya kung paano niyakap ni Xian si Yasmin at sinabing siya ay nasa tabi lang niya parati. Ano ang ibig sabihin ni Xian?

"Nakakainis!!" naiiritang sabi ni Marga. Dahil sa kanyang inis, ang hawak niyang lapis ay naputol niya. Pagkatapos ay itinapon niya ito.
" Asar!! Bakit ba niya sinabi yun!!? Bakit gan'un siya maka - comfort at mag - alala!!"  bulong ni Marga sa sarili.

------
5:00 log out!!
Dali - daling umalis sa office si Marga. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at lumabas sa office niya.
Napansin ni Odette na nagmamadali si Marga. Pinagmasdan niya ito haggang makaalis sa office. She was curious. Napakatalas ng paningin ni Odette. Tinititigan niya talaga si Marga.

--------------
At Yasmin's unit.
Natapos na rin ang cake na ginawa niya. She was excited. It's a chocolate moist cake.
Inilabas niya ito sa oven at inilagay sa lalagyan.

Biglang may nag bell.
Ding dong!!

Napalingon si Yasmin sa pinto.
" Sino kaya ang dumating?"  napatanong sa sarili si Yasmin. " wala naman akong pinapunta rito at inimbita?"

Dahil sa pagtataka, pinuntahan niya ang pintuan.
" ding dong!!
Ilang beses tumunog ang door bell.

Binuksan ni Yasmin ang pinto.

" Teka lang! Anong kailangan nila?" sabi ni Yasmin na nakayuko pa.

At nang humarap na si Yasmin, laking gulat niya!

" Xian?"

Napakaseryoso ng mukha nito.

Pumasok si Xian sa loob. Napaatras naman si Yasmin. Hindi niya inaasahan na darating si Xian.  He closed the door.

" Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yasmin. Kinakabahan si Yasmin dahil baka darating si Marga at makita silang magkasama.

Napangiti si Yasmin na medyo nahihiya.
" Napadalaw ka?" tanong niya.

Ngumiti si Xian. " Nag - aalala ako sa iyo kaya narito ako.. Di ba sabi ko, I will be with your side always!!"

Namumula si Yasmin. Ang lakas ng kabog ng dibdib nito na parang sasabog sa kilig. Kinikilig ito ng wagas hanggang buto.
And..
Hinawakan ni Xian ang chin ni Yasmin at pinataas niya ito para halikan ang mga labi ng dalaga.

He kissed her!
Pagkatapos, hinawakan niya ang mga pisngi ni Yasmin  para mas mahalikan niya ng todo!

They were kissing intimately.

----------
To be continued.

Drop your reactions po. Slmt.
Reply box lng po tayo!!

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon