Chapter 6.2

1.2K 22 0
                                        


Natutulog si Xian sa kanyang kwarto. Mahimbing siyang nakahiga sa kanyang kama. Wala itong saplot sa pang itaas at nakakumot lamang.

Nagising siya ng may nagdoorbell.

Ding dong!

Dahan - dahang minulat niya ang kanyang mga mata. It was Saturday and still 6:00 in the morning. Bihira lamang siyang gumising ng maaga pag weekends.

Ding dong!

" Sino naman 'yan.?" mahinang sabi ni Xian.

Bumangon ito at kinuha ang sando na nasa upuan.

Inaantok pa siya at humihikab pa sa antok. Pinunasan muna niya ang mukha nito bago pumunta sa sala.

Ding dong!

"Ang aga naman!" nagrereklamong sabi ni Xian.

Binuksan niya ang pinto.

Naroon si Marga.

" Good morning Honey!" nakangiting bati ni Marga.

Medyo hindi inaasahan ni Xian si Marga. " Ang aga mo yata ngayon?"

Pumasok si Marga. May dala itong paperbag.

" Gusto ko kasing sabay tayo mag - almusal. Kaya nag - order na ako ng pang breakfast." sabi ni Marga habang papunta sa kitchen.

Agad niyang inayos ang hapag kainan at inilagay ang pagkain sa plato.

" Nag - order ka pa. Pwede naman tayong magluto rito, " suggestion ni Xian.

" Honey, alam mo naman na hindi ako gaanong marunong magluto," paliwanag ni Marga.

" Edi ako ang magluluto!" Xian said.

Ngumiti si Marga, " aie, ang sweet naman!"

Lumapit ito kay Xian.

" I love you honey!" sabi ni Marga sabay halik sa labi ni Xian.

Pagkatapos ng isang halik ni Marga, pumunta si Xian sa may mesa.

" Tara, kain na tayo," umupo agad ito.

------

Nakipagkita si Odette kay Bert. Seryosong nag - uusap silang dalawa sa isang cafe.

" Mamayang gabi, I will deposit into your account kapag nagawa mo na ang pinag - uutos ko," seryosong sabi ni Odette.

" Sure, no problem!" sagot ni Bert.

-------

Naglalakad sina David at Yasmin. Napakaformal si David habang naka off shoulder na blouse at skirt si Yasmin.

" Totoo bang No boyfriend since birth ka?" tanong ni David.

" huh?"

Napatigil silang dalawa sa paglalakad.

" Uhm.." hindi makasagot si Yasmin sa tanong ni David. Nahihiya si Yasmin.

" Huwag kang mahiya," payo ni David at hinawakan nita ang kamay ni Yasmin. Napatingin si Yasmin sa kamay ni David na hawak ang kamay nito.

Seryosong nakatingin si David kay Yasmin, " Why don't you try? Let's try it?"

Nabigla si Yasmin. She pulled back her hand.

" Uhm kasi.."

" Let's try it. If hindi magwork out, we will stop," he said.

Dahan - dahang hinawakan ulit ni David ang kamay ni Yasmin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Hindi niya ito maintindihan.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon