Nagkatinginan sina Yasmin at Arthur na pawang nabigla sa pagkikita.Yasmin's pov
Di ba siya iyong boss ni Marga? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?Arthur's pov
Anong ginagawa niya rito? Bakit ganyan ang damit niya? Nagtratrabaho ba siya rito sa bar?Nagsalita si Kevin, " Tingnan mo Arthur kung ano ang ginawa niya? Marumi na tuloy ang polo ko at sapatos ko!"
Hindi pa rin maalis ang tingin ni Arthur sa dalaga. Nagpatuloy sa pagsasalita si Kevin para kunin ang panig ni Arthur, " Bago ko pa nabili ito at napakamahal pa.. Kaya.."
Mashinigpitan niya ang hawak sa braso ni Yasmin. Nasasaktan tuloy si Yasmin sa pagkakahawak niya.Napapasingkit ang mata ni Yasmin dahil sa sakit, " Aray!"
" Dapat mo itong bayaran!!"
Umaapoy sa galit at pagnanasa ang nasa mata ni Kevin na nakatingin kay Yasmin.Walang magawa ang manager nila at hindi alam kung paano awatin si Kevin na isa nilang VIP costumer.
Biglang, " Tama na iyan Kevin!" pagpigil ni Arthur sa kaibigan. Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Kevin na nakahawak kay Yasmin.
" Arthur, kailangan niyang bayaran ang ginawa niya sa akin!!"
Mas hinigpitan niya ito.. " Aray! Nasasaktan ako!!" sabi ni Yasmin.
" Tama na iyan! Ang sabi ko tama na iyan!!" pasigaw na sabi ni Arthur. Hinablot niya agad ang kamay ni Yasmin na hinahawakan ni Kevin. Nabigla si Kevin.
" Arthur!"
Nagulat si Yasmin. Napatingin ito sa binata. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur na nakaharap kay Kevin.
" Anong ginagawa mo?" tanong ni Kevin na takang - taka.
" Magkano ba dapat niyang bayaran?"
" huh?"
Nabigla silang lahat sa tanong ni Arthur." Teka Arthur.." natatawa si Kevin na para bang hindi makapaniwala. " Nagbibiro ka di ba?"
Kinuha ni Arthur ang kanyang wallet na nasa pocket niya. Binuksan niya ito at nagbilang ng bills sa wallet nito.
Nakatingin sila kay Arthur." Gosh. Anong ginagawa niya?" bulong nila ni Jazzy.
" Kumukuha siya ng pera.."
Arthur suddenly showed the bills, " Heto Kevin, kasya na ba ito?"Nagulat sila Jen at iba pa..5 thousand dollars!??"
Hindi talaga makapaniwala si Kevin. Ano ang dahilan ni Arthur ay bakit niya ginawa ito?
Nabigla si Yasmin sa nakitang pera na ipinakita niya kay Kevin.
" haist!:
Sa huli'y natawa si Kevin at natuwang tinanggap ang pera na ibinigay ni Arthur. "Okay na ito!" Binilang niya ito sa harap ng marami at ginawang pamaypay.
" Teka, bakit mo siya binigyan!?" naiinis na tanong ni Yasmin.
Tiningnan lamang ni Arthur si Yasmin habang sinesermonan siya.
" Hindi mo dapat siya binigyan!! Siya ang may kasalanan!!" galit na sabi ng dalaga habang tinuturo si Kevin. But mukhang hindi nakikinig si Arthur sa kanya." Huwag mo na siyang guguluhin Kevin! Bayad na siya!" sabi ni Arthur at umalis na ito sa kanyang kinatatayuan.
" okay, basta ikaw Arthur!!" nakangiting sumagot ito at sumunod na ito kay Arthur paalis sa lugar.
Hindi gusto ni Yasmin ang ginawa ni Arthur para sa kanya.
Nakalabas na ng bar sila Kevin at Arthur. Nagpatuloy ang mga sa kanilang mga ginagawa. Nilapitan naman ni Jazzy, Jen at Mia si Yasmin.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...