Pinuntahan ni Xian sa ospital si Marga sa pakiusap ng tita Zita niya. Habang naglalakad sa pasilyo patungo sa kwarto ni Marga, naiisip niya ang mga sinabi ni Tita Zita nito."Xian, kailangan mong dalawin si Marga. May sakit siya. Nasa ospital siya dahil may cancer ito. Gusto ka raw niyang makita sa lalong madaling panahon."
Dahan - dahang binuksan ni Xian ang pinto ng kwarto. Sa pagpasok niya ay naroon sa kama si Marga. Nakasandal ito sa unan niya sa may headrest ng kama. May turban siya sa ulo na di na makita ang kintab ng buhok niya di gaya noon. Ibang iba na ang aura niya. Ang mukhang makapal ang makeup ay maputla na ngayon. Matamlay na siya na kitang - kita sa kanyang mga mata.
Napatingin si Marga kay Xian. Hindi siya makapaniwala na makikita pa niya ito. Tumulo ang kanyang luha habang minamasdan ang dating asawa na papalapit.
Hindi alam ni Xian kung paano niya babatiin si Marga. Alam niyang maraming nagawang kasamaan at kamalian noon si Marga sa kanila at kung hindi dahil sa pakiusap ng tita niya, hindi siya pupunta.Naunang nagsalita si Marga, "Kumusta ka na?"
Hindi sumagot si Xian kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Marga. " Nabalitaan ko ang nangyari. Hindi ko inaasahan na makikita pa kita. Akala ko talaga na patay ka na, mauuna pa yata ako." Biro ni Marga.
"Bakit mo ako gusto makita? Para saan pa?" Seryosong tanong ni Xian.
Natawa si Marga. "Ano ka ba! Hindi ba pwedeng makita ka?"Diretsahang sinagot ni Xian si Marga. "Alam mo naman na marami kang ginawang kasamaan. Kaya dapat alam mo kung bakit hindi ko gustong makita ka!"
"Sorry.. sorry Xian.." mahinang sabi ni Marga na medyo nakayuko ang ulo.
Nagulat si Xian sa narinig nito. Nakakakilabot kapag naririnig niya ang paghingi ng sorry ni Marga na tila hindi bagay rito.
Inangat ni Marga ang mukha at direktang tumingin kay Xian. Paulit - ulit siyang humingi ng kapatawaran. "Sorry.. sorry kung nasaktan ko kayo. Sorry dahil sinaktan kita. Sorry dahil sa mga ginawa ko nagkahiwalay kayo ni Yasmin.."
"Wala ng magagawa ang mga sorry mo. Nangyari na ang lahat.." Huminga ng malalim si Xian tila nagpipigil sa tunay na sama ng loob.
"Minahal kita Xian. Mahal kita pero sadyang napakasama kong babae na kahit kaibigan ko, sinaktan ko rin.."
"Tapos ka na ba? Aalis na ako.." ani ni Xian na tumalikod na at humakbang patungo sa pinto.
"Teka lang Xian! Makinig ka muna.."
Napatigil sa paghakbang si Xian at nakinig na ito kahit hindi ito lumingon.
"Masaya ako na naging bahagi ka sa buhay ko. Masaya ako dahil nakilala kita. Alam ko na di mo ako mapapatawad, pero hihingi pa rin ako ng kapatawaran sa inyo hanggang sa huli kong hininga. Sana mapatawad mo ako."
Pagkatapos magsalita si Marga ay humakbang na paalis sa kinatatayuan si Xian na di man lang lumingon. Napaiyak nalang si Marga na bakas ang pagsisisi. Naranasan na niyang mag-isa sa kulungan ng ilang taon at ramdam pa rin niya ang kalungkutan hanggang ngayon.
Nakasakay sa kotse sina Yas at Arthur. Hindi pa nakakauwi ang mag-asawa nang may biglang tumawag kay Yasmin. Sa pag-uusap nila sa cellphone ay nagulat ito sa kanyang nalaman.
"Ano? Nasa ospital si Marga?" Gulat na reaksyon ni Yas na hawak ang telepono. Narinig ni Arthur na nasa tabi niya ang mga pag-uusap nila.
"Anong nanyari? May ginawa na naman ba siya?" Pag-aalalang tanong ni Arthur na nakakunot noong nakaharap sa asawa."Si Marga, nasa ospital daw.."
Kahit labag man sa kalooban ni Arthur na pumunta sila roon, mapilit si Yas na makita ang dating kaibigan. Sinamahan ni Arthur ang asawa papunta sa kinaroroonan ni Marga. Iniisip nito na baka may gawin itong masama o may binabalak kay Yas.
Magkasama ang dalawa na pumunta. Nakasakay pa rin sa wheelchair si Arthur na tulak-tulak ni Yasmin. Kumatok muna sila bago pumasok.
Dahan - dahang binuksan ni Yas ang pinto. Pagpasok nila ay nakita nilang nakahiga si Marga sa kanyang kama. Nakita naman agad sila ni Marga pero hindi na ito bumangon."Kayo pala Yasmin.."
"Marga.."
Awa ang nangingibabaw kay Yas na kahit marami ng nagawang kasalanan si Marga sa kanya. Kung pwede lang tawanan siya pero hindi niya magawa. Napaluha lang siya habang minamasdan ang dating kaibigan na nakahiga."Pinagtatawanan mo na ako Yasmin? Tumawa ka lang.. I deserve that. Isumbat mo sa akin lahat at pagalitan. Sabihin mo na buti nga sa iyo. Karma ko na ito!" Nagmamatigas si Marga na tila pinipigilan ang mga luha.
"Marga.."
Natawa si Marga na makita ang dalawang magkasama. "Kayo pala talaga ang nagkatuluyan." Nakangiti at napapatawa si Marga na naluluha.
"Congratulations! Nagwagi ka Yasmin..""Ano bang pinagsasabi mo Marga?"
"Nagwagi ka sa dalawang lalaki. Ikaw na! Ikaw na ang pinag-aagawan nila."
"Hindi ko ginusto ang lahat ng ito..."
"Kahit noon pa Yasmin, naiinggit na ako sa iyo. Di ko maintindihan kung bakit ang dali nilang mahulog sa iyo eh hindi ka naman maganda noon. Isa kalang simpleng babae at ako naman ay sikat sa ating paaralan. Ano bang meron ka na wala ako? Paano mo nagagawang kaibigan lahat kahit sinasaktan ka nila? Bakit ang bait mo? Bakit ganyan ka?"
"Bakit? Dahil ito ako. Pinapakita ko lang kung ano ako."
"I should be the perfect one! Bakit ikaw naging perfect? Sa mata nila ikaw ang perfect!" Diin ni Marga.
"I'm not perfect Marga. Hindi ako perpektong tao. Nagkakamali rin ako."
"Yasmin..." Sambit ni Marga na patuloy ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi.
Nagsalita ulit si Yasmin, "Nagpapasalamat ako sa iyo at marami kang naitulong sa akin. Tinulungan mo ako na maging matapang kahit noon pa noong bata pa tayo. You changed my looks at pinaganda para mabuild ang confidence ko. Nariyan ka noong kailangan ko nang kausap noong nasa abroad ako. Game na game ka na magpuyat makausap lang ako. Ikaw ang bestfriend ko at alam mo iyon di ba. Marami tayong pinagdaan noon pero ang pinakamalala sa lahat ay saktan ako ng kaibigan ko. Masakit para sa akin.."
"Sorry.."
Nagulat sila sa narinig mula sa bibig ni Marga. Hindi sila makapaniwala na hihingi siya ng tawad.
"Patawarin ninyo ako. Napakasama ko. Ang lahat ng kamalasan sa buhay ko ngayon ay ang bunga ng kasamaan ko. Kaya tanggap ko na ang kapalaran ko."
"Marga.."
Natawa si Marga at napapikit ang mga mata habang nagkwekwento.
"Kung hindi ka pumunta rito at bumalik Yasmin, magkikita kaya kayo ni Xian? Kung hindi ikaw ang maid of honor ko, may chance kaya kayong maging close?"Tahimik lamang na nakikinig ang dalawa.
"Kung hindi namatay ang anak mo, maghihiwalay kaya kayo ni Xian? Kung hindi kayo nagkalayo ni Xian at hindi ka bumalik sa abroad, magkikita kaya kayo ni Arthur? Mamahalin mo kaya siya?"Napatingin sila Arthur at Yas sa isa't isa.
"Kung hindi ko pinalaglag ang anak mo Arthur at sinabi ko ang totoo, tayo kaya ang sa huli? Ako kaya ang mamahalin mo?"
Hinawakan ni Arthur ang isang kamay ni Yasmin habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig nito.
"Kung hindi nangyari ang mga ito, magkaibigan pa kaya tayo, Yasmin? Magiging masaya kaya tayo?"
Nagsalita na rin si Arthur. "Ang mga nangyayari ay may dahilan. Kung ano man ang nangyari it's your choice. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Desisyon mo noon na gawin ang mga bagay na iyon. Ang bawat desisyon, may katumbas itong kahinatnan mabuti man o masama. Hindi perpekto ang buhay subalit maaari mo itong gawing perpekto kung gagawin mo lang ang tama."
Dagdag ni Yas, " Hindi lahat naman ng tama, perpekto na, basta mahalaga ay masaya ka. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan, ang magagawa lang natin ay magbago pata sa sarili mo at sa iba."
Napatitig si Yasmin sa asawa na napakaseryoso ng mukha. Napapaisip siya sa mga sinasabi nito kanina.
"Tama, tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. We make choices, we make decisions.. at ang desisyon ko ay makasama ang asawa ko habambuhay."
Cut.
A/N. Tuluyan n bang mapapatawad nila si Marga? Kayo, patatawarin ninyo siya?
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...