Chapter 59.3

488 21 0
                                    


Naglalaro sina Aya at Lenard ng bahay-bahayan sa sofa. Dala ni Aya ang doll nito na ginawa nilang baby. Pinapanood naman sila ni Peter habang masayang naglalaro. Si Sissy naman ay nililigpit ang ilang gamit na nakakalat.

"Ate Sissy, matagal pa bang bumalik si Mommy?" Tanong ni Aya na napatingin sa orasan na nasa dingding.

Napatigil sa ginagawa si Sissy habang nakatingin sa bata. Alam niya ang mga plano ni Sir Arthur na pagsorpresa kay Yasmin at sigurado siyang matatagalan pa ito sa pagbalik. Naghintay naman ng sagot si Aya na may napakainosenteng mukha.

Nagsalita si Lenard, "Siguro magkasama ang mommy at daddy mo.."

"Tama! May business meeting ang mommy at daddy mo!" ani ni Sissy na napipilitang magsinungaling.

"Sa rooftop po sila magmeeting?" usisa ni Aya.

Nagsitinginan sina Leo at Handsome sa isa't isa. Kaya nagsalita na rin si Leo na pabiro.
"Alam mo young lady, may meeting ang mga magulang mo kaya sigurado matatagalan sila sa pagbalik. Napakaimportanteng meeting na bawal madistorbo.."

Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Leo ay sumingit si Peter na walang paligoy - ligoy na pananalita. "Ang mommy at daddy mo sigurado ginagawa ang magiging kapatid mo..."

Nanlaki ang mga mata ng tatlong nakakatanda. Nagulat sila sa sinabi ni Peter. Di tuloy sila agad nakapagsalitang tatlo.

"Huh? Anong ibig mong sabihin kuya Peter?" Naguguluhang reaction ni Aya na napakamot ng ulo.

Sinermunan ni Leo ang pamangkin. "Peter! Itikom mo nga ang bibig mo. Ang bata mo pa para alam ang mga iyan."

"Sino ba ang nagturo sa iyo niyan?" Tanong ni Sissy na nagkasalubong ang mga kilay.

"Si tito Leo..nanonood kasi siya ng.."Pagbubuking ni Peter sa tito niya na nanonood ng p*rn videos.
."Shhh... Ano ka ba Peter!" Pagpapatahimik ni Leo sa bata.

"Ahhh.. ganon pala. May bad influence na tito!" Ani ni Sissy na binigyan ng matalim na tingin ang binata.
Sinermunan naman ni Handsome si Leo, "Ano ka ba! Huwag mong turuan ng ganyan ang pamangkin natin. Kung buhay pa si Ate, siguradong magagalit iyon sa iyo!"

Napayuko nalang si Leo at humingi ng tawad, "Sorry na.."

Ibinaling ni Sissy ang pansin kay Aya na kanina pa naguguluhan. "Aya, matulog na tayo. Uuwi rin ang mga magulang mo."

"Okay po."

Samantala ang mga magulang ni Aya ay naroon sa isang romantikong silid. May mga rose petals sa sahig at mga bulaklak. Naka-dim light ang loob ng kwarto na may katamtamang lamig na mas nagpapasabik sa dalawa.
Hiniga ni Arthur ang asawa sa malambot at malapad na kama. Nakapulupot ang mga braso ni Yasmin sa may batok ni Arthur habang naghahalikan sila. Parehong nakapikit ang mga mata at ang mga labi'y ayaw ng tumigil sa paglasap. Napakapusok ng dila ni Arthur at sa loob ng bibig ni Yasmin naglalaro. Parang magnet ang mga labi nilang patuloy sa pagdampi sa bawat labi nila. Inalis ni Arthur ang braso ni Yas na nakapulupot sa batok niya at hinawakan ang magkabilang pulso sabay diin sa kama.

"Arthur.." sambit ni Yas na napahiwalay ang labi sa labi ng asawa.

"Yasmin.."
Ang mga titig ni Arthur ay tila umiinit at nananabik na. Hindi na siya makapagpigil kaya napaluhod si Art sa ibabaw ni Yas at hinubad niya ang kanyang suot na polo. Pagkatapos, tinapon lang ito. Bumungad ang malatinapay na abbs ng asawa na nakakatakam na kagatin at tikman. Napapakagat -labi nalang si Yas na tila tumulo na ang laway sa kakatitig rito.

"Oh my.." ani ni Yas na di maalis ang titig sa abbs ng asawa.
Tinanggal ni Art ang butones ng pantalon niya at ibinaba ang zipper hanggang tuluyan na niyang hinubad sa ibabaw ng asawa. Bumaba ang tingin ni Yas mula sa abbs patungo sa umbok na alaga ni Arthur habang nakasuot pa ng brief. Titig pa lang ay nag-iinit na rin si Yasmin pero tila pinipigilan niya ito.
"Oh sh*t... " reaction ni Yas na napailing at napapakit. Kailan ba sila huling nags*x ng asawa na nasa ibabaw si Arthur?

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon