Umuwi na sa kanila si Yasmin. Matamlay ito at nakatulalang naglalakad papasok ng bakuran. Araw ng Sabado kaya walang trabaho. Nagtatanim ng mga bulaklak si Lin sa kanilang hardin habang ang dalawang bata ay nagtatakbuhan at naglalaro.
Napansin ni Lin si Yasmin na papasok ng gate. Napatayo ito at sinalubong ang kaibigan."Yasmin! Okay ka lang ba? Hindi ka umuwi kagabi.." pag-aalalang tanong ni Lin.
"Nakitulog ako sa kaofficemate ko. Matagal kasi natapos ang selebrasyon.. " paliwanang ni Yas.
"Ganoon ba.."
"Kumain ka na ba ng agahan?" Tanong ulit ni Lin.
Napangiti lang si Yasmin sa kaibigan. Nakita naman ni Aya ang ina na dumating kaya napahinto ito sa pagtatakbo.
"Si mommy dumating na!" Masayang sambit nito. Agad tumakbo si Aya sa ina."Mommy!"
Napalingon si Yas at nakita ang anak na patungo sa kanya. "Aya!"
Niyakap agad ni Aya ang ina. "Namiss ko kayo mommy!"
"Ganoon din ako anak. Nagpakabait ka ba?""Opo!"
"Mabuti naman.. sige, maglaro na kayo ni Lenard. Maliligo lang si Mommy."
"Opo!"
"Tara!" Aya ni Lenard.
Hinawakan ni Lenard ang kamay ni Aya at tumakbo sila patungo sa may puno para maglaro. Masaya naman na makita nila Yasmin at Lin ang mga anak na masaya.------
Pumunta na ng banyo si Yasmin. Hinubad niya ang suot na damit at naligong nakahubad pero suot pa rin niya ang isang singsing na ginawang kwentas. Binuksan niya ang shower at dumaloy ang malamig na tubig mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang hubad na katawan. Nakatingala siya at nakapikit habang nararamdaman niya ang pagdaloy ng malamig na tubig sa balat niya.
Naiisip pa rin ni Yasmin ang pagtangka ni Leam sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalimutan ang mga ginawa ni Leam, bumabalik ito sa alaala niya. Pumapasok rin sa utak niya ang mga possibleng mangyari sa susunod.
Hanggang tumulo nalang ang kanyang luha kasabay sa pagdaloy ng tubig sa pisngi niya. Hindi niya mapigilan ang mga ito kaya napayuko nalang siya at napasandal sa pader. Tumigil na ito sa pagligo kaya isinara na nya ang shower."Arthur.." tawag ni Yasmin. Mas lalong dumaloy pa ang kanyang mga luha. Malalaking mga butil ang pinakawalan ng kanyang mga mata.
"Arthur.."
Napahawak si Yasmin sa singsing na nasa kwentas niya. Ito ang wedding ring ni Arthur, ang isang bagay na nagpapalakas sa kanya. Kapag suot niya ito at hawak ay parang kasama lang niya ang asawa."Arthur.."
Nasa labas ng banyo si Lin at naririnig ang hagulgol ni Yasmin sa loob. Kahit gusto man niyang puntahan ang kaibigan ay binigyan nalang muna niya ng panahon ito na mapag-isa.
"Yasmin..." Sambit ni Lin na napasandal sa pinto. Nalulungkot siya kapag nakikitang malungkot ang kaibigan. Alam niyang marami ng napagdaan si Yasmin.
Samantala, naglalaro sina Aya at Lenard sa bakuran ay napansin ni Aya ang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat nila. Nakatuon ang pansin ni Aya roon.
"Bakit Aya, may problema ba? Ano ba ang tinitingnan mo?" usisa ni Lenard na napapatingin na rin."Pamilyar ang kotseng yan.." ani ni Aya.
"Huh? Iyong itim na kotse?"
Napatango si Aya.
"Paanong naging pamilya?" Tanong ni Lenard na napapakamot ng ulo.
"Tanda ko na, iyon ang kotseng may mga lalaking naka-itim. Iyong mga taong gustong kunin ako." Paliwanag ni Aya na napatulala at napaupo sa lupa.
"Ano!?" Reaksyon ni Lenard na nakasalubong ang mga kilay. "Mga bad guys pala sila!" Galit na sabi nito.
"Sila iyon.. sigurado ako." Naluluhang wika ni Aya.
"Mommy! Tita! Ate! Kuya!" Sigaw ni Lenard.
Nang napasigaw si Lenard ay umandar na ang sasakyan paalis sa tapat ng bakuran nila.
Narinig naman nila Lin, Leo at Peter ang pagsigaw ni Lenard kaya dali -daling pinuntahan ang mga bata."Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Lin sa anak.
"Ano bang nangyari Lenard? Bakit ka sumigaw?" Tanong ni Leo.
"Kasi.." magpapaliwanag sana si Lenard nang dumating na si Yasmin sa kinaroroonan nila. Nilapitan niya agad ang anak na nakaupo sa lupa.
"Anong nangyari? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Yasmin sa mga bata. "Bakit ka nakaupo diyan Aya?"
"Mommy, yong bad guys.. narito sila!" Umiiyak na pagsagot ni Aya.
"Ano? Sinong bad guys?"
Niyakap agad ni Yasmin ang anak na si Aya. Umiiyak na ito at nanginginig sa takot.Nagpaliwanag si Lenard. "May sasakyan po kanina na itim na nasa tapat po. Ang sabi ni Aya, sila iyong mga taong gustong kumuha sa kanya noon!"
"Ano!?"
Nagulat ang lahat. Kinabahan tuloy sila.
"Taha na anak. Nandito si Mommy. Proprotektahan ka ni mommy!"
Nagsalita rin si Leo at nagmungkahi, "Kailangan nating ireport ito sa mga police o di kaya sa barangay. Mas mabuti ng maging alerto tayo at nakahanda. Mabigyan man lang tayo ng proteksyon."
"Ikaw na bahala Leo." Sagot ni Lin.
Napasaludo si Leo. "Yes my labs! Este maam!"
-------
Pumunta ang sasakyan na itim sa isang mansyon na di kalayuan sa bahay nila Yasmin. Pagkarating roon ay may mga naka-itim na mga lalaking bumaba at nagtungo sa may hardin. Ang isang lalaki na siyang pinuno nila ay lumapit sa isang babaeng nakaupo sa isang bench."Kumusta?" Tanong ng babae.
"Sinusubaybayan pa rin namin sila.." sagot ng lalaking naka-itim.
"Kailangan mawala ang batang iyon para tuluyan ng mawala ang koneksyon sa babaeng iyon."
"Yes madam!"
"Ano naman ang tungkol sa babaeng iyon? Nakalimutan na ba niya si Arthur?" Usisa ng babae.
"Nagiging close sila ng boss niyang si Leam. Mukhang may namamagitan na sa dalawa."
"Si Xian.. ang lalaking nagpanggap bilang si Leam na kakambal niya. Ang akala nila hindi ko alam. Patay na si Leam.. ang tanong, alam kaya nila?"
Kinakausap ng babae ang sarili."Madam, ano po ang gagawin namin?"
"Gumawa kayo ng paraan na mawala ang bata at tuluyan ng mawala ang babaeng iyon sa buhay niya!"
"Opo!"
--------Sinamahan ni Yasmin ang anak sa kwarto habang si Lin at Sissy ay nasa kusina. Si Leo naman ay inaayos ang gate nila para saka-sakaling dumating ang mga di kilalang tao ay mahihirapan sila sa pagpasok.
Hindi na nakatiis si Lenard at nilapitan ang binata.
"Tito Leo..""Hmm? Bakit Lenard?" Tanong ni Leo habang nag-aayos.
Direktang nagtanong na ito. "May gusto ba talaga kayo sa mommy ko? Gusto ba ninyo siya?"
Natigilan si Leo at napatingin sa bata. Namumula bigla ang pisngi ni Leo at di makapagsalita.
"Sa tingin ko po, gusto ninyo siya. Pero sa tingin ko, hindi kayo gusto ng mommy ko!"
"Huh? Ah.. eh.."
"Sayang po dahil mabait po kayo tito kahit di kagwapuhan."
"Huh?"
Napakamot ng ulo si Leo na mukhang nahihiya sa pinagsasabi ni Lenard."Kahit di kayo gwapo, kayo pa rin ang pinakagwapo na tito ko!"
Sa isip ni Leo, "Magagalit ba ako sa batang ito o matutuwa? Naku naman.. pero ang sakit pa rin makapagsalita."
Pangiti -ngiti si Lenard na nakaharap kay Leo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
Roman d'amourNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...